Satirical: Si Inday, Ang Bigo sa Gitnang Silangan

Share this:

Satirical: Si Inday, Ang Bigo sa Gitnang Silangan

Isang araw, lumapit sa akin ang isang kaibigang Saudi at humiling na kakausapin ko daw ang kanyang bagong katulong at alamin kung ano ang problema nito.

Palagi daw matamlay si Inday at walang gana na magtrabaho. Samantalang may sapat naman daw itong oras na pahinga. Alas-9 pa nga daw ng gabi ay papasok na si Inday sa kwarto niya para matulog.

Alamin ko na lang daw para kung sakali ay may problema talaga, ay papapalitan nya na lang sa agency habang nasa probationary period pa.

Tinawagan ko si Inday. Tila sobrang mahiyain, mahinhin sobrang tipid sa kanyang mga sagot.

Inday, pinatawag ako ng iyong amo dahil nababahala daw siya sayo. May problema ka ba?

Wala naman po sir.

Eh palagi ka daw matamlay at parang walang gana magtrabaho?

puyat po kasi sir.

Bakit ka naman mapuyat? eh, sabi nga ng amo mo ay maaga ka naman daw matulog? alas-9 pa nga lang daw ay papasok ka na sa kwarto.

bigo kasi sir.

(ah broken-hearted,) normal lang ang bigo sa isang tao paminsan-minsan. Makakayanan mo rin yan Inday.

oo sir dyan ako humuhugot ng lakas para madevelop ang aking talent.

may mga anak ka ba?

opo sir, dalawa.

ano man ang talent mo, pagsikapan mong madevelop ito para sa mga anak mo.

opo sir, maraming salamat at marami kayong sumusuporta sa akin.

Pagkatapos namin mag-usap ni Inday, pinaliwanag ko sa kaibigang Saudi na broken-hearted lang ang kanyang katulong. Makakaadjust din si Inday at pagbigyan nya lang ng sapat na panahon.

Pagkalipas ng dalawang linggo, nagkita ulit kami ng kaibigan kong Saudi. Kinumusta ko si Inday kung okay na ba. Kaso, nagulat ako sa biglang pagtaas ng kanyang boses.

I sent her to the Philippines!

Why?

You know bigo?

Yes, i told you that she is broken-hearted.

What broken-hearted? Bigo in the internet!

Internet?

Yes Bigo Live, she was dancing like this, like that. She is like crazy in front of the camera while many people are watching. That is her bigo Abu Bakr not your bigo broken-hearted.

really? (pambihirang inday, akala ko bigo na broken-hearted)

Check in YouTube. It is uploaded by one her viewers. search for bigo live pinay. She is crazy, not broken-hearted.

Am checking in YouTube now…oh no! Inday is shaking like being electrocuted. and she is wearing what!@#?

yes, she did that all night. that is why she was so tired in the morning and very lazy.

tsk tsk no good.

yes very bad, especially if you have children. not a good influence. Mushkila!

Seryoso na tayo:

Kailan lang naipatupad ng Saudi Arabia ang Public Decency Law at mahalaga na malaman natin kung ano ang batas na ito.

Ang una nating dapat alamin ay kung ano ang PUBLIC at ano ang PRIVATE. Ano ang DECENT at ano ang HINDI.

Sa mga naglive-show sa internet,

Ano man ang ginagawa nyo in private halimbawa sa loob ng inyong kwarto, walang pwedeng makikialam sa karapatan niyo na yan.

Pero sa oras na mag-live ka na sa internet at makita ng ibang tao ang ginagawa mo, hindi na yan private. Mas lalo pa kung isa sa mga nakakapanood ay nagrecord at inupload ang video sa Youtube o Facebook.

Ang pagsasayaw ng pagiling-giling at pakadyot-kadyot sa harap ng live-cam ay walang kaibahan yan kung sa gitna ng kalsada mo yan ginagawa.

Sa Public Decency Law ng Saudi Arabia ay inoobliga ang bawat isa na irerespeto ang kultura, tradisyon at relihiyon ng bansa. Ang hindi marunong sumunod nito ay maparusahan ng kulong o magmulta o madeport.

Noon pa man marami na ang mga Inday na nadeport at nakulong dahil gumagawa ng bawal sa harap ng live-cam.

Pangtapos:

Kung sa palagay ninyo ay talent ang pagsasayaw ng pagiling-giling at pakadyot-kadyot sa harap ng live-cam; Kung sa palagay ninyo ay sexy na kayo kung magsusuot ng damit na ewan; Kung sa palagay ninyo ay marami kayong fans at hindi pang-uuto ang mga palakpak ng mga nakakapanood sa inyo, paniniwala nyo yan at karapatan nyo yan. Pero huwag ninyong gagawin yan sa Saudi Arabia o kahit saang bansa sa Gitnang Silangan.

Isang aral ang natutunan ko kay Inday, hindi lahat ng bigo ay broken-hearted..

Share this: