You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Patnubay Online Police Cases Review for 2013

Common Cases

1. Drugs – ito yong kaso na pinakamaraming OFWs na nahuli sa taong ito. (dati love cases at liqour ang marami ngayon, hindi na). Tatlong type ito, smuggling, pushing and using. Ang smuggling, palabas o papasok ng ksa ay may parusang kamatayan. Hindi natin matindinhan

2. Embezzlement (Company) – ito yong pumangalawa sa mga cases.. Paalala lamang , sa mga workers na in-charged sa paghawak ng pera, vault, magdouble ingat, sa accounting at sa kasama na ibang lahi na kapartner mo ng responsibility. At wag magnakaw kahit maliit. Dahil kung mahuli kayo ang lahat ng losses sa mga nakaraan ay sa inyo iakusa.

Rare Cases:

1. Bribery – may dalawang bribery cases na naireport sa atin early this year a parehong naserve na rin ang sentence. Yong una ay si kabayan na driver tinawag ng traffic police ng “come” ang pagkaintindi nya ay “kam?” na arabic for “how much?”, kaya nag-abot syang 100sar. Yong pangalawa at natapos na rin ang sentence, ay doon naman sa pagkuha ng lisensya, isang baguhang OFW na bumagsak sa driving test, tapos may Bangladeshi na nagsulsol na bigyan ang officer ng 50sar para pumasa.

2. Forgery Case Victim – Totoong kasal. naghire ng services ng isang agency sa atin para magpaauthenticate ng marriage contract sa Saudi Embassy. Nang dumating ang document dito ay di nya alam na di pala totoo na authenticated ng Saudi Embassy yong pinadala ng agency sa kanya. Pagsubmit nya sa hukuma dito ay hinuli sya. Nakafala at dahil graduate sya ng Islamic University, pinaglaban nya mag-isa ang kanyang kaso at ngayong araw na ito ay naipanalo na ya ang kanyang kaso mag-isa sa korte. Sumuporta tayo dito sa kanyang pakipaglaban dahil hangad natin ang hustisya at pinupuri natin ang bago nating kasama.

3. Identity Theft victim – Isang undocumented na kababayan ay gustong mag-avail ng exit thru amnesty. Kumuha ng travel document at pumunta ng Jawasat. Nalaman nya doon na ang kanyang Iqama number at pangalan ay picture na ng ibang tao ang nakalagay sa system at nakasulat na nakauwi na daw last 2011. Lumapit si kabayan sa consulate para magpatulong. Pinakita nya ang kanyang iqama, passport at driver’s license para patunay na sya ay biktima ng identity theft pero ang sagot ng consulate ay wala silang magagawa. Lumapit sa atin, tinuroan natin kung papano maibalik ang iqama number sa kanya. Nagkakaroon ng pag-asa at pinili nya ang transfer kaysa uuwi. Last month, naibalik sa kanyang iqama number, naitransfer sa bagong kafil at nagtratrabaho na ngayon. Sumuporta tayo dito sa kanyang pakipaglaban sa kanyang karapatanb at pinupuri natin ang bago nating kasama.

4. Suicide Attempt Cases – Mayroon tayong dalawang (2) suicide attempt cases sa pagtapos ng taon.  Please take note that suicide is also considered a murder. Therefore,  an attempted suicide is an attempted murder. Kaya, maaring makukulong o madedeport ang gagawa ng suicide attempt.

Drafted by: tas

For more information about Police Cases Procedure please check this link http://patnubay.org/?p=6431