Suportahan natin ang OFW Movie na “Still Human”

Share this:

Suportahan natin ang OFW Movie na “Still Human”

Ang pelikulang Still Human ay kwento tungkol sa isang Pinay domestic worker sa Hong Kong at ng kanyang baldado at magagalitin na amo.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ang beteranong actor sa Hong Kong na si Anthony Wong at ang Pinay actress sa Hongkong na si Crisel Consunji.

Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa isang dating nurse na naging caregiver sa Hongkong para sa isang paralisado at magagalitin na pensiyonadong amo. Tiniis ni Kabayan ang hirap ng trabaho para may pambayad sa pagpapa-annul ng kanyang kasal sa abusadong asawa sa Pilipinas.

Balak ng mga producers ng Still Human na ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa Pilipinas at umaasa sila na tangkilikin ito ng mga Pilipino.

Si Crisel Consunji ay isang Pinay actress, singer, and educator sa Hongkong. Siya ay nanalo ng Best New Peformer Award at nominado para sa Best Actress Award sa 38th Hongkong Film Awards sa kanyang pagganap sa pelikulang Still Human.

Share this: