You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Featured Tula: “ROSAS KA SA AKING PANINGIN”

“ROSAS KA SA AKING PANINGIN”

Ikaw ay rosas sa aking paningin
dahon mo’t ugat aking ng naangkin
yakap mo’y mariin sa puso ko’y damhin
yan ang patunay sa pag-ibig kong wagas
kahit na kapos ngunit hindi kukupas…

bango mo’y humahalimuyak sa ganda
na kapag pinitas sa puso ko’y humahaplos
sa yakap mong mahigpit na mahigpit
at damdamin ko’y nabusog sa pag-ibig
mong lubos…

isip ko’y sumasariwa sa’yong mga paalala
tuwing litrato mo’y aking nakikita lagi
akong naka-alala at magilas ng mag-isip
sa puso kong makisig…

ako si bubuyog na sisimsim sa lahat
iyong mga katas, at yan ang
magbibigay lakas sa buhay kong
muntik ng malagas …

kaya ikaw bulaklak ng hiyas ,
maging masaya at dahon mo’y matikas
sa yabong at maaliwalas sa aking paningin
sa pag-ibig ko’y ikaw dapat ay mahalin…

fyRIJR2013