You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

HAGIT: Prinsipyo VS Kahipokritohan

Image Source: sodahead.com

Natatawa ako sa mga tao na hanggang salita lamang ang prinsipyo. Pero pagdating na ng oras na kailangan nang makipaglaban para sa katotohanan, katarungan at pagkamakatarungan, ay maninimbang na..

Mga mapagkunwari, kung hindi nyo kayang panindigan ang mga panuntunan na inyong pinapahayag, ay mabuti na lamang at wag kayong magsasalita.

Bakit ka maninimbang kung ang labanan ay tungkol sa katotohanan at kasinungalingan, katarungan at kaapihan, pagkamakatarungan at may kiniklingan? Labanan ng kabutihan at kasamaan, maninimbang ka pa?

Ang tunay na may prinsipyo ay hindi mag-alinlangan ipaglalaban ang mga panuntunan na kanyang pinapahayag. Wala syang pakialam kung may kasama o mag-iisang lumaban basta nasa tama lang sya.

Itong mga hipokrito, sa oras na kailangan. Takot lumaban kesyo daw magkawatak-watak, kesyo daw marami ang kalaban. Takot ka, may sarili kang agenda, wala kang pagkakaiba sa kanila. yan kasi, partisan kayo, kabutihan nyo lamang ang iniisip nyo.

Huwag na kayong magtalumpati pa tungkol sa prinsipyo, nasusuka lang ako. pweeeh!

HAGIT Announcement: Ngayon na successful na tayo sa pagpalaganap ng Servant Leadership at Volunteerism, sana magkakasama pa rin tayo sa bagong project natin, ang pagpalaganap ng HAGIT Principles simula 2014.

Kung sa servant leadership at volunteerism ang iniiwasan natin ay yong mga taong may pagkamakaAko at mga gutom sa kasikatan; sa HAGIT ang magiging matinding kalaban natin ay ang mga mapagkunwari. Itong mga ipokrito, na mas mapanganib pa sa mga lantarang kawatan at sinungaling.

Sa taon 2014, uumpisahan na natin ang HAGIT. Panalangin natin na mabibigyan na ng tuldok ang paghari-harian ng mga makasarili, mapagpanggap, mga ganid, mga sakim, mga kawatan, mga gutom sa kapangyarihan; na lumampastangan sa ating mahal na Inang Bayan.

HAGIT: Occupy Barranggay Level 2016 – http://patnubay.org/?p=112

– sio