The enlightened workers of a Korean Company in UAE

Share this:
Also Posted in facebook.com/PatnubayOnline

November 20, 2018 – UAE & Manila: Papuri at Pasasalamat sa Dakilang Tagapaglikha sa dunong na kusang lalabas sa ating isipan kung palagi tayong sumasampalataya sa Kanya lamang.

Sa mga enlightened workers ng isang Korean Company sa UAE na nagkaroon ng problema sa hindi nasunod na kontrata. Nadagdagan pa ang problema nang nawalan ng project ang kanilang company. Malayo sila sa POLO at Embassy kaya lumapit sila sa Patnubay.

Pero dahil alam natin na busy ang ating embahada at POLO sa pagrepatriate ng mga undocumented workers sa UAE. Kaya, ginabayan natin ang mga workers kung paano nila maresolba ang kanilang problema.

Ang paniniwala na walang problema na hindi kayang lutasin ng dasal at paghingi ng tulong sa ating Tagapaglikha. Nakauwi ang 200 Filipino workers sa loob ng isang linggo lamang.

Ngayon, nasa Manila na sila lahat at ginabayan sila ng ating NGO Partner, ang Center for Migrant Advocacy, Phils. Inc.​ para sa kanilang karapatan na habulin ang sahod sa mga natirang buwan sa contract.

OCT 28TH, 7:21PM

Cris Aranda
Sir. Magandang Gabi po… Ako nga ho Pala si Crisostomo Aranda at dito po ako nag tatrabaho sa UAE at ang position ko po ay Tig Welder po… Pero ang nangyari po ay naging laborer po ako dito sa kumpanyang pinapasok an ko… Ang Co. Kopo ay xxxx Co. At isang taon po ang kontrata Kong pinirmahan sa agency ko. Ang agency Kopo ay xxx. Pero mag pi pitong buwan palang po ako dito ngayon oct 28.ano po ba ang pwede Kong gawin Para MA ireklamo Kopo ang agency ko sa nangyari po sa akin dito sa abudhabi. Maraming salamat po….

Cris Aranda
At mapapauwi na po kami dahil sa tapos napo ang project namin dito…

NOV 2ND, 3:31PM

Joab Aba
Gud pm sir/maam . May tanung lang po ako sa setwasyon ko dito sa abudhabi uae nagtratrabaho sa korean compay sila po nag labas ng demovelizition na 1 month notice start november 1,2018 at 7 months lang ako dahil tapos na project ang contrata ko 1year contract. Makukuha ko sa companya or sa agency ang remaining balance na buwan.

NOV 5TH, 10:55PM

Vince Toleda
Hello po mga sir….good day poh … may ilalapit po sna kong problema sa inyo…

Vince Toleda
Bale poh ako po yung kasamahan ni cris aranda poh sir…xxxxxx company po ko ngayon,at umalis poh ako s xxx poh…nais ko po sana sampahan ng kaso ang agency ko kasi po sir hindi poh ntapos 1year contract po nmin

NOV 9TH, 1:20PM

Mark Phillip Cruz

Ang uwi poh nmin eh sa 11 na poh dting kme pinas sa 12

200 katao poh kme mag kakaiba agency 50 poh mauna sa 11 at 50 po uli sa 13 at 50 uli sa 15 yan pob mga ply jng last poh na 50 wla pa dpa poh nmin alam kelan ang uwi nila

Maraming salamat poh ser sa mga impormasyon na naibigay nyo saamin ser. maraming maraming salamat po.

PATNUBAY.ORG

of the HUMANITY, by the HUMANITY, for the HUMANITY
Servanthood, Volunteerism, Empowerment & HAGIT (Honesty, Accountability, Good Governance, Integrity and Transparency)

Share this: