You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

OFW: Malaya ba Talaga Tayo?

Image Source: http://gov.ph

Nasa 116 taon ng ipinagdiriwang ang independensya sa ating bansa…

Mula pagkamulat ko, iyon ang naituro ng aking paaralan at ng aking lipunang kinamulatan.

Hanggang sa makatapos ako, makapagtrabaho, makapagsilbi sa bayan… naisip ko na ang kalayaan ay nasasabi hanggang sa libro lamang.

Habang tumatanda, nakakakilala ako ng mga kapwa pinoy na mapanglait sa kapwa pinoy. Dito sa abroad marami nyan!

Minsan ko ng narinig ang isang taga-gobyerno pa man din ang nagsabi na “BOBO” ang mga OFW…

Araw araw sinasampal tayo ng mga balitang pagnanakaw, pangungurakot at patuloy na paniningil ng buwis ng gobyernong ibinubulsa lamang ng mga buwayang politiko.

Ilang taon tayong namulat sa sinasabing bilyong utang na PIlipinas- may mga drama pang, ang utang na ito ay babayaran ng mga apo ng mga magiging apo pa natin… ang halagang ito ay halos tumbas lamang pala ng mga ninakaw at ninanakaw pa ng mga politikong ipinagkatiwala natin sa kanila ang ating kinabukasan.

Ang kakapalan ng mukha ng mga ito na humarap sa camera at pang-uuto nila sa masang Pilipino ang nagbibigay pakiramdam sa akin na hanggang ngayon ay nakakulong tayo.

Pwersahan tayong sinisingil- ang perang nagpapaligaya sa kanila ay mula sa pinapapaguran natin.

Hindi na ito pinapansin ng marami, dahil wala naman daw tayong magagawa… sistema na yan. Hindi ito iba sa sasabihin kong “wala na tayong magagawa kundi mag-pauto nalang sa kanila”.

Masakit isipin pero isa ito sa dahilan kung bakit napakarami sa atin ang pinipiling lisanin ang bansa natin. Kung ilang distressed na aking nakita sa abroad, ilang kwento ng ating mga kakilala na ipinagpalit ang pamilya sa citizenship na makukuha sa ibang bansa…dahil ano…dahil sa Pinas walang pera… lahat nasa mga magnanakaw na politiko.

Minsan sinasabi ko hindi naman ako apektado… naho-homesick ako…gusto kong i-enjoy ang pinas pero hindi ko magawa…takot akong mabuhay muli dun dahil sa kalakaran at sistema… kaya apektado ako. Ikaw bakit nasa abroad ka? Malamang din ay apektado ka?

Tanong ko lang… Malaya nga ba tayong talaga???

Drafted by Zhariya Silvestre Camid
for Patnubay Online / Patnubay.org
First Posted in https://www.facebook.com/PatnubayOnline