Patnubay Report: Pahima Alagasi Nakauwi Na!

Share this:

Pagkatapos ng apat (4) na taon, nasa Pilipinas na si Pahima Alagasi, ang Pilipinang HSW sa Saudi na napabalita na binuhusan ng amo ng kumukulong tubig.

Hindi makauwi noon si Pahima dahil kinasohan siya ng kanyang employer ng qadf (slander) dahil sa kumakalat na post sa facebook na nandon ang pangalan ng employer, address at contact number.

Naclosed ang kasong slander dahil sa mga sumunod na pangyayari.

1. March 19, 2018 – bumisita sa Pilipinas ang Interior Minister ng KSA na si Prince Abdulaziz bin Saud bin Nayef at nakipag-meet kay Pangulong Duterte.

2. Pinarating ni Congressman John Bertiz kay SAP Bong Go at kay Pangulong Duterte ang kaso ni Pahima AlagasI at ang kaso ng mga nurses sa KSA na may problema sa COE; para pakiusapan ng ating Pangulo ang bumisita na prince at mahingan ng tulong.

(Nagtutulungan ang ACTS OFW, Blas Ople Center at tayo sa Patnubay sa pag-isahin ang mga documents ng mga kaso na pinabot ni Congressman John Bertiz kay Pangulong Duterte at kay Prince Abdulaziz.)

3. Nang nakabalik si Prince Abdulaziz sa KSA, kinausap niya ang employer ni Pahima para sa private rights of actions at sya na ang nagbayad. Ang mabuting prinsipe as head ng ministry of interior ang nagbigay ng Royal pardon sa public actions.

4. Masaya naman itong naibalita ni HE Abdullah bin Nasser Al-Bussairy, Saudi Ambassador sa Pilipinas kay Cong John Bertiz.

(Bilang NGO Partner para sa mga kasong naipaabot niya kay PRRD at sa Prince, transparent sa atin si Cong John sa mga correspondence nila ng SAudi Ambassador at kay SAP Bong Go. para sa may sariling documentation din ang Patnubay.)

5. Dahil nasa US si Ambassador Adnan Alonto at that time, si Labatt Nasser Mustafa ang inatasan para sa pagprocess ng repatriation papers ni Pahima. Personal nilang nameet si Prince Abdul Aziz, at sinamahan din ni Labatt Nasser si Pahima sa Jawasat para magfingerprint at mabigyan ng exit visa.

6. Nagflight si Pahima kagabi kasama si Labatt Nasser. at ngayong umaga, April 13, 2018, ang dating nila .

Isinulat ng Patnubay ito dahil may iilan na grupo or individuals na tinira si Congressman John Bertiz at kesyo credit grabber at gusto lang magpapabalita.

Walang credit grabbing na nangyari. Sa kanya galing ang initial information at documentation ng mga kaso, at di sya nakalimot sa pagmention kay Pangulong Duterte, SAP Bong Go, Prince Abdulaziz at Ambassador Abdullah. Walang mention kay Labatt Nasser Mustafa dahil at that time nang magkaroon ng balita ay di pa ito alam ni Labatt Nasser.

Tungkol naman sa pagpapabalita, walang masama kung magpabalita kung totoo naman. Pangalawa ibinoto sya para maging boses ng mga OFW sa kongreso, Kailangan nyang ipaalam sa mga bumoto sa kanya ang kanyang mga ginawa at mga nagawa para sa mga OFWs.

Tungkol naman sa mga nagsisigaw na hindi makatarungan dahil si Pahima na ang binuhusan, sya pa ang kinasohan. Ito na siguro ang pagkakataon na magsasalita kami tungkol sa kaso ni Pahima.

Maraming rason kaya hindi na nagsampa ng kaso si Pahima.

1. sa pangatlong gamutan ni Pahima sa hospital, itinakas sya ng kanyang mga kaanak, itinago sa bahay, at dalawang linggo muna bago humingi ng saklolo at sa facebook nito ito naipost kasama ang pangalan, address at contact number ng amo. Kinabukasan pa sya napuntahan ng embassy. at di na mapigilan ang pagkalat ng post sa facebook at balita.

2. sa police report nang unang madala si Pahima sa hospital, hindi binuhusan ng amo ang nakasulat kundi aksidente ang nangyari. Nagluto ng sabaw, nahulog ang sandok, pinulot ang sandok, nasagi ang pinaglutoan, natapon yong sabaw sa kanyang likod. Willing ang amo na pauwiin sya pero dapat ipapagamot muna si Pahima at hindi sa ganun na kalagayan sya uuwi.

3. Dahil sa post sa facebook, na nakalagay ang kanilang pangalan, address at contact numbers kinasohan ng employer si Pahima ng paninirang puri. Ito ay may public actions (parusa sa kasalanang nagawa sa batas) at private rights of actions (kabayaran na hiling ng taong nagkaso)

4. Hindi tinuloy ang pagsampa ng kaso ni Pahima laban sa kanyang employer, at hindi nya rin kinontra sa investigations at hearings ang claim ng amo na ang nangyari ay isang aksidente.

Tungkol naman sa mga individuals or groups na nagsabi na namulitika at sumakay lang si congressman john sa issue. hindi yan totoo.

Noong early 2015 pa, bumibisita na sya kay Pahima sa bahay kalinga. Hesitant man ang embahada noon, nakakuha sya ng kopya sa lahat ng files tungkol sa case ni Pahima. Kaya namin nabasa ang buong detalye.

Sumubok si Cong john na makipag usap sa employers ni Pahima through his friends na na Royal Family. Willing ang employer makipag usap, kasama ang embassy at si Pahima. at nirequest ni Cong John noon sa Patnubay na magrepresent sa kanya. Maresolve na sana ang kaso ni Pahima noong 2015 pa if may support lang sa ating embahada.

Ngayon na Congressman na sya, nasa isip nya pa rin ang kaso ni Pahima kaya nang magkaroon ng opportunity ay di nya ito pinalagpas.

Pangtapos

May dalawang bersyon ang kwento ng kaso ni pahima. Nasa kay Pahima, ang desisyon kung sasabihin nya na aksidente o totoong binuhusan sya ng employer ng mainit na tubig. Tanging ang katotohaan ang magpapalaya sa kanyang sarili.

Kung totoong aksidente, sana sabihin nya na ang totoo. Dahil if hindi, mahihirapan na tayo makahanap ng kapatawaran lalo na sa mga deathrow cases.

Maraming beses na kaming nasabihan nang, “kung patatawarin namin ngayon, pag-uwi sa bansa ninyo, ipagpatuloy nyo pa rin ang maling kwento.”

Photos: Screenshots ng Pag-uusap ni Cong John Kay KSA Ambassador Abdullah at SAP Bong Go.

Also posted in PatnubayOnline FB Page

Patnubay Report: Pahima Alagasi Nakauwi Na!Pagkatapos ng apat (4) na taon, nasa Pilipinas na si Pahima Alagasi, ang…

Posted by Patnubay Online on Thursday, April 12, 2018
Share this: