You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Pahabol pa sa Mother’s Day: Mga Nanay – lighter side

Image Source: imagesfullhd.blogspot.com

Mga Nanay – lighter side

======================
Itong si nanay, laging bida sa bahay
Kung anong sabihin di dapat masuway
Alingawngaw ng tenga bibig nyang kay ingay
Kaya naman si tatay sa labas tumatagay

Si nanay ang dapat laging reyna,
Ating siyang alayan lagi ng foot spa
Pati buhok, ating ipa rebond pa
Para kay tatay siyay bonggang bongga

Minsan rin naman si nanay ay inarte
Maraming drama sa buhay siyang sinasabi
Iyon pala namay wala lang pambili
Ng pang make up at iba pang kolorete

Fashionista talaga itong mga ina
Wag pabayaang katawan ay malosyang ha?
Kukoy ipalinis matapos maglaba
At sa tyangge, dali! humukay ng panrampa.

Pag nagkaedad na ay wag mag alala
Bilbil at taba ipag walang bahala
Wag ng pumunta sa Calayan’s klinika
Pagkat sa mata ni papa, kayo namay maasim pa

Ang mga nanay ngayon sa wari koy high tech na.
Pangaral sa anak tine text na lang nila.
Totoong nakaka relate sila sa teknolohiya
Marapat bigyan ng Iphone na maganda

Talent nila marami ng narating
Yung iba dyan ang galing sa blogging
Kaya naman si tatay minsan ander ang dating
Sa husay at galing nitong mga nanay natin.

Bow!
======================

francis dionisio
al khobar ksa
march 24 2009