3 OFW caught using/selling Shabu in Yanbu

Share this:

also posted in facebook.com/PatnubayOnline

Subject: Re: Very URGENT! 3 OFWS caught using/selling Shabu in Yanbu
2016-12-11 10:56 GMT+03:00 Alex Estomo :

Dear Mr. Espiritu and Mr. Abtahi,

Thank you for bringing this matter to our attention.

Appropriate assistance will be extended to the concerned OFWs.

Very truly yours,

Alexander Joseph A. Estomo
Vice Consul

2016-12-15 10:50 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu :

Dear Congen Mel,

Maraming salamat, napakalaki po ng tiwala ko sa yo po maam kahit noong una ko po kayong nakita na nagspeech ka during serenata, ang sincerity mo po ay nakita ko na kaagad.. at sigurado na po ako na ikaw ay tapat sa iyong sinumpaang tungkolin.

re frustrations sa mga pasaway.. dalawang dekada na rin po ako sa saudi at siguro nasa dalawang daan na rin na beses akong naging frustrated at gustong susuko. pero sa idle ko po na time maalala ko po na we are doing this not for this dunya but for the akhira.. not for any worldly rewards but only from Allah specially in the day of judgment.. if we stop helping then we stop our sadaqqa. if we stop our sadaqqa then we stop our dawah.. time is short, this dunya is just temporary but the game is played here.. we have to strive for prayers and good deeds for we know abundant rewards in the hereafter.

Allah Kareem. yes po maam, patuloy po tayo. at walang atrasan . hindi tayo susuko sa problema dahil kay Allah lang po tayo susuko… yong pagtigil sa gawain is just a rhetoric . but thank you so much po for your concern and your advise for me not to stop our advocacies.. unlike those previous mission leaders before you .. ang sinasabi po ay “sana totohanin ni joseph para makahinga tayo ng maluwag. hehehe”

As long as you are in Jeddah Consulate po, we and patnubay are your partners and supporters po.. Maraming salamat po maam sa pagtutok sa lahat ng mga kaso sa jeddah. Alam ko napakahirap ang task ng isang consul general.. being the alter ego of the ambassador and the president sa lugar na iyong kinaroroonan.. Pero malaki po ang tiwala namin sa iyo. tiwala na di pa namin naibibigay sa kahit sinong congen before you..

My prayers are for you and for your family. that Allah ta’ala always grant you his peace, mercy and blessings

Jazak Allahu Khairan Kateeran and Jumuah Mubarrak po,
abu bakr.

2016-12-12 16:55 GMT+03:00 Imelda M. Panolong :

Assalamo alaikum, Abu Bakr.

Kung ikaw ay nalulungkot sa mga ganitong pangyayari, mas lalo na ang kagaya ko na nandito sa Konsulado. Totoo ang sinasabi mo na noon ang karamihan ng mga kaso natin sa kulungan ay immorality at liquor. Meron ding gambling at theft. Pero nang ako ay bumalik last year, nabigla ako sa napag alaman ko na ang nangungunang sanhi ng pagkakulong ng mga kababayan natin ay drugs.

Naalala ko nung mga ilan buwan bago matapos ang 2015, ininterview ako ni Bong Concha over GMA at ang topic namin ay detention. Nabanggit ko sa interview na yun na ang droga ang pinakamataas na bilang ng mga nakakulong ngayon. Nasabi ko din ang mga parusa na ipinapataw sa mga ganitong kaso (maaari pang maging death penalty depende sa bigat ng kaso). Nanawagan ako sa mga kababayan natin na huwag ma-involve sa drugs at isipin ang kanilang mga pamilya at alalahanin nila kung bakit sila nag abroad in the first place – ito ay para kumita nang maayos at makapag padala ng pera sa pamilya na nanggaling sa malinis na paraan. Sa mga appearances ko sa mga community (pero hindi sa lahat ng pagkakataon), nababanggit ko din ito. At inulit namin ni Bong Concha ang panawagan na ito sa GMA TV nitong taon na ito.

Naiintindihan ko ang nararamdaman mo na minsan gusto mo nang tumigil sa pagtulong dahil sa may mga kaso tayo na hindi nagsasabi ng totoo ang kapwa natin at kung makasisi pa ay napakasakit. Dumadating din sa amin sa Konsulado ang ganyang mga moments. Pero ang iniisip ko na lang, Abu Bakr ay, kung tumigil tayo, paano na ang mga mas nakararami na totoong naapi at totoong nangangailangan ng tulong natin? Yan na lang ang gawin nating inspirasyon or driving force para hindi tayo mapanghinaan ng loob.

Alam kong may mga pagkakataon na maaaring mag clash ang pananaw natin, pero alam ko din na mas maraming pagkakataon na magkaayon at magkapareho ang ating mga prinsipyo at pananaw sa maraming bagay.

Let us continue helping our kababayans (whether they deserve it or not, pero mas lalu na sa mga deserving).

Wassalam,

Congen Mel

Imelda M. Panolong
Consul General
Philippine Consulate General

Jeddah, KSA

From: Joseph Henry Espiritu
Sent: Friday, December 9, 2016 10:12 PM
Subject: Re: Veryy URGENT! 3 OFWS caught using/selling Shabu in Yanbu

Dear Brother Abdurahim, Sec Mamao, Atty Edwin, Congen Mel, Congressman John Bertiz, Congen Iric and Ate Ellene,

Bro Abdurrahim, Wa alaikumu salam wa Rahmatullahi wa barakatuh brother.

nakakalungkot ang pangayyari na ganito na maging sa yanbu at madinah area na wala sa record natin na may moqadarat cases. ngayon ay mayroon na.

nakakalungkot habang masigasig ang ating gobyerno sa kampanya laban sa droga sa atin. Heto ang ating mga kababayan sa abroad pinupuno ang kulongan sa kasong droga. fyi, sa mga prison sa KSA, number one ang drug sa cases for three to four years na. Noon simpleng immorality case or liqour lamang ang mga karamihan nakakulong ngayon ay droga na.

Ang irony pa nito, if tatanungin natin ang mga yan sino ang binoto o kinampanya nila noong eleksyon. ang isasagot ng mga yan ay si pangulong duterte sabay sign na kamao. Hindi naisip ng mga kumag na ito na kahit napakagalling pa ng ating pangulo wala ring mangyayari sa bansa natin if ayaw natin magbago.

Kung susundin ang aking prinsipyo sa paniniwala, mas naisin ko pa na makulong na ng matagal or mapugotan ang mga ito o ihiling ko sa gobyerno na pabayaan na ang mga pasaway na ito.

pero since nakalinya naman tayo sa human rights advocacy then siguradohin natin na masunod ang batas at ang parusa na nararapat sa kanila. kung ano ang hatol at nararapat ay tatanggapin natin pero kung sumobra ang hatol then saka tayo magreact.

Sobrang sobra na ang kahihiyan na binigay ng mga pasaway natin na kababayan sa nakakaraming mga ofw na matinong nagtratrabaho sa saudi arabia. andyan ang mga malalandi nagsama, nagtalik kahit di mag-asawa. nagkaroon ng anak.. at kung gusto nang umuwi. nagwawala na pinabayaan sila ng gobyerno. at itong mga addict at pushers dito sa saudi na napakarami.. kung makulong embassy or konsulada ang sisisihin. at kung makpagsalita ang mga ito sa media , sila ay biktima ng maling paratang. sa ilang kagaral.

ako man ay saksi din at mga investigation katulad mo bro … may mga panahon na gusto ko nang itigil ang pagtulong sa kapwa ofw lalo na sa mga police cases dahil mas marami sa kanila ang sinungaling at totoong may kasalanan pero grabe kung magmalinis. pero sa isang banda, ang ating obligasyon kay Allah Subhanahu wa ta’ala ay tulongan kung mayroon tayong maitutulong.

Sa ngayon ang tulong na maiabot natin ay… sa part mo ang translation at siguradohin na masunod ng tama ang process at ang batas… sa part ko naman itong pagparating lamang sa kinaukulan, yon lang .. walang sobrang tulong katulad ng ginawa natin para sa mga naapi.

hiniling namin kay sec abdullah mamao, atty edwin, cong john at sa lahat na naririto na magkaroon na tayo ng information drive. ipaalam ito sa ating pangulo or kay general bato para sila ay manawagan na sa mga ofw, na kung talagang totoo na gusto ng bawat mamamamyan ng pagbabago sa ating bansa, baguhin muna nila ang mga sarili.

at hiling natin na magkaroon ng information drive na. ilatag kung ilan ang nakakulong sa abroad dahil sa droga. at ano ang mga parusa. ilabas na ang kanilang mga pangalan. di bale nang mapahiya ang kanilang mga pamilya a pinas.. para itong mga nag-iisip pa lamang na magdroga ay matigil na.

Hindi kasalanan ng gobyerno kung mapahiya ang mga pamilya ng mga ofw na ito. kasalanan ito ng mga ofw na hindi nagisip na sila ay pumunta dito para itaguyod ang kanilang mga pamilya sa pinas at hindi magdroga.

