You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

buti umabot pa yata sa mothers day

Image Source: bestclipartblog.com

buti umabot pa yata sa mothers day

Mudra, mother bear, ina, mama, mommy, inang
Pahinging pamagat.. (wala akong maisip ng taytol)

Natatanging nilalang itong mga ina
Gagawin ang lahat para sa anak niya
Kahit anong kalokohan pa ang gawin nila
Titiisin lang kahit kaloobay nagdurusa

Silang mga nanay, bayaning tunay
Sa kadahilanang sila ang ating gabay
Pag abot sa pangarap sila ang tulay
Marapat na mahalin ng walang humpay

Balewala na kanyang giliw na asawa
Basta’t anak nya ang maging maligaya
Ibigay ang di kaya o kayay baliin ang panata,
Wag lang mabigo, pinakamamahal nyang bata

Awitin nilang giliw,Sarap alalahanin
Pag narinig ito, lutang ka na sa hangin
Kahit sintunado, mata mo’y pipikit na rin
Yan ang angkin at misteryong galing

Mahirap pala ang maging isang ina
Itoy narinig ko ng sinabi ng mahal kong asawa
Kaya naman kay mama, Hingi ko ay pasensya.
Taos pusong pagmamahal nais kong baunin nya

aka Francis dionisio
Al Khobar Saudi Arabia
March 22, 2009.