Paglilinaw Tungkol sa 19 Pinay na nahuli noong Sabado sa isang Halloween Costume Party

Share this:

Paglilinaw Tungkol sa 19 Pinay na nahuli noong Sabado sa isang Halloween Costume Party 

Tukoy na po natin kung ano ang company ng mga nahuli na Pinay.

Hindi sila mga EVENT ORGANIZERS katulad ng napabalita sa mga Arabic news at lalong hindi sila NAKIKIPARTY LANG katulad ng sinabi ni Sec Bello.

Sila ay mga cleaners ng isang company. Sa kagustohan na may dagdag na kita, nagpart time sila tuwing weekends. 

Ang karaniwang part time ng mga cleaners ay waiters / waitress kung may kasalan, birthdays at iba pang event gatherings na common sa KSA. 

Ang mga hospital cleaners ang kadalasan na nilalapitan ng mga organizers, na nagoffer ng part time sa mga cleaners kung may events sa weekends. 

Hindi sila nakikiparty noong Sabado. Hindi sila yong nag-iingay. Hindi nila alam kung may permit yong event o wala, at maaring hindi nila alam na sa isang halloween costume party sila magpart-time.

Hilingin natin kay Labor Attache Nasser S. Mustafa na makausap ang management ng kanilang company para makalabas (kafala) ang mga workers, at makapagtrabaho habang may imbestigasyon o hearings tungkol sa kaso.

Sa mga ganitong kaso, maaring hindi papayagan ng KSA government ang kafala para mapalaya ang mga workers na nagpart time. Dahil bawal naman talaga ang magpart time. Kaya, kadalasan ay deportation ang nangyayari. 

Kung deportation na talaga at wala ng choice na makabalik pa sa trabaho, hilingin natin kay Labatt Nasser na makausap ang management ng kanilang company at ang mga Jawazat officers ang mga sumusunod, 

1.madaliin ang kanilang paguwi 
2. dapat madala ang kanilang sahod at benefits
3.maipacargo ang kanilang mga gamit na naiwan sa kanilang mga accomodation.

Maraming salamat sa ating Tagapaglikha sa lahat ng pagsubok at biyaya.
Also posted in https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/2135660696484193/

Related Links
– https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/2133603813356548
– https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/2134794849904111

Share this: