You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Satire: Ang Katangian ng mga Kababaihan

Warning: Ito ay isang satire, kung ikaw ay isang lalaki, hindi mapigilan ang pagtawa, ‘wag mo nang ipagpatuloy pa ang pagbabasa.

Ang banal na kasulatan mismo ang nagsabi na ang babae ay nilikha mula sa tadyang ng lalaki. Isang butong baluktot at babasagin na kung pilit na ituwid ay mabibiyak at mababasag.

Alam na alam ng mga lalaki ang kahinaan ng mga babae kaya sila ay kanilang minamahal at inaalagaan. Pero para sa mga kababaihan, yun ang pinakamalaking kasinungalingan.

Likas na mapagmahal ang lalaki. Sa katunayan, gusto niyang mahalin ang lahat ng mga babae na walang lalaking nagmamahal. Subalit, hindi ito kayang tanggapin ng babae. Hindi nya kayang maunawaan na likas sa mga kalalakihan ang umibig at magkawanggawa. Dahil siya ay isang babae; maramot, ganid at sakim kung boyfriend o asawa nya na ang pinag-usapan.

Ang kurot..

Kung pagbabatayan natin ang statistics, lahat ng lalaki ay nakurot ng karelasyon na babae.
Pero bakit sila kinukurot? Hindi nila alam.

Kung pagbabatayan natin ang statistics, kaunti lang ang mga babae na nasuntok ng karelasyon na lalaki.  Kung tatanungin mo sila kung bakit sila nanuntok? Dahil sa pangungurot.

Bakit nga ba sila nangugurot? Dahil ba sa ating pagiging cute?

Hayun na, dadalhin na sa baranggay, nagreklamo na si inday.
Tanong ni Kapitan, bakit mo siya sinaktan?
Tatahimik na lang si lalaki at hindi na kaya pang sumagot; dahil hindi naman pwedeng sabihin na dahil sa kurot.

Ang sasabihin lang naman ni kapitan, ” kurot lang?”
Sa isip-isip ni Kapitan, ako nga natiis ko naman.

Bakit nga ba sila nangugurot? Lalo na sa mga tanong na walang kakwenta-kwenta.

Love mo ako? Sabay kurot.
Kahit sinagot na ng oo, magtatanong pa ulit si kulit, love mo ba talaga ako, sabay kurot.
Ano ba? tanong ni lalaki.
Tingnan mo ‘to di mo ako love, sabay kurot.
Sinabi nang tumigil ka na?
Bakit mo ako sinisigawan, sabay kurot.
May iba ka na ano? Sabay kurot.
Wala akong iba? Ikaw lang at wala nang iba.
Kung walang iba bakit mo ako sinisigawan, sabay kurot.
Eh ang sakit mong kumurot eh!

Ang mga mahihinang lalaki, di kayang tiisin ang kurot, kaya nakakapanakit. Napuno na sa tagal ng panahon niyang tiniis ang pangugurot.

Ang paborito pang kurutin ng babae ay ang singit.  Dahil kung madala ulit sa barangay ay alam nya  na ang tanong pa rin ni kapitan ay  “bakit mo siya sinaktan?”

Kung aamin man ang lalaki, kinurot kasi ako.
Nasaan ang ebidensya, Ipakita mo?
Kawawang mga lalaki, walang kalaban-laban.

KUROT, pero kung matatalo na sa pagtatalo ay gagamitin na ang pinakahuli at pinaka-epektibo niyang sandata. ang PAG-IYAK..

Ang bagetong lalaki naman, walang kaalam-alam at sinusuyo pa ang babae.

“Huwag ka nang umiyak mahal, ano ba ang nagawa ko at ikaw ay nasaktan?”

Hayun, sampal at kurot ang inabot. Nagtanong ka pa kasi.

Mahilig din silang gumaya ng pose ng mga artista o model at i-post sa Facebook

“Mahal,” sabi ni kumpare, nag-post ka daw sa Facebook na naka-duster?
Anong duster, nighties ang tawag doon.

mahal burahin mo na lang yon.
Bakit ko buburahin? na-insecure ka dahil sexy ang asawa mo?
hindi naman sa ganun mahal.
So, hindi ako sexy?
sexy, sexy ka mahal.
So, nagselos ka, nagselos ka. wala kang tiwala sa akin? (kurot)
hindi ako nagsi-selos mahal
Ah ganun hindi ka nagsi-selos, so, hindi mo na ako mahal?

Kinabukasan may bagong picture na si mahal sa facebook: nakapanty at bra lamang!

Isa ring katangian ng mga babae ay ang hilig magmemorya ng linya mula sa kanta, nobela at pelikula, tapos gagawa ng paraan para masabi sa totoong buhay ang natutunang linya.

(asawang lalaki) mahal I’m home, may pasalubong ako sa yo.

What have you done now??
ano ba bakit mo ako sinampal mahal?

Would you mind if I hurt you?
okay lang,  pero ipaliwanag mo muna bakit mo ako sampalin.

Understand that I need to
ha, mahal ano yon?

Wish that I had other choices than to harm the one I love
hindi ko alam ang pinagsasabi mo mahal, okay ka lang?

“You can’t handle the truth!” ( sabay kurot)
anong truth ba, pinagsasabi mo, nakakasakit ka na?

“I’m walking here! I’m walking here!” And where were you when i need you the most?
saan, kailan, ano ba??

(at nang naubusan ng linya) “I want to be alone.” .. (sabay alis na nakangiti at satisfied na nasabi nya ang lahat ng linya)

(at nang maalala nya ang karugtong na stanza,  bumalik)

I know I’d better stop trying
You know that there’s no denying
I won’t show mercy on you now
I know, should stop believing
I know, there’s no retrieving
It’s over now, what have you done? (sabay kurot)

May mga panahon din naman na mapagmahal at mapag-aruga ang mga kababaihan.

Isuot mo itong t-shirt, ganyan ang sinuot ni Piolo.
Magpagupit ka, gayahin mo yong kay Piolo.
Mag-exercise ka, para gaganda ang katawan mo katulad ni Piolo.

(at pumalag ang lalaki) tama na! tama na! hindi ako si Piolo! galit ako kay Piolo!

Anong sabi mo? Galit ka kay Piolo? (sabay kurot)

Ang mga kababaihan, kahit ganyan sila ay dapat nating mahalin at alagaan. Huwag natin silang saktan. Ganyan na nga sila sasaktan mo pa?

Image Source: cheezburger.com

Related LinkSatire: Ang Katangian ng mga Kalalakihan