Pinay Nanny sa UK, Nanalo sa Kaso Laban sa Sikat na Soccer Player

Cathy sues Riyad Mahrez
Share this:
Cathy sues Riyad Mahrez

Pinay Nanny sa UK, Nanalo sa Kaso Laban sa Sikat na Soccer Player

June 26, 2019 – Inatasan ni UK Employment Judge John Sherratt si Riyad Mahrez at kanyang asawa na si Rita, na bayaran ng halagang £ 3,612 si Catalina “Cathy” Miraflores.

Si Mahrez ay isang sikat na soccer player ng Manchester City at national player din ng bansang Algeria. Si Cathy ay isang 52 anyos na Pinay sa UK, na naging “nanny” sa dalawang anak ng mag-asawang Mahrez.

Nag-umpisang magtrabaho si Cathy sa pamilya Mahrez nang ma-hire sya sa agency noong Marso 2018. Nakatira pa noon ang mga Mahrez sa North London noong nasa Leicester City FC pa si Riyad naglaro.

Si Cathy naman ay nangupahan ng isang room malapit sa tinitirhan na mansion ng mga Mahrez.

Si Cathy ay may sahod na £12 bawat oras para magtrabaho ng walong oras bawat araw at limang araw bawat linggo.,

Ayon kay Cathy, wala pang problema noong nasa London pa sila. Nagkapagpadala pa sya ng £1000 kada buwan para sa anak na nag-aaral sa Pilipinas.

Nang magkaroon £60million deal si Riyad sa soccer team ng Manchester City, isinama ng mga Marhez si Cathy sa naturang siyudad.

Sa Manchester, magkasama na silang nakatira sa apartment at mahaba na ang oras ng trabaho ni Cathy pero ang kanyang sahod ay nanatiling £600 pa rin kada linggo.

Sinubukan nyang kausapin ang mga Mahrez tungkol sa kanyang karapatan pero walang nangyari. Kaya, noong Nobyembre 2018, ay umalis na si Cathy sa tirahan ng mga Mahrez.

Siningil ni Cathy ang mga Mahrez sa kanyang “overtime pay” at huling buwan na sahod pero walang nangyari.

Noong January 2019, nagpasya si Cathy nag magsampa ng kaso laban sa mag-asawang Mahrez.

Ang salaysay ni Cathy:

“I worked really, really hard for that money. But he had not paid me. I didn’t know what to do.

“I was at their beck and call 24 hours a day.

“I slept in the same room as the children so if they woke up I had to deal with that.

“I couldn’t go home. I was there in Manchester and had to work all hours.

“There was never any problem with my work. I worked all of those hours and should be paid.”

Ang Hatol ng Korte

“The respondents (Mr Riyad Mahrez and Mrs Rita Mahrez) have made an unauthorized deduction from the claimant’s (Miss Catalina Miraflores) wages and are ordered to pay damages to the claimant the net sum of £3,612.

“The respondents, in breach of contract, have failed to pay certain expenses to the claimant and are ordered to pay damages to the claimant in the sum of £150.”

References:

Share this: