Ito ay bilang pagsuporta sa isang magandang proyekto ni Dr. Alexander Lucman, isa sa mga hinahangaan nating servant leaders. Si Kaka Alex ay isang OFW advocate noon sa Saudi Arabia at saksi po tayo sa maraming mga OFWs ang kanyang natulongan. Sa katunayan, isa po tayo sa mga natulongan nya.
Noong 2007, ay umuwi na ng Pilipinas si Kaka Alex pagkatapos ng 25 na taon na nagtrabaho sa Saudi Arabia. “Once a servant leader always a servant leader” ika nga, kaya patuloy pa ring nakatutok si Kaka Alex sa mga kaganapan at mga issues tungkol sa karapatan at kagalingan ng mga OFWs.




























