Congressman John Bertiz at ACTS OFW Partylist binisita ang dalawang OFW sa Riyadh na parehong may lung cancer.

Share this:
Also posted in facebook.com/PatnubayOnline

Congressman John Bertiz at ACTS OFW Partylist binisita ang dalawang OFW sa Riyadh na parehong may lung cancer.

Riyadh – August 18, 2018: Binisita ni ACTS OFW Partylist representative John Bertiz sina OFW Amalia at OFW Bailen, dalawang lung cancer patient sa Shumeisy Hospital; para alamin ang kanilang kalagayan at ang kanilang mga kahilingan.

Si Ate Amalia ay ilang buwan na expired ang iqama dahil hindi na pinarenew ng kanyang among Egyptian na nag-abandona na sa kanya. Ang kanyang kafil (sponsor) naman sa iqama ay isang prinsesa na hindi kakilala ni ate Amalia kundi ito ay kaibigan ng amo nya na Egyptian. Bumisita naman ang POLO Riyadh kay Ate Amalia. Pero mahihirapan daw sila na mahanap at makausap ang sponsor na prinsesa. Humiling si Ate Amalia na magamot muna sya bago sya pauwiin.

Nangako si Congressman John kay Ate Amalia na ilalapit nya kay Ambassador Al-Bussairy ng Saudi Embassy sa Manila para mahanap at makausap ang prinsesa habang ginagamot pa si Ate Amalia. At para pagkatapos ng gamotan ay madali na lang syang makakuha ng exit visa kung nahanap na ang kanyang kafil.

Si OFW Bailen ay pangalawang contract na sa parehong employer. Magkasama sila ng room ni Ate Amalia pero hindi pa nakausap si Bailen ng taga-POLO na bumisita kay Ate Amalia.

Nangako si Congressman John kay Bailen na tutukan ng ACTS OFW Partylist ang kanyang kalagayan. Magsusulat din si Cong. John sa DFA, OWWA, Embassy and POLO Riyadh na dapat tutukan silang dalawa ni Ate Amalia. Kakausapin din Cong John si Ambassador Al-Bussairy ng Saudi Embassy sa Manila para sa kaso ni Bailen.

Patuloy naman ang Alias Ka Arvee Wan and Friends ng Patnubay sa pagbibisita kay Ate Amalia at Bailen tuwing weekends.

  • Abu Bakr Espiritu with T2 Venecio Vano Legaspi (ACTS OFW & OCL) and bro Gerwin S. Mcwheng (ACTS OFW & OCL and Ang Kaagapay ng Bawat OFW)
Share this: