You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Petisyon ng mga OFW: NAIA Terminal Fee kasama nang babayaran sa Pagbili ng Ticket sa Eroplano.

Petisyon ng mga OFW: NAIA Terminal Fee kasama nang babayaran sa Pagbili ng Ticket sa Eroplano.
First posted in Facebook.com/Patnubayonline
Last July 8, 2014

Pagpaliwanag ng MIAA:

A. Unang-una, ang terminal fee ay kukulektahin na kasama sa pagbili ng airline ticket para sa mga pasaherong paalis ng bansa mula sa NAIA.

Kung ang ticket ay binili sa isang ticketing office sa Pilipinas, walang babayaran na terminal fee ang mga OFW, mga Muslim Pilgrims at mga National Athletes dahil sila ay nakasaad sa batas na exempted sa pagbabayad ng terminal fee. Wala silang babayaran basta lamang mayroon silang hawak na mga katibayan na maipapakita sa ticketing office na kanilang pagbibilhan ng ticket.

Sa ganitong paraan, hindi na nila kailangang pumila pa para makakuha ng refund.

B. Pangalawa, Ang lahat ng pasahero kasama na ang mga exempted na nakasaad sa batas ( OFW, Muslim Pilgrims at mga National Athletes) kung bbiili ng ticket thru online booking o kung bibiili ng ticket sa labas ng Pilipinas ay automatic may terminal fee na (additional na) babayaran sa kanilang bibilhing ticket.

Sa mga ganitong sitwasyon, maaring mairefund ng buo ang terminal fee sa NAIA o sa MIAA Administration Building kung may katibayan silang maipakita na kasama sila sa exemptions ( OFW, Muslim Pilgrims at mga National Athletes).

Reaction: 

Ang lahat ng OFW na magbabakasyon ay given na bibili ng ticket sa labas ng Pilipinas. Ang ibig sabihin sa bagong panukala ng MIAA, ang OFW ay magbabayad na ng terminal fee.

Pero maari naman daw irefund. So lahat pala ng OFW na magbabakasyon ay maglalaan ng isang araw para pupunta sa NAIA kung gusto nilang makakuha ng refund ng terminal fee.

Ang ibig sabihin, ang dating terminal fee na hindi natin problema, ay ngayon naging pabigat na sa mga OFW. Abala at bawas lamang sa isang buwan nating bakasyon. Lalo na sa mga OFW na taga-probinsya.

Ang mas kinatatakutan natin dito, ay magiging source pa ito ng corruption. Dahil sigurado tayo na maraming OFW ang balewalain na lamang ang refund kung ang kapalit ay isang araw na pagpila at gastus sa pagstay sa Manila.

Isang OFW na hindi magkiclaim ng refund ng terminal fee.. ay isang terminal fee ang maari o siguradong mapupunta sa mga kawatan.

Drafted by Tasio Espiritu