Updates kay HSW Nemelyn Arreola Orine ng Jordan: Narescue na sya ng POLO-OWWA noong Lunes

Share this:

Also posted in facebook.com/PatnubayOnline

Updates kay HSW Nemelyn Arreola Orine ng Jordan: Narescue na sya ng POLO-OWWA noong Lunes.

January 14, 2019, 9:30 ng umaga – Tinimbre kaagad ni Ka Marjorie Majorenos (Patnubay Jordan) sa POLO OWWA ang SOS ni OFW Orine sa FB.

Kaya, tinawagan kaagad ni Welfare Officer Harry Borres ang Recruitment Agency ni kabayan sa Jordan. Bandang hapon noong Lunes din ay nasa POLO Jordan na si Nemelyn Arreola Orine. Nakuha niya ang kanyang sahod at nagpabook na rin ang kanyang agency ng plane ticket pauwi sa Pilipinas.

Maraming salamat sa Ating Tagapaglikha sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa ating buhay. Sa mga pagsubok nasusukat ang ating pananampalataya. Sa mga pagsubok ating nadarama ang Kanyang wagas na pagmamahal sa atin. Pagmamahal na dapat din nating ibahagi sa kapwa.

Post of Nemelyn Arreola using is her FB Account Mahalkita Walang Iba

https://www.facebook.com/lhyne.arreola/posts/2361500670740350
https://www.facebook.com/lhyne.arreola/posts/2361513977405686
https://www.facebook.com/lhyne.arreola/posts/2361218560768561
https://www.facebook.com/lhyne.arreola/posts/2361218560768561
https://www.facebook.com/lhyne.arreola/posts/2360931737463910

Note: kung may dadaan na viral posts sa inyong newsfeed, hindi nyo kailangang imessage sa patnubay at maging dahilan na mapuno ang aming inbox at madelay ang aming pagsagot sa ibang mga kaso. May mga assigned volunteers po tayo na ang tasks ay magmonitor ng viral posts sa kanilang location at ipasa ito sa Patnubay.

PATNUBAY.ORG
BY THE HUMANITY, OF THE HUMANITY, FOR THE HUMANITY
SERVANTHOOD- VOLUNTEERISM-EMPOWERMENT-HAGIT (Honesty, Accountability, Good governance, Integrity and Transparency)

Share this: