Pinay Domestic na nabagok ang ulo at na-ospital sa Al Khobar noong 2017 – kasama na ng Pamilya sa Pilipinas

Share this:

Pinay Domestic na nabagok ang ulo at na-ospital sa Al Khobar, KSA noong 2017 – kasama na ng kanyang Pamilya sa Pilipinas

Alhamdulillahi Rabbil Alamin.. Papuri at Pasasalamat sa ating Tagapaglikha na laging nagpapadala ng mga anghel na aalalay sa atin tuwing may mga pagsubok na dadaan sa ating buhay. 

Nakauwi at kasama na ng kanyang Pamilya si OFW Carmen Aglibut Tabon pagkatapos ng halos dalawang taon na pagkacofine sa hospital dahil sa aksidente noong November 2017 na nabagok ang kanyang ulo. 

Maraming salamat kay Sis Romella “Lia Grey” Bayatin, sa pag-assess sa tunay na nangyari kung bakit napatagal ang pag-uwi ni Carmen. At sa pagboluntaryo na sasama kay Carmen sa eroplano pauwi ng Pilipinas. 

Maraming salamat kay OWWA Admin Hans Cacdac, and DFA OUMWA Dir Iric Cruz Arribas ..  through their intervention ay napagalaw ang ating POLO at Embahada, 

Maraming salamat din sa lahat ng doctors and nurses of King Fahd University Hospital nag-alaga kay OFW Carmen nang mahabang panahon, sa ating bagong Welfare Officer ng POLO Al Khobar, Levin Gabutan at sa mga friends ni Sis Lia sa work na sumasama sa kanya tuwing siya ay bumisita kay Carmen.. 

Good Read: Nasa baba po ang buong documentation ng Patnubay sa Country Team Approach and High Level Intervention ng OWWA Manila at DFA OUMWA para sa case na ito.

Patnubay Case Closure Report:  Carmen  Aglibut Tabon (Welfare Case – Eastern Al Khobar, KSA)

Joseph Abu Bakr Espiritu created a Group Chat with Sis Lia Bayatin, OWWA Admin Hans Cacdac and DFA OUMWA Dir Iric Arribas

AUG 14, 2019
WED 1:42 AM

Joseph

salam to all salam admin Hans Cacdac , dir Iric Cruz Arribas

lumapit sa atin ang family ni Carmen  Aglibut Tabon. isang ofw na naaksidente noong jan 2018 ,.. then nakaconfine sya sa King Fahd University hospital since then.. matagal na sana makauwi if may dalawang nurses lamang na makasabay.  1 year and a half na po. at yong polo natin sa al khobar ay tila napabayaan na ito.. may suggestions po ako sana sa email kung paano makauwi si kabayan. it needs one country team ng dfa at owwa. nasa baba po ang text ng aking email at ng relative ni ofw carmen. . nakaattached din ang photos dito..

(note: it would be found out later that the accident happened in late 2017)

-start of email-

On Mon, Aug 12, 2019 at 11:24 PM Joseph Henry Espiritu wrote:

Dear POLO Al khobar,

cc: Sec. Bello,  Admin Hans and Labatt Nasser

Mag-inquire sana kami kung anong aksyon ang ginawa ng OWWA at POLO Al Khobar para sa Welfare case ni Ms Carmen  Aglibut Tabon? Sya ay naaksidente at nakaconfine sa King Fahad University Hospital Al khobar since January 2018.

Bakit hindi pa sya nakauwi?  Anong dahilan at bakit umabot pa ng isang taon at kalahati?

Nakailang bisita ba at inquiry ang POLO Al khobar sa hospital at kailan ang huli? Totoo ba ang Balita na natanggap namin napabayaan na daw talaga ang kaso na ito?

Nakarating na ang pamilya kahit saan-saang ahensya ng gobyerno maging sa mga media. pero walang nangyari hanggang sa nakarating dito sa Patnubay.

May exit visa na daw noon pero hindi nagamit dahil kailangan may makasabagy pag-uwi na nurse. Kung ang problema po ay walang makasabay na nurse sa flight.. Sa isang taon po sir, imposible naman if ganyan pa rin ang reason..

May suggestion po kami.. how about gamitin natin yong compassionate visit ng family as per RA10022  Compulsory Insurance? Then may kasabay na sa pag-uwi si Carmen. Pwede naman embassy ang mag-issue ng visa. then ang insurance ang sasagot sa expenses ng family members na pupunta dito.

Nasa baba po ang email at usapan namin ni sis Romella Bayatin.. tungkol sa kaso na ito.

Maraming salamat po and May Allah bless us always,
Joseph
Patnubay.org

On Sun, Aug 11, 2019 at 12:25 PM Lia Grey wrote:

Good afternoon sir. This is Romella Bayatin aka Lia Grey an OFW (nurse) here in Dammam  Saudi Arabia.

I am asking your help for the repatriation of our dear kabayan Ms Carmen  Aglibut Tabon, a Filipino maid, from Banayoyo Ilocos Sur who had an accident and was confined at King Fahad University Hospital Al khobar since January 2018.

I went to find her yesterday morning thru the help of google map. I just saw a post in Facebook regarding about panawagan of her family to find her  and visit her and especially to know her condition. Yesterday afternoon I went to that hospital and inquire about her then after it’s confirmed that she was at that hospital,  I skipped my work in 4 lm to go back and see her kase 4 pm to 7pm lng angallowed visiting time.

According to the nurses,  she was admitted there since January 2018. They tried to seek help from Polo but until now hndi pa din nakakauwi si kabayan. Ang family  hndi nman tumigil as nagpapatulong sa pinas like media, owwa, poea pero walang nangyari.  

Nung Friday na nakita ko ang post, that’s the time na nag umpisa na po akong magpatulong sa lahat ng alam kong makatulong da social media including PATNUBAY ONLINE.

Sana po matulungan niyo po ako sa pakiusap ko ,para po ito sa pamilya ni kabayan Carmen especially para sa animal niya na anak na matagal na po nag aantay sa kanyang pag uwi

Maari niyo po akong kontakin sa aking mobile +96656xxxxxx

Thank you so much

Photo Attachment

– end of email –
Hans Cacdac
Hans

Latest report po re ofw Tabon –

Good afternoon admin Hans. OFW Tabon is confined at King Fahad Hospital in Al Khobar. Will coordinate with POLO ERO for the hospital visit. As per the ATNSIA, ANS officers are also monitoring her condition.

Hans Cacdac
Hans

Hans forwarded a photo

Joseph 

thank you so much admin hans. Sis Lia Grey , please relay to the family this good news.

ask ko lang sir bakit ngayon lang sila umaksyon po?

at saka nasaan yong petsa ng kanilang actions taken po sir. just today lang po ba yon? i mean dapat they must be trained of proper reporting.. at isa sa pinaka importante sa isang case report ay date. 

bakit ang polo owwa jordan at qatar maayos sila sila sa case reporting po?

WED 8:20 PM

Lia Grey
Lia

Good evening po Sir Hans  Sir Iric, Sir Joseph

Nagpunta po kami kanina ng roommate  kong si Kristin dun sa king Fahad University hospital kanina at nadatnan po nmin dun si Sir Levin Gabutan at isa pang babae na kasama niya 

Parehas po kami Kumuha ng Medical report ni Ate Carmen pinicturan lng po nmin sa mga mobile nmin kase nagkataon walang ink ang copier nila 

Pagkatapos po ng ilang minutong pakikipag usap sa mga nurses on duty nagpaalam na po sila para pumunta sa office ng PAL pero tumawag po sa akin si Sir Levin na sarado pa po ang PAL office kase nga po cguro dahil EID pa sa kanila. 

Based nakalap kong info ngayun hindi lng pala January 2018 na nasa ospital si ate Carmen kundi around November or December 2017 kase nag stay  siya sa ICU ng more than a month tas by January 2018 ung pagka admit sa ward. 

Babalik po ako bukas sa hospital para personal ko pong makausap ang kabayan na chief nurse baka sakali po mas madami akong makalap nan info

Thank you po

Joseph

thank you so much sis lia.. so malinaw na today lang sila gumalaw. at magpapasalamat tayo kay admin Hans Cacdac at namobilize sila. though it seems napilitan ang polo al khobar kahapon na gumawa ng report na according to nursing supervisor.. meaning thru call.. report na maaring ginawa kahapon lang din..

sana din sa mga ibang cases di na nila hihintayin pa na aabot sa ganito.. na kailangan pa natin aawayin, at malaman ni admin ang ginawa ng staff nya..

sana yong next cases ay puro thank you na ang patnubay.. maraming saalmat sayo sis lia at pinarating mo sa amin ang kaso ni carmen. Alhamdulillah

Lia Grey
Lia

Ung image na forwarded ni Sir Hans dito sa inbox natin nakita ko din po kanina kay sir Levin,  sabi niya sa akin report daw po iyan ng embassy at hindi ng POLO.  

Tinanong ko po sa knya  si sir ed laygo kung nasa polo pa kase si sir ed ang sinasabi ng mga nurses na nagpupunta dati, ang sabi ni sir Levin umuwi na din pala si sir ed. 

Tinanong ko din po kung andun pa si Jing kase siya ang nakontak ko ng Saturday ng around 9 am pero sinabihan akong tatawag ulet ng 5 pm pero hndi po ako nakatawag kase nag skip pa nga  po ako sa work nung time na 4 pm to 6 pm ng Saturday para Balikan si ate Carmen. un po ang 1st time kong mabisita si ate carmen at 1st time ko din po makausap ang mga nurses kaya di ko na naasikaso na tumawag ulet kay ms Jing. After ko sa hospital bumalik na po ako sa work.

Joseph

kaya pala familiar sa akin na style ng reporting.. ANS ng embassy pala yan. walang date, normal yan sa kanila para iadjust kung sakali may magquestion lalo na kung media or ngos. yong media or ngos na walang alam tatango na lang kahit malinaw yan na napabayaan.. 

AUG 15, 2019
THU 12:46 AM

Hans Cacdac
Hans

Latest report po from our Welof:

Admin Hans Update on the case of OFW  Carmelita A. Tabon. 

As per medical report, patient is in stable condition and the attending physician has already issued fit to travel order. However, PAL management, the only airline with direct flight from  Dammam to Mla, refused to accept the passenger since tracheostomy is still attached. This is despite the Medif and medical records provided by the hospital. 

We went to PAL Office but they are still closed for the Eid holiday. We will request Labatt Rey to talk to PAL management on this issue once they resume office. 

FYI Sir. Salamat

Lia Grey
Lia

Good morning Sir Hans, 

Pleaseee, kindly send someone again  to request for newest / recent medical report  for Ms Carmen Carmen because the Medical report we acquired yesterday afternoon ay noon pang May si there’s a possibility na may mas maganda pang result / update ng health status ni ate Carmen na pwede I present sa  airline na kung saan siya maisasakay in the future. 

Salamat po

Hans Cacdac
Hans

Okay po, will do.

THU 3:44 PM

Lia Grey
Lia

Good afternoon po Sir Hans, Sir Joseph  , sir Iric

Just came from the hospital po, nakausap ko po si chief nurse Sally 

Pinakita ko po sa kanya ang forwarded image ni Sir Hans na report about Carmen  

Sabi po ni nurse Sally  wala siyang sinabi sa mga nandun na report na yun especially about sa employer na magbigay ng Ticket at about hospital billings na sagutin ng amo kase po ang katotohanan wala nga po sila hawak na name ng employer kundi dalawang contact numbers lng ng sponsor at wala.pang pangalan 

NASA akin po ang mga contact numbers ng sponsor pero hndi ko po na try tawagan kase wala na po akong time. In 15 minutes papasok na po ako sa work  ko

Salamat po

Joseph

salam dir Iric Cruz Arribas , admin Hans Cacdac .. as expected natin na gawain ng ANS, yong gawa-gawa ng report. yan po ngayon o, nagname-drop sila ng ofw.. dir Iric Cruz Arribas  sana mapagsabihan yong mga tiwali na nagreport nyan. tigilan na nila ang ganyan.

Iric Cruz Arribas
Iric

Salam Joseph Abu Bakr Espiritu and Eid Mubarak! I spoke with the Philippine Embassy in Riyadh and requested them to go to the hospital in Dammam tomorrow.

Iric Cruz Arribas
Iric

Lia Grey , can the Embassy Case Officer also get in touch with you for closer coordination?

Lia Grey
Lia

Anytime sir Iric

Anyone can call me anytime

Iric Cruz Arribas
Iric

Could I have your cellphone number?

Lia Grey
Lia

Kanina andun ako mismo kay chief nurse salome, tinanong ko po kung pwede pa  interview sa media, tumanggi po siya kc bawal sa policy ng hospital  

0568xxxxx Number ko po sir

Iric Cruz Arribas
Iric

Okay. Thanks. Kindly expect a call from them

Iric Cruz Arribas
Iric

Lia, please let me know when they have coordinated with you already. Thanks again

Lia Grey
Lia

Yes po sir.  I am waiting. Thank you po

Okay po sir

Joseph

thank you so much dir iric for the swift response po sir.. and also to sis lia and admin hans

THU 11:44 PM

Lia Grey
Lia

Good evening po Sir Hans   Dir Iric , Ka joseph 

Gusto ko lng po ipakita pano po kami nakikipag communicate kay ate carmen since hndi po siya nakakapagsalita

Naigagalaw po ang thumb at forefinger ng left hand kaya nagsulat po ako ng suggestive questions na pwede niya sagutin ng pag turo lng

Tas nakakailing din po siya

Lia Grey
Lia

Gusto ko lng po kase intindihin pano napunta ng hospital kase ang sabi ng mga nurses wala nman kahit isa na pinay na bumisita kay ate Carmen.  Pero ang sabi ng panganay may pinay na komontak sa knya. Kaso ang sabi ng nurses wala nman kasama kase dinala daw si ate ng red crescent ambulance

Lia Grey
Lia

At walang employer name sa file ng patient  kundi number ng sponsor lng po

Hans Cacdac
Hans

May I know the cp number/s of her family here in the PHL?

Lia Grey
Lia

Joshua  Aglibut Tabon – 20 yrs old – 1st born child ni Carmen 

Mobile – +63997xxxxx

Yan po Sir Hans

Hans Cacdac
Hans

Tawagan ko po sya

Lia Grey
Lia

Cge po Sir Hans or should  I say Attorney Hans? Apologies po sir I didn’t know u are a lawyer po

Hans Cacdac
Hans

Hans na lang po 

4:04 PM

Lia Grey
Lia

Good afternoon po Sir Iric. Naka kontak na po sa akin si ma’am Janice at sinabi nman po sa akin na pupunta sila sa hospital po kay ate  Carmen mamaya around 5 pm dito. 

Sorry po hndi ako makasama kase may OT po ako until 9 pm

Thank you

Sir, Tinawagan ko din po ang mga nurses na kilala ko dun  sa hospital na I assist po sila ma’am Janice

Joseph

thank you so much sis. 

AUG 16, 2019
FRI 6:03 PM

Lia Grey
Lia
😭

Sir Hans , si Joshua po na panganay  ni Carmen ay isa pong electrician jaan sa maynila at bawal daw po ang cellphone pag nasa work siya  kaya nung sinabi ko po sa knya na possible na tawagan ka ni Sir Hans nag absent po kanina para antayin ang tawag mo

7 am -11:30 am tas 1:00 pm -6:00 pm daw po ang working  time niya

Iric Cruz Arribas
Iric
🙂

Lia Grey , thank you  

7:06 PM

Joseph
🙂

kaya pala si janice pala. sanay sa gawa-gawa na report.  Heto ang mga history ng mga kaso ng ofw na ganyan ang ginagawa niya.

Hans Cacdac
Hans

Ang cp number ko po ay 09175xxxx. Text po muna sya

Lia Grey
Lia

Thank you Sir Hans

Hans Cacdac
Hans

Update on the case of Carmen Tabon,

VC Von and Atty Janice of PE Riyadh visited the patient last night. We discussed the plan for the repatriation of Carmen. We will work out for the reissuance of exit visa since  the exit visa issued on May has already expired. We request the hospital to make a new medif and medical report so we could arrange her tentative booking and get quotation.

Lia Grey
Lia

Thank you Sir Hans

Joseph

thank you so much po admin hans.

btw, admin Hans Cacdac

 magpapatulong din kami sa inyo para disability benefits ni carmen sa OWWA at sa Compulsory insurance (RA10022) din po.

AUG 17, 2019
SAT 10:00 PM

Lia Grey
Lia

Sir Iric, thank you po sa pagpapadala ng mga taga embassy to check on ate Carmen 

Nagpunta po ako kanina tanghali ng break time ko po para tingnan po ulet si ate at para mapatunayan din na nagpunta po dun ung isang lalaki na poser na taga polo. Nasabi ko pong polo based sa nakalap kong info sa mga nurses.  Ang matandaan kase ng nurses, si ed laygo ang bunibisita dati tas meron po daw isang lalaki nagpapakilala taga polo pero hndi sinasabi ang pangalan. Nagpupunta daw po nung bago aksidente si ate.

last night nakontak ko si Mr BEN ( ayaw sabihin ang apelyido ) nakuha ko po ang number sa pinasang convo nila ng kapatid ni ate Carmen noong last year pa. Naka save sa fon na Agency BEN saudi. Tas try kong kontakin kagabi sumagot nman . Tinanong ko kung siya ang agent ni Carmen sabi hindi daw. tas sinabi  din na yesterday din po nag bisita kay ate Carmen pero ang mga nurses kanina sinabi mga taga embassy lng andun. Tinanong ko po si BEN kung ano ang kaugnayan kay Carmen , bakit bumibisita at nakikipag text sa ate ni Carmen nung bagong aksidente ang sabi po tumutulong lng kay Carmen pero hndi po siya affiliated sa agency at sponsor daw pero sinabi nman sa akin ang pangalan ng sponsor ni ate na DHABYA AL AHMADI 

Ben – +966566xxxx

Lia Grey
Lia

Back to Atty Janice po … sinasabi daw sa hospital na matagal na daw po sana natapos ang kaso ni ate Carmen kaso lng po daw nanghihingi ang pamilya ng pera sa employer.  Eh Sir Iric wala pong ganun ha. Una , hindi po alam ng pamilya ang number ng employer kaya pano sila mag usap. Pangalawa po, tumawag lng ONCE ung kasamang kasambahay sa kuya ni ate Carmen ( kuya jay r Aglibut ) using her mobile tas yun nagkausap sila ng employer kinumusta lng ang kapatid at sinabi nman ng employer na hndi pabayaan ganun lng po na klase ng pag uusap. Kaya po, nagtataka ako saan nakuha ni Atty Janice ung pinagsasabi na ganun sa roon ni Carmen.

AUG 18, 2019
SUN 7:17 AM

Joseph

dir Iric Cruz Arribas , hayan na naman sir si atty janice despite sa dami naming documentations na ganito ginagawa nya.  di pa rin sya tumitigil sa pagawa-gawa ng kwento.  

wala namang problema if manahimik na lang pero gagawa pa ng mga kwento palusot. sa report nag-drop sya sa name ng nurse, di naman pala sinabi ng nurse ang ganun.  

pagdating sa hospital ginagawan na naman nya ng kwento ang family ng OFW. Sinisikap na nga namin dito na mapawi  ang frustration ng family. ngayon hayz itong si atty janice. Likas itong sinungaling.

AUG 21, 2019
9:41 PM

Lia Grey
Lia

Good evening po Sir Hans, Sir Iric, Ka Joseph .

Today at 4 pm tumawag po sa akin si Mr. Levin Gabutan ng POLO asking me kung pwede po akong sumama sa pag travel kay ate Carmen Aglibut kase wala po daw maibigay na nurse ang mismong King Fahad university hospital.  Ang sabi ko po sa knya kanina, pwede akong mag sakripisyo pero kailangan ko pa muna mag paalam sa doctor ko, employer ko at sa management. At sabi po niya sana may maibigay na aking sagot bukas.

At kanina nga po kinausap ko ung doctor ko ( he’s our medical director) kung payagan niya ako umalis at naintindihan niya ang kalagayan ni ate Carmen so pumayag siya. Tas kinausap niya ang employer nmin  then nagpaalam ako sa tumatayong manager nmin kase kung walang approval ng tatlo, I can’t travel po. 

Pumayag po sila na magtravel ako pero  Kelangan daw po antayin ko muna ung dalawang nurses namin na pabalik ng September 02 , meaning I can go Sept 03 ganun po. At kung incase na matuloy ako sa pagsama kay ate  Carmen ,pinapayagan nila ako ng max 14 days na vacation .

May dalawang nurses po kase kaming paalis this August 26 at Aug 30 bale pangatlo po akong mawawala kung aalis ako ng August 29.

Sabi po kase ni Sir Levin may tentative booking na sila for Ate Carmen ng August 29 eh hindi po ako papayagan ng management sa araw na yun kase ang kondisyon nman nila pwede ako magtravel basta antayin ko daw po makabalik ung dalawang nurses na darating ng Sept 02.

I need your advice Sir Hans, Sir Iric , Ka Joseph 

Maràming Salamat po

Joseph

salam sis, hopefully matuloy ang meeting namin nina admin hans at sec bello. we will call you from there in sha Allah. 

Lia

Okay po Ka Joseph. Thank you

AUG 26, 2019
MON 2:29 PM

Lia

Good afternoon po Atty Hans, Sir Iric , Ka Joseph 

Sir, napayagan din po ako ng management nmin na mag biahe ng August 29 kung matutuloy ung sinabi sa akin  ni Mr Levin Gabutan na travel ni Ate Carmen , kinausap po ng doctor ko ung employer nmin at naintindihan niya 

Pero ang concern ko ngayun Atty Hans wala nman sila naipapakita na 2 way Ticket ko kaya ang management nmin ayaw din ako issue han ng re entry visa po

AUG 27, 2019
TUE 10:05 AM

Joseph

salam admin hans , dir iric need po ni sis lia ng confirmation re plane ticket para maprocess ng company niya ang exit reentry Visa

TUE 4:02 PM

Lia

Good afternoon po  Sir Iric, Atty Hans, Ka Joseph 

I just came from king fahad hospital to check on ate Carmen 

There I found my Ticket na the other day ko pa hinihingi kay Mr Levin  and until now hndi pa din sinesend sa akin. Ung head nurse dun ang nagpakita ng Ticket ko po

Ang nakakapagtaka din po, ung Ticket ko nasa hospital pero ang Ticket ni ate Carmen wala po duun 

The headnurse instructed me to be at the hospital morning of Thursday to receive all the medical papers of ate Carmen kase daw by 1pm dadalhin na siya ng ambulance sa airport 

My concern now is … since hindi daw po kasya sa ambulance ang luggage ko sino po ba ang sasama sa amin ni ate Carmen pa biahe ng pilipinas

Lia

I need someone to help me bring my luggage sa airport po kung sasakay po ako sa ambulance with ate Carmen wala pong space dun ng mga gamit ko at gamit niya 

Bakit po hanggang ngayun hndi po sumasagot si Mr Levin sa mga text ko sa knya.

Hans

Kakausapin ko po si Levin

Lia

Atty Hans nag wo worry na po ako habang palapit ang alis ni ate Carmen . Kung dipa ako nagpunta kanina sa hospital di ko pa makikita ang Ticket ko . I told sir Levin the other day   , I need the copy para magawan nila ako sa office ng re entry visa ko. Until now walang reply sa akin , binabasa nman po niya ang message ko .

Thank you Atty Hans

Joseph

Thank you so much admin hans.

thank you so much sis.. 

Hans

Welfare Officer Gabutan will help – 

Admin Hans, yesterday when we finished the booking we drop by the hospital to inform them the schedule of flight of patient Carmen. We handled to the nurse in charge to xerox the  ticket of Carmen and nurse escort Romella. But the nurse copied only the ticket of Romella that why Roxie went to the hospital to give the copy of ticket of Carmen. We will assist Carmen and Romella in their repatriation we will be the one to check in them. Sorry if I was not able to answer her msg because my internet card just expired. I will get in touch to Romella on this matter Sir. Thank you

Lia

Good evening po Sir Hans, Sir Iric, Ka Joseph.  

Mr Levin just called a  few minutes ago. Magpapasundo po ako sa kanila morning ng Thursday para dalhin ako sa hospital ni Ate Carmen at pinakiusapan ko po sila magdala ng luggage ko papunta ng airport .

Thank you so much Atty Hans 

Joseph

Thank you so much admin hans.. round trip ticket ba ang binigay nila kay sis lia aka romella? 

Lia

Yes po Ka Joseph.  It’s a round trip Ticket po thank you Atty Hans.

Joseph

Thank yo so much admin Hans Cacdac 

AUG 29, 2019,
4:29 PM

Lia

Good afternoon po Atty Hans, Sir Iric, Ka Joseph 

At the moment nandito na po kami ni ate Carmen sa labas ng  airport still inside the ambulance with 1 nurse fr king fahad,  madami daw pong papers na check nila sa loob sabi ni Sir Levin 

Ako poy lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tulong niyo sa akin especially kaybate Carmen at sa kanyang pamilya 

Thank you thank you po talaga

Lia
Hans

Walang anuman, Romella. 

8:39 PM

Joseph

Alhamdulillahi Rabbil Alamin..

Maraming salamat  admin Hans Cacdac , and Dir Iric Cruz Arribas ..  thru your intervention and of course kay si Lia Grey

di ito mangyayari  ang paguwi ni carmen kung wala kayo.  

Please send our thanks to weloff Levin din po. and to the nurses of king fahd university hospital at yong friends ni lia na sa work na sumasama sa kanya. maraming salamat

May Allah Subhanahu wa Ta’ala bless and protect you and your family always.

Admin Hans.. sana mapadali po yong permanent disability benefits from owwa (100thousand pesos) and from RA10022 compulsory insurance (7500 USD)  po.

Allahu Akbar!

AUG 29, 2019, 11:48 PM

Hans

Will do, Joseph. Permanent disability thru compulsory insurance will have to be in accordance with RA 10022 … total loss of limbs or total loss of eyesight.

Joseph

thanks po sir. but it is a permanenet damage to the head po sir. which made carmen paralyzed for her whole life po

ito po sir

(c) Permanent total disablement, with at least Seven thousand five hundred United States dollars (US$7,500.00) disability benefit payable to the migrant worker. 

“ brain injury resulting to incurable imbecility or insanity; ”

Joseph

i notice in ra1022, i do not know if the lawmakers who made it or those who must implement it, seemed to use ambiguous words.

such us in subsistence allowance,  they wrote involved in a “case” or “litigation”. Kaya ni-require nila ang ofw na magkaso sa labor court kung gusto makakuha ng subsistence allowance. 

to others ang word na case ay pareho lang sa litigation dapat may kaso nakahain sa korte. 

para sa iba naman katulad ko ang meaning ng salitang  “case” ay “any problem” katulad ng nakadefine sa dictionary. Otherwise, wag na nilang isulat ang dalawa sa batas kung pareho lang ito ng meaning.

Ngayon, heto na naman, may ambiguity din pala sa disability benefit sa RA10022 pa rin

incurable “imbecility” or “insanity”

to others ang salitang “imbecile” at “insane” ay pareho lang ang kahulogan, “baliw”. 

pero sa iba naman na katulad ko ang “imbecile” ay yong “weak” or “feeble” or “incapable”. Katulad din yan sa nakadefine sa dictionary.

Sa subsistence allowance, matagal na namin ipinaglalaban na entitled ang ofw nito, kung mayroon siyang problema (case) not necessarily na may isinampa na kaso (litigation). 

Ngayon madagdagan na naman ang ating ipaglalaban, hindi lahat ng “imbecile” ay “insane” kundi maaring mahina (feeble) or walang kakayahan (incapable).

Yan ang interpetasyon ko sa RA10022, because first, a law must not have an ambiguity. And second, simple grammar dictates, the conjunction “or” should not be used for two words which have exactly the same meaning. (example “a boy or a girl”,  not “a boy or a boy” or “a girl or a girl” )

Hans

We will summon the insurer and PRA on this matter.

Joseph

thank you so much sir, dahil ang kalagayan ni carmen ay mas malala pa sa walang mga kamay at walang mga paa.

AUG 31, 2019, 4:12 AM

Lia

Good morning from Ilocos Sur Atty Hans , Sir Iric Ka Joseph 

Nakarating po kami sa Manila kahapon around 10:20 am at sinalubong po kami ng mga taga OWWA with their medic /ambulance.  Sorry I forgot the name ni madam na sumalubong sa amin.

Dinala po si ate Carmen sa city hospital candon city for further evaluation at para mabigyan din ang family ng iba pang kaalaman para sa pag aalaga sa knya pag iuwi na po siya sa kanilang bahay .

Ipinaabot po ng buong  pamilya ni ate Carmen ang kanilang pasasalamat sau Ka Joseph,  sir Iric especially sa iyo Atty Hans.

Lia

AUG 31, 2019, 9:46 AM

Joseph

Alhamdulillahi Rabbil Alamin. 

Jazak Allah Khair, sis lia, dir iric and admin hans.

MON 5:49 PM

Lia

Good evening po Sir Hans, Sir Iric , Ka Joseph 

Last Saturday,  nakauwi na po si Ate Carmen sa bahay nila 

Idineretso po kase siya ng ambulance ng Owwa sa isang government hospital nmin dito sa Candon nung Aug 30 for evaluation incase na may complications during our travel .

Ang reason na hndi rin naiuwi agad sa bahay ay dahilan po sa naghanap muna kami ng mahiraman ng portable suction .

Pero sa ngayun nasa bahay na po siya.

Atty. Hans, Sir gusto ko pong I ff up ang tungkol sa benefits at insurance po ni Ate Carmen na sana po maibigay sa pinaka mabilis na panahon   para din po magamit niya para sa kanyang mabilis na pag recover 

Binisita po nmin sila ng kanyang pamilya kaninang umaga kahit po ang hirap pumunta dahil sa tatawid ka pa ng ilog 

Maraming Salamat po

AUG 31, 2019, 9:46 AM

Joseph

Alhamdulillahi Rabbil Alamin. 

Jazak Allah Khair, sis lia, dir iric and admin hans.

SEPT 9, 2019
MON 5:49 PM

Lia

Good evening po Sir Hans, Sir Iric , Ka Joseph 

Last Saturday,  nakauwi na po si Ate Carmen sa bahay nila 

Idineretso po kase siya ng ambulance ng Owwa sa isang government hospital nmin dito sa Candon nung Aug 30 for evaluation incase na may complications during our travel .

Ang reason na hndi rin naiuwi agad sa bahay ay dahilan po sa naghanap muna kami ng mahiraman ng portable suction .

Pero sa ngayun nasa bahay na po siya.

Atty. Hans, Sir gusto ko pong I ff up ang tungkol sa benefits at insurance po ni Ate Carmen na sana po maibigay sa pinaka mabilis na panahon   para din po magamit niya para sa kanyang mabilis na pag recover 

Binisita po nmin sila ng kanyang pamilya kaninang umaga kahit po ang hirap pumunta dahil sa tatawid ka pa ng ilog 

Maraming Salamat po

SEPT 10, 2019
TUE 12:51 AM

Hans

Patitignan ko po ito

TUE 10:28 AM

Joseph

Thank you so much po admin hans maari din kaya maaply ng owwa scholarship program ang at least isa sa mga anak ni carmen po?

End of Group chat

Patnubay’s Private Conversation with Sis Lia Prior to sending our Email and initiating a Group chat with OWWA Admin Hans Cacdac and DFA OUMWA Dir Iric Arribas.

AUG 10,  2019
SAT 9:34 AM

Lia Grey

Good morning po Patnubay Online. Gusto ko pong makuha ang hotline ng POLO khobar kung pwede po. Gusto ko pong magpatulong para sa isang kabayan na more than a year na pong nakaratay sa hospital pero wala pong action para maiuwi siya. Salamat po

Lia Grey

Tumawag po ako ng Riyadh embassy,  same lng po ang hotline na nasa akin at sa  binigay , pero parehas pong hindi makontak 

Meron po tayong kabayan na 1 1/2 years na daw nakaratay sa king fahad university hospital al khobar 

Her name is CARMEN AGLIBUT TABON from bay asan banayoyo ilocos sur

According to family , She was working as kasambahay 

.Nadulas daw  po at nabagok ang ulo.  Kahapon ko lang po nalaman thru Facebook nung may friend akong naghahanap ng nurse with in dammam and khobar area to find her kung nasa king fahad pa rin ba

SUN 12:00 PM

Patnubay Online

Hi lea.  Kahit saan hotline nila .  ay ewan

Saang hospital si kabayan?

Lia Grey

2 hotline ang kinokontak ko po wala hndi makontak

Patnubay Online

Ay wala pang info

Wag mo na asahan yang hotline nila

Lia Grey

Plus ed laygo,  Victor, marissa and jing

Binigay lahat ng embassy Riyadh ang number nila

Patnubay Online

Anong name kaya ng hospital ang pinakamalapit sa place

Ng employer

Anong name at contact ng employer

Anong name ng agency

Lia Grey

Ang kabayan po natin ay nakaratay sa king fahad university hospital al khobar

Patnubay Online

Ah okay

Lia Grey

Carmen aglibut tabon

Patnubay Online

Bale need lang mainform ang polo

Lia Grey

Nabisita ko po kahapon

Patnubay Online

Ah okay okay sis

Lia Grey

Since 2018 pa siya andun

Ng January

Patnubay Online

Ha?

Lia Grey

Hndi inasikaso ng polo ang pag uwi

Patnubay Online

Hala

Dapat yong family sa pinas pwede nila pinabisita na dyan

Lia Grey

Alam na po nila, hawak na daw ang case base sa kwento ng mga nurses duun

Patnubay Online

Dahil covered naman ng compulsory insurance sa atin

Lia Grey

Nagpatulong na ang family sa media binigyan daw referral punta owwa yun lng wala na ginawa

Patnubay Online

Makapagbigay na ba ang doctor ng permit to travel?

At ang employer ay makapagbigay ng exit visa

Lia Grey

Ang employer pinabayaan na din si kabayan

Yes may permit yo travel na dalawang beses na po

Patnubay Online

Grabe ang kapabayaan nito

Lia Grey

Kaso nung una ayaw tanggapun ng Pal

Patnubay Online

After eid asikasohin natin ito

Lia Grey

Kase Kelangan daw 2 nurses ang sumabay ayaw mabigay ng ospital

Patnubay Online

So wala palang problema dapat

Lia Grey

Tas nung june na may mabigay na nurse na sumabay wala na action ang polo

Patnubay Online

At di dapat magtagal

Lia Grey

Maghaponkahapon at ngayun ako tumatawag wala diko sila.makontak

Patnubay Online

Padalhan mo ako ng email ng details

Gim@gmail.com

Lia Grey

Cge po

Patnubay Online

Pero after eid pa natin maumpisahan

In Sha Allah

Lia Grey

Opo

Salamat po

Pupunta po ako ulet kay ms Carmen mamaya

Patnubay Online

Mapagalaw natin itong mga polo at embassy na wala ng ginagawa kundi umaasa sa pagtatabon at damage control

Di yan uubra sa atin

Buhay ng ofw at pamilya ng ofw ang pinabayaan nila

Lia Grey

Cge po I email ko sa inyo ang detail na nakalap ko po about ms Carmen.  Gustong gusto na po siya maiuwi ng family khit ano daw po ang mangyari. Mas lalo din po kase mag deteriorate ang health niya dun kase nakahiga lng walang ibang therapy

SUN 6:15 PM

Patnubay Online

salam natanggap ko na ang email maam

will handle this. in sha Allah sa tuesday. maiforward natin sa kanila

12:02 AM

Lia Grey

Thank you po

11:03 PM

Patnubay Online

salam maam.

first contract ba ito ni carmen sa amo from agency?

or matagal na sya sa amo na yan?

Lia Grey

Yes po

1st contract

Patnubay Online

tsk tsk tsk. pwede naman ang gawin ng gobyerno . sponsoran nila ng visa at least 1 member ng family at sagutin ng insurance (ra10022) ang expenses compassionate visit ng family.. then