Kung seryosohin natin ang gyera laban sa droga, dapat magkaroon ng batas, na yong nahuli at nakulong sa ibang bansa dahil sa droga. ay dapat ikulong din ng at least 2 years pagdating sa atin or mahigit pa.

May Allah Subhanahu wa Ta’al bless us all and our country.

Abu Bakr..

patnubay riyadh.

2016-12-09 16:44 GMT+03:00 emz abtahi :

Dear Brother Abu Bakr,

Assalamu Alayku wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Kanina bandang 01:45 ng hapon ay tumawag ang Hay’a Tahgig para ipaalam na mayroong case translation na magaganap. Napag alaman kong SHABU related ang kaso kaya nagulat ako kase unang beses kong maka encounter ng ganitong kaso. Tatlong (3) Pilipino ang nadawit o nahuli sa raid kahapon sa XXXXXX Camp dito sa Yanbu. Ito ang kanilang mga pangalan;

  1. Julius xxx
  2. Ereneo xxxx
  3. Rodolfo xxxx

JULIUS XXXXXx: Taga Cagayan De Oro ito. Siya ang nakatira sa room no. 6 & 15, at siya rin ay nahulihan ng ilang sachet ng shabu sa kanyang bulsa at drug paraphernalia. Nangyari ang raid sa room no. 6 at room no. 15 na kung saan ay parehong nakitaan ng shabu at paraphernalia. Si Julius ang kilalang nagbebenta sa kanilang camp ng SHABU at isang nagngangalang ARNEL XXXX. During hearing ay inamin ni Julius na sya nga ay NAGBBEBENTA at GUMAGAMIT ng shabu.

ERENEO xxxxx: Umamin din na gumagamit ng Shabu at kasamang nahuli sa loob ng room no. 6. Siya rin ang inuutusan netong si Julius para magtago ng ilang sachet ng shabu para i-abot kay ARNEL. Siya rin ang tumatanggap ng mga perang kinikita nila sa bentahan ng shabu at inaabot nya ito kay Julius. Sa kanyang room (dko alam room number) ay may nakitang mga shabu na kung saan ay ibebenta pa lamang sana at para iabot kay ARNEL. Bilang kapalit ng pagiging mediator netong si Ereneo ay binibigyan sya ni Julius ng libreng shabu para hithitin.

RODOLFO xxxxxx: Base sa kanyang statement ay di sya gumagamit ng shabu dito sa Saudi pero sa Pilipinas OO. Nung ginanap ang raid ay nahuli silang tatlong magkakasama sa room no. 6. Pero si Rodolfo ay walang ugnayan sa pagbebenta o paggamit ng shabu kase nga raw pumunta lamang sya sa kwarto ni Julius para humiram ng bisekleta kaso nga lang nung nasa loob na sya ng kwarto ni Julius ay nataon naman sa raid na isinagawa ng mga Pulis-Yanbu. Tugma naman ang kanyang statement pati si Julius na wala ngang kinalaman itong si Rodolfo sa pagbebenta at paggamit ng shabu (Allah Knows best).

Remarks:

-Hindi kasale sa mga tanong during hearing kung saan galing o kung papaano nilang napupuslit ang shabu, kung dinadala ba nila dito from Pinas o dito na din nila niluluto.

-Hindi rin nahuli itong si ARNEL sapagkat hindi matibay ang basehan ni Julius at ni Ereneo sa kanilang paratang sa kanya. Pero nagsagawa kaagad ng immediate request ang Hay’a na ipatawag at hulihin itong si ARNEL.

-Bago matapos ang hearing ay ipinagbigay paalam ko na sa Hay’a na gusto kong ipaalam sa Konsulada natin ang nangyari at sinabihan ko din ang mga involved sa kaso na susubukan natin na maipaabot sa kanilang mga pamilya ang mga nangyari sa kanila kase hindi sila pinapayagan na gumamit ng telepono.

Sanay makaabot ito sa Gobyerno natin bro ang kasong ito. Hanggat maaari ay ipagbigay alam sana ng ating Konsulada kay Gen. Dela Rosa nang sa gayun ay makapag anunsyu o maipaabot nya sa Media ang nangyaring kaso. Itoy dapat magsilbing aral sa mga Pilipino dito sa Saudi Arabia at sa ibang bansa na huwag nilang gawin ang mga bagay na ito kase nakakasira sila ng REPUTASYON ng mga Pilipino at sinisira nila ang buhay ng kanilang pamilya at buhay ng mga nadadamay.

Maraming salamat!

ABDURRAHIM ABTAHI
Translator\Volunteer
Patnubay-Madinah Region

Share this: