You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Ilang ulit ka na bang nagmahal?

Maricel Puertellano

Ang buhay, mahirap hulaan. Mahirap iplano. Kahit na alam mo at sigurado kung saan mo gustong pumunta, hindi ka pa din makakaasa na dun ka talaga tutungo. Minsan nga, may mga bagay na hawak na sa iyong mga kamay pero nakakawala pa. May mga taong gusto mong makasama habang buhay pero naglalaho na lng na parang bula. Minsan mayroong akala mo hindi na mawawala sa iyo, may mga binitiwang matatamis na pangako. Pero sa paglipas ng mga araw, iiwan ka na lng ng bigla.

Ilang ulit ka na bang nagmahal? Ilang ulit nang nagtiwala, niloko, nasaktan at muling nagmahal? May mga panandalian. May mga tumagal man pero hindi naging panghabang buhay. Bakit ba ang hirap intindihin na minsan, simple lang ang gusto mo, ung magmahal at mahalin ka din ng totoo. Pero kung kailan ka nagtiwala ng sobra sobra at pagkatapos mong ibigay buong buhay mo, wala pa din, nauuwi ka pa din sa pagkabigo. Sabi nga, paulit ulit lng, iba’t ibang tao at sitwasyon pero iisang katapusan, pagluha.

Nakakapagod din naman. Nakakalungkot na pagkatapos mong mamuhunan ng maraming panahon at pagmamahal, sa wala din lang mauuwi ang lahat. Saan ka nga ba patutungo? Tatanda ka bang nag iisa sa buhay mo? Minsan, natatakot ka ng magtiwala, at muling magmahal.

Siguro ang kaya mo gawin ngayon ay mahalin ang iyong sarili. Bigyan ng sapat na panahon ang iyong pagkataong kaytagal mong kinalimutan dahil sa pagmamahal mo sa iba. Ipaubaya mo na lahat sa Panginoon. Tutal Siya naman ang may alam ng iyong kahihinatnan at paroroonan. Hintayin mo na lang kung ano ang gusto niya para sa iyo, alam mong hindi ka Niya hahayaang mag isa. Alam mo ang katotohanan na kahit kailan ay hindi ka Niya pababayaan. Kaya kahit ka man ngayon nasasaktan? Ok lang yan.

Bumangon ka at ipagpatuloy ang iyong buhay. Ang kaligayahan ay nasa iyong mga kamay, nasa iyong pagpapasya at kagustuhan, hindi ito nakasa alang alang sa ibang katauhan. Isipin mong sa bawat pagluha at may katapat na kaligayahan. Minsan lang, kailangan muna nating masaktan, madapa at magalusan upang malaman natin na mali pala ang tinatahak nating daan. Subalit ganun pa man, ang mga hagupit ng pagsubok at bawat pagluha ay may kapalit na kaginhawahan.

Kaya wag kang mawawalan ng pag asa. Lumuluha man ngayon ang iyong puso, pilitin at piliin mo pa rin ang ngumiti. Ang batiin ang araw ng may bagong pag asa. At maglakbay sa isang daang ang tinatahak ay patungo sa ligaya. Kapit ka lang, darating din ang tamang panahon na may makikila kang isang tao na magmamahal sa iyo ng buong puso at buong pagkatao. Isang taong itinalaga ng Diyos para sa iyo.

~~REINAEMOTERA~~

Maricel Puertellano is an OFW and a migrants’ rights advocate. She once worked in Israel where she founded FilMoDHA in August 2011. FilMoDHA – Filipino Modern Day Heroes Association is an active migrant advocacy group assisting the distress OFWs in Israel. In March 2012, Maricel transferred to Canada to work as a caregiver.