Sa Araw ng Mga Bayani -Bigyan natin ng Papugay si Chayra Ganal, ang Bagong Bayani para sa mga Tunay na Babae!

Share this:

Sa Araw ng Mga Bayani, Bigyan natin ng Papugay si Chayra Ganal, ang Bagong Bayani para sa mga Tunay na Babae!

Si Chayra Ganal ay ang Janitress na sumaway sa isang lalaki na gumamit sa CR ng mga babae.

Ang dahilan naman ng lalaki kung bakit may karapatan siya na gumamit sa CR ng mga babae ay nag-imagine siya, na siya ay isang babae.

Nang hindi pinagbigyan ang gusto, nagvideo ang lalaki at ito ay kanyang ipinost sa internet.

Kinagat ng mga “epal” na mga politiko ang isyu. Isang kongresista at isang senadora ang kumampi sa lalaki, gamit ang kanilang mga lihis na lohika. “May karapatan sya sa CR ng mga Babae kahit lalaki pa siya dahil nag-imagine siya, na siya ay isang babae!”

Tuwang-tuwa din na kumuha ng video ang lalaki nang kinompronta ng kongresista si Chayra at hindi pinakinggan ang paliwanag nito, na ginampanan lamang niya ang kanyang trabaho, para maitaguyod ang kanyang pamilya.

Samantalang itong lalaki na walang ginawa sa kanyang buhay kundi mang-abala ng ibang tao at mag-imagine na siya ay babae, ay ipinost pa ang kanyang power-trip video sa internet. Tuwang-tuwa siya na hindi pinagbigyan ng kongresista na sumagot si Chayra. Sobrang tuwa niya nang hinimatay si Chayra.

Call to Action

Magsasalita na dapat ang karamihan para ipagtanggol ang mga tunay na babae katulad ni Chayra, katulad ng ating mga ina, ng ating mga kapatid na babae at ating mga anak na babae.

Kung mananahimik tayo, marami pang mga Chayra ang kanilang aapihin hanggang sa wala nang matitirang Chayra ang maglalakas-loob na gagawin kung ano ang nararapat.

Mabuhay ka Chayra, Hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Naniniwala kami na mas marami pa rin ang may matino na pag-iisip sa mundo.

Share this: