You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Tula: Kung Alam Mo Lang

Kung Alam Mo Lang

kung alam mo lang,
damdamin ko’y na bighani mo
Dibdib ko’y kabang-kaba
tuwing ika’y nakikita
ibang iba ang aking nadarama…

hindi ako mapalagay,
puso ko’y utal na utal
kakaisip sa’yo,
sa aking panaginip
ika’y laging kasama…

Ikaw ang tanging dahilan
Kung ang puso ko’y nalulumbay
umiibig ng tutuhanan
Minsan nama’y naguguluhan
Baka iyo lamang pagtawanan…

puso ko’y natutulala
kapag ika’y naiisip
laging hanap-hanap
ikaw nga ba talaga
Ang nasa puso ko sinta…

Ito nga bay paghanga
Sa puso ko’y laging may kaba
Ano nga bang meron ka
At ako’y natataranta
Tuwing ikay nakikita…

fyRijr 4/05/2014