You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Pagpaliwanag tungkol sa First Contract ng mga New Hires na OFW

Pagpaliwanag tungkol sa First Contract ng mga New Hires na OFW
Drafted by Tasio Espiritu
First Posted in  facebook.com

Panoorin nyo muna ang video na ito.

Title: 39 Cebuano Workers in Distress (2012)

Isang kaso ng contract substitution.. Tama ang contract na dala ng mga workers, may arabic at verified ng POLO. Pagdating dito pinalitan ng panibagong contract, binabaan ang sahod at ang contract duration ay pinahabaan.. Ang panibagong contract ay walang arabic. 

Pero ayon sa Labatt ng POLO yong contract na dala ng worker galing sa Pilipinas na pinirmahan at na-verify nya mismo ay dummy contract lang daw at for formality lamang. Ang valid daw na contract ayon sa naturang labatt ay ang yong pinirmahan ng workers dito, na mas mababa ang sahod at pinahaba ang contract duration. Ang wala daw arabic ang valid na contract. Hindi ipinaglaban ng labatt ang contract na sya mismo ang nagverify.

Bakit Kailangang i-verify ang contract?

Ang POLO verification ng contract ay required ng POEA na proceso na dapat pagdadaanan ng employer/company bago sila makapaghire ng worker at bago sya makakahanap ng recruitment agency sa Pilpinas. Ang mga dapat mai-verify ay ang mga sumusunod:

  1. kung totoo ba na company ang maghire ng worker
  2. kung good standing ba ito at walang record nang pang-aabuso sa mga filipino workers,
  3. kung ang trabaho ay sakop ba sa listahan POEA na mga trabaho para sa papuntahang bansa
  4. kung ang sahod ay pasok ba sa salary bracket para sa kailangang trabaho,
  5. kung ang profession at pangalan ba ng sponsor sa visa ay magkatugma ba sa nakasulat sa contract.
  6. kung ang contract ay may Arabic maliban sa English (Note: para ito sa mga workers na patungo sa mga bansa na ang batas ay nakasaad na ang valid na contract ay ang may arabic. Katulad ng KSA)

Nakalagay sa verified contract kung ilan ang contracts ang naverify ng Labatt para sa company. Kung ilan ang contract na naverify ay yon din lamang ang number of workers ang maaring maihire ng worker.

Ito dapat ang mga proseso na masusunod pagkatapos.

  1. Ang mga verified contract ang dalhin ng employer sa agency at ilagay ang kanilang pangalan. Maghire ng workers, ilagay ang profession, sahod. Pirmahan ng worker, pirmahan ng employer. (Dito nangyari ang reprocessed contract, kung saan nag agency ay magpaphotocopy ng marami at gagamitin para sa mga company na ayaw dadaan sa verification ng POLO. Pero hindi ito makakalusot kung ang POEA at sa airport ay marunong tumingin ng visa kung pareho ba ang trabaho at sponsor na nakalagay sa contract)
  2. Ireview ng POEA ang contract bago ito magbigay ng Overseas employment certificate. Kasama dapat sa maireview ay ang visa kung ang sponsor at trabaho ay katulad ba sa nakalagay na employer at trabaho sa contract.
  3. Isa pang review ulit ng immigration sa airport bago makalabas ang worker sa Pilipinas papunta sa bansang pagtratrabahoan. Kasama dapat sa maireview ay ang visa kung ang sponsor at trabaho ay katulad ba sa nakalagay na employer at trabaho sa contract.

(Naintindihan nyo na kung bakit may mga workers na iba ang profession sa tunay na trabaho, at may mga workers na iba ang sponsor sa tunay na employer. Dahil hindi maayos na verification ng POLO, Mapaglinlang na agency, hindi maayos na pagreview ng visa at contract sa POEA at sa immigration sa airprot .)

Kung nasusunod lamang ang mga proceso sa taas, walang contract misrepresentation na mangyayari. Maiwasan ang mga maaring problema ng workers pagdating sa bansang papuntahan.

Kung kayo ay mga OFW at may napansin kayo na anomalya sa inyong contract at visa, magreklamo na kaagad sa POEA. Kung nalinlang kayo sa Pilipinas pa lang, sigurado na maabuso kayo pagdating sa bansang paroroonan.

Siguradohin din na may kopya na kayo ng contract at kopya ng visa bago ang flight nyo. At mag-iwan kayo ng kopya ng mga ito sa inyong pamilya.

Isang palatandaan ng panlilinlang ng agency ay kung ang contract ay doon na ibibigay sa airport. Kadalasan ay alanganin na ang worker na magbackout. at kung magrireklamo naman sya sa taga POEA na nandon or sa immigration na nandon ay di papansinin dahil kakuntsaba sila ng taga Agency.

Kung mangyayari yan ay kunin nyo ang pangalan ng taga POEA at ng taga-immigration. Tandaan nyo yong counter number, oras at date. Kung may mobile phone kayo, irecord sa video or picturan. Habang naghihintay ng inyong flight, picturan nyo sa mobile phone ang inyong contract, visa, passport at ano pang mga documento na hawak nyo habang nasa boarding gate kayo.

Kung may panlilinlang sa contract sa Pilipinas pa lang, expect na papirmahin kayo ng panibagong contract pagdating dito. Ang tawag nito ay contract substitution.

Papano maipaglaban kung ang anomalya sa contract ay nalaman o nangyari lamang pagdating na ng worker sa abroad?

  1. Magsumbong kaagad sa POEA kung may contract misrepresentation o may contract substitution. Papuntahin sa POEA ang inyong mga pamilya sa Pilipinas. Kung di kayo nakapag-iwan ng contract at visa sa kanila, ipadala nyo ang scan copy or yong mga napicturan mo na mga documents bago ka nagflight. Para ang POEA na nag magpressure sa agency para ayusin ang contract or para mapauwi kayo depende sa inyong mga kahilingan. Tandaan kung ang contract at visa ay wala sa ayos, magkakaproblema kayo sa buong duration ng inyong contract.
  2. Magsumbong sa POLO, Sila ang nagverify ng contract at dapat lamang nilang ipaglalaban ito kung ginamit ito sa ibang company o propesyon, kung ito ay hindi nirespeto at pinalitan ng panibago. (Ang problema nga lang katulad ng nasa video, ang contract pa na sila ang nagverify ay sila pa mismo ang nagsabi na dummy at formality lamang.)
  3. Alamin ang batas ng paggawa sa bansang pupuntahan. Nasa batas ang inyong mga kalakasan para maipaglalaban ang inyong mga karapatan. Katulad sa Saudi Arabia ito ng mga batas na dapat matutukan.
  • Arabic ang Contract na valid at may pirma ito ng employer at ng worker.
  • Ang sponsor at trabaho sa contract ay parehong sponsor din at trabaho na nakalagay sa visa (iqama).
  • Ang contract na nag-contradict sa batas ng paggawa ay isang contract na huwad maliban na lamang kung ito ay mas nakakabuti para sa worker.
  • kung may dalawang contract pero nasunod ang nakasulat sa taas. Kung alin ang contract na mas nakakabuti sa mga worker ay yon ang masusunod.
  • Siguradohin na tama ang petsa ng mga contract. Basic Law, hindi maaring gagawa ng panibagong contract kung ang unang contract ay aktibo pa.

Drafted by
Tasio Espiritu for Patnubay Online

Related Links:

  1. Mga Batas sa Paggawa (Labor Laws) ng mga Bansa sa Gitnang Silangan
  2. How to check the first entry (working) visa of KSA-bound OFW
  3. Mga mahahalagang impormasyon na dapat matutunan ng mga OFWs sa Saudi Arabia