You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

‘’BAKAS NG PAA SA GITNANG SILANGAN’’

The 62 Empowered OFWs

‘’ BAKAS NG PAA SA GITNANG SILANGAN’’
by Florante Dagon

Buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon, nang akoy lumipad papuntang kaharian, may halong saya,kaba,at lungkot ang nararamdaman ko noon.

”Saya”, dahil sa wakas natupad na din ang pangarap ko na mangibang bansa.’’Kaba”,dahil di ko pa alam kung ano magiging kapalaran ko doon.

’’Lungkot”, dahil mawawalay ako ng dalawang (2) taon sa aking pamilya.

Sadya kung iniwan ang trabaho ko sa pilipinas para lang matupad ang aking inaasam asam na pangarap ang maka pag abroad,ngunit lingid sa kaalaman ko, hindi pala madali buhay abroad.

‘’Nang akoy dumating sa kahariang langis ng kayamanan,pagbaba kopa palang ng eroplano sabay tapak ng aking mga paa napa tingin tingin ako sa paligid at sabay sabi!

’’ Ito naba talaga ang Saudi!” Nang sinundo ako sa airport medyu may pag alinlangan ako sa sarili na tila bagang gusto kung bumalik sa Pilipinas.

Kinalaunan pagdating ko sa tinatrabahoan kung tindahan, nagulat ako sa aking nakita sabay sabi sa isipan, naku! ‘’halo halo pala mga kasamahan ko dito may indiano,Bengali,nepali,egytian at pagka kita ko sa may unahan parang napawi ang buntong hiningang napakataas! “sabay, sabi! “hayun may mga Pilipino din pala akong mga kasamahan”.

Tatlong araw akong nanatili pansamantala sa akomodasyun namin para hindi muna maka pagtrabaho dahil may mga kinakailangan pang ayusin pang medical para sa akin.Ngunit sa araw na yaon sadyang di ako mapakali at halos pilit kunang ipinipikit ang aking mga mata para lang makatulog.

Sa kabila nito ang isipay lumilipad at sabay tanung? ‘’bakit kaya ako napunta dito?

’’Pangatlong araw ko nah wala parin akong sapat na tulog, minsan pasok sa kwarto balik na naman sa may sala!”Gusto ko sanang lumabas para mawala ang pag alala,pangulila, sa aking pamilya;
ngunit takot na takot ako! Dahil kasasabi palang ng Pilipino kung kasamahan na! ‘’Wag na wag kayung lalabas! “Dahil wala pa kayung mga ikama, pag nahuli kayu! yari kayu! kulong ang bagsak nyu!

Sa mga panahong ito, di kuna napigilang umiyak,at humagulgul ng malaki,’’huhuhu’’sapagkat parang napakabigat imulat ang katotohanan na pilit mo mang baguhin,iwaksi,wala kanang magagawa dahil nasa loob kana ng kaharian,kahariang napakasarap pakinggan na sa isipay gintong kumikinang, pagka unang sabak mo sa gitnang silangan.

Ito ang araw na hindi kuna talaga mapigil at sabay text sa aking pamilya nah, “ibenta nyu lahat ang napundar kung ari arian makauwi lang ako huhuhu”,

Nang natanggap nila ang text nataranta sila, dahil baka daw ano na nangyari sa akin at medyu nadagdagan pa ang pag alala nila ng hindi ako naka kontak ng tatlong araw, sapagkat yun ay huling text ko, na hindi nila ako makontak alalang alala sila, dahil may dinadaramdam kasi akong sakit sa tyan, ngunit hindi ako alintana ang karamdaman na iyun.

Kinalaunan nakontak ko sila at sabay sabi! ‘’Pasensya na kaayu, medyu nadala lang ako sa emosyun, lubha lang talagang na miss ko kayu! di pala madali malayo,mawalay sa pamilya! “Ito pa naman ang pinakauna kung karanasan malayo sa pamilya.

Nang lumipas ang ilang araw,nakita ko aking wallet at sabay bukas at di ko inasahang makita ang isang maliit na parang bibleya na may nakasulat na panalanganin,nung mga panahung yaon, sinimulan ko ang pag babasa at sabay panalangin na sa bawat araw’t gabi lilipas din ito.

Sa tulong din ng mga ibang ng aking mga kasamahan, mga payu at gabay nila, ang unti unting nakapag gaan ng loob ko na gustuhin ko mang umuwi, pagpatuloy ko nalang lilipas din ang panahon.Tapos ina alaala ko rin ang utang na napakalaki pa!

“Unang sabak ko sa trabaho medyu kabado ako! “dahil di ko kabisado ang mga ugali ng ibang lahi,lalong lalo na pag mag kamali ka,sa kabila nito pilit kong nilalagay sa utak ko na andito ako para makipagsapalaran, makipagsabayan,sa ibang lahi at kampante ako na aking karanasan at karunungan ay di basta basta na malagpasan ng ibang lahi.

“Ito ang mga bagay na nag udyuk sa akin upang ganahan,at lalo pang pagtibayin,pagbutihin ang aking trabaho para mawala ang pangulilala sa pamilya,”ngunit sa kabila nito sadyang may mga panahong sinusubukan ka ng mga taong gustong durugin ang iyung pagkatao mga bagay na hirap lunukin, sapagkat wala kang magagawa dahil ikaw ay baguhan.

Halos lahat ng mga taong nasa loob pinaka mababang uri ng trabaho at napaka simply ikaw pa ang pina papagawa,sabi ko tuloy! ‘’Ano ba natapos nyu bakit ako gumagawa nito!.”

Mga bagay na hirap alisin sa isipan, ngunit Kailangan mong tanggapin,sabi nga ng iba ‘’ganun talaga dito basta baguhan ka!,mop,luto,linis,deliver,at minsan buhat ng mga stocks…

May mga pagkakataon talaga na papasok nalang ako sa C.R. at pansamantalang palipas ng mga limang (5) minuto para lang makapag pahinga!

‘’totoo pala talaga naririnig ko sa mga OFW yung iba papasok ng C.R. para lang maka pag pahinga”.At sa lahat ng pinaka ayaw ko yung sinisigawan ako,dahil karamihan sa mga supervisors at managers namin ay mga mustry (egytian).

Naku!!! normal lang pala sa kanila ang sisigawan ka ng malakas.. isang araw naghahakot kami ng stocks sinigawan ako ng manager namin at sabi!.. ‘’suhra suhra’’sabi nya bilisan ko daw sabi ko tuloy sa isipan ko.

‘’Sos!!!. Nong!! og didto paka sa Pilipinas, tirahan tajud ka pahaka ka!”

Pilit kong kinakaya ang pina gagawa nila sa akin at minsan na din akong napaluha dahil yaong mga araw na yun halos lagpas na sa oras ang kain at nagpa alam ako sa manager para kumain, ngunit hindi sya pumayag, bagkus pina galitan pa nya ako!

’’Pumunta ako sa may gilid ng sulok at di maiwasang tumulo ang luha ko nah may halong galit,poot,inis,sabay sabi sa sarili ‘’bakit pa ako napunta dito! Ehh, ang ganda ganda na ng trabaho ko sa Pilipinas! ‘huhuhu’’.

Isang araw may schedule lahat ng mga Pilipino para sa isang seminar briefing, halos lahat na batch namin sa Jeddah nandoon.

Kinabukasan nagkita kita kami at sa mga araw na yun di namin mapigilan ang pagka sabik nang magkita kami at sabay kwentuhan at tawa.

‘’brad kumusta namo!.,ok lang brad!..,”ahak brad dili man day lalim abroad’’,hehehe’’sabi pa nga ng iba napa tawag din sila sa kanilang pamilya at sabay iyak at sabing gusto daw nila umuwi’’.

sabi ko tuloy sa sarili ko, nako! di pala ako ang nag iisa sabay ngiti”hehehe’’.

Ganun din yung kwento nila halos walang kaibahan sa akin! istriktong amo,kaltas sa sweldo,trabaho subra sa oras, walang day off at iba pa.
Lumipas ang ilang buwan, unti unti kong napag tanto ang mga ito at bago paman pumotok ang nitaqat ( saudization) naglalaro na sa isipan ko, kung papano ko matatakasan itong madilim na yugto ng aking buhay.

Humingi ako ng payu! Isa na rito ang inyung lingkod si ate clueless,at dahil medyu malapit lang ang opisina ng konsulado ng Pilipinas dumulog ako at nag tanung tungkol sa sitwasyun namin; at sabay pinakita ang mga kontratang hawak ko!

Dahil isa mga ni reklamo ko ay wala pa akong Iqama mag iilang buwan na.Sagot ng consulado, e follow up mo sa companya mo!”,napaka simply lang ang sagot at dali daling iiwanan ka,doon ko naramdaman ang tila walang kakamping OFW na sa halip na sila ang tutulong,kakalinga bagkus pina pasa pasa kapa nila.

Mangilan ngilan din akong pabalik balik sa konsulado at minsan isang araw ng naglalakad ako papunta ng konsulado mahigit apat (4) kilometro ang layu napaharap ako sa araw sabay tingin at sabi “sa pagyapak ng kanang paa may araw ding makakauwi ako sa lupang sinilangan”.

Ngunit wala talagang malinaw na sagot at pina kita ko pa nga ang aking kontrata sabi ko bakit “irrigation laborer ang nakalagay sa contrata at ang sponsor namin ay isang landscaping company’’ tapos nasa fastfood kami nagtratrabaho ang sagot ng konsulado.

‘’Ganun talaga dito tiis tiis lang pag may time, tapusin mulang yung contract mo”.

Tapos yung sahod na nakalagay sa contract ay hindi tugma sa buwanang sahod.May mangilan ngilan na din akong nakausap tungkol sa mga sitwasyun nila at sabi ko tuloy.

‘’kalakaran naba ito dito sa kaharian or sadyang nag bulag bulagan lang talaga ang ating pamahalaan’’.

Doon mo makikita ang naghihikahos na mga kababayan nating uhaw sa tulong ng ating pamahalaan na yung iba mag iilang buwan ng nakatengga sa tinatawag na tent city ngunit marami rami parin ang naghihintay, nagti tiis na sa isang araw umaasang makakasakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas.

Ni minsan di sumapit sa isipan kong tumakas, bagkus pinangako ko sa sarili kung dadaan at dadaan ako sa legal na proceso.Ito ang isa sa mga nagpatibay sa akin na dapat sanay panghinaan ako ng loob, bagkus lalong tumibay,tumatag,at determinadong hanapin ang butas pauwi ng Pilipinas,makamit lamang ang hindi patas na trato at procesong dinaanan namin.

Hanggang sa kalaunay nakilala ko ang isang NGO (PATNUBAY) na nagbigay sa amin ng panibagong pag asa at tinuro ang tuwid na daan pabalik ng Pilipinas.

Di ko makakalimutan buwan ng Hunyo (26) ika dalawangput anim taong kasalukuyan, pinalayas ako ng aking amo (manager) na walang puso,umabot pa sa pontong muntik na kaming magka suntukan dahil halos ipagtabuyan nya ako sa labas sa kabila nito ramdam na ramdam at pansin pansin ko ang takot at ang pag alinlangan ng isang mustry (Egyptian) dahil yung mga panahon yaon tila may kunting alam na tayu sa batas ng kaharian at kampante tayung may mga taong handang lumaban at tatayu para ipamukha sa mapaglamang na nilalang.

Sa walang pag alin langan naka pag desisyun akong bumaba papuntang Riyadh alas syete ng gabi (07:pm) ng umalis ako sa Jeddah bus terminal at sa kalagitnaan ng aming byahi bandang alas singko ng umaga (05:am) bigla akong nagising sa napaka laking aninag ng araw na sumambolat sa aking dalawang mata ang napa kalaking marka ni haring araw na animoy bumubulong at nagsasabi ng;

“Ito ang panibago at pinaka magandang nangyari sa yugto ng iyung buhay ang araw na uukit sa kasaysayan ng karimlan’’.

Bagay na tumatak at nasabi ko sa sarili ko na ang pagpunta ko dito sa kaharian ay isang misyun na dapat kong panindigan, sapagkat para akong isang langis sa batis na naglalarawan na sa bawat pagpatak ng tubig kailanma’y di pwedeng maisa ilalim sa bulok at di naayun sa karapatan.

Sa pananatili namin sa bahay o akomodasyun ng aming sponsor (Kafil) iilang buwan din kaming sinubok ng katatagan,para kumbinsihing ilipat sa kompanyang tina trabahuan namin,ngunit sa kabila nito hindi kami natinag at umabot pa sa ponto na kami ay tinakot,hinarass,para lang pumirma sa blankong papel.

Hanggang umabot sa ponto na kami ay inimbitahan sa precinto ng pulis, dahil ginawan kami ng kwentong walang katotohanan,at buti nalang naka timbre na kami sa mataas na opisyal sa ating embahada sa tulong ng mga taong nakamanman at tumayung Ama sa panahong yaon.

Dahil walang katotohan ang bintang nila sa amin,kami ay pina kawalan at pansamantalang tumuloy sa ni rentahang bahay ( estereha) ng embahada.Umabot pa ng isang buwan ang pananatili namin at may mga panahong nagkaka subukan ang bawat miyembro o gropo, marahil siguro sa sitwasyun namin na inip na inip sa tila usad pagong sa procesong dapat sanay inasikasu ng nasa katungkulan.

Sa mga sumunod na araw, sa wakas hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yaon na may biglang napatawag at sinabing may uuwi daw na lima (05) sa gropo at isa ako sa napili, sa una hindi ako naniwala, dahil sa nakalipas na linggo puro haka haka at walang katotohan ang mga balitang yaon,ngunit nang makita ko ang aking pasaporte at ticket kasabay ng exit visa halong tuwa at lungkot ang aking naramdaman,

”Tuwa” dahil sa wakas ang araw na pinaka hihintay ko dumating na, at sa wakas makikita ko na rin aking pamilya.

”lungkot” dahil pansamantalang maiiwan ko aking mga kasamahan, dahil dito; di ko namalayan na unti unti na palang tumolo ang mga luha,luha ng saya at pait na nagdadala ng pag asa,isa din ito sa mga araw na umukit sa bawat puso na hindi kuman kadugo ang bawat isa; ang pagmamahal at pagdamay ay isang yamang kailanmay hinding hindi malilimutan.

Dito namin naramdaman ang walang kapalit na pagmamahal sa kapwa, tulong sa mga taong nangangailangan ng atensyun mapa legal,moral,o pinansyal,makamit at maituwid lamang ang baluktot at bulok na sistema na pilit pinagpipilitan ng nasa kapangyarihan.

Ang bawat oras,araw,buwan na pamamalagi namin sa kaharian ay syang nagturo at nagbukas ng panibagong pag asa, papasok sa pintuan upang matuntun namin ang tunay na kumikinang kinang na kayamanan sa gitnang silangan, at ito ay ang aral o leksyung umukit sa bawat nilalang na aming nadaanan.

Laging tandaan na sa bawat yugto ng buhay,Saan man tayu hambalusin ng malalakas na alon, isipin natin na sa bawat bakas na makikita natin sa buhanginan ikaw ay pasan ng diyos ngayon,bukas,magpakailanman.

Maraming salamat.Mabuhay ang OFW!
Powered by 62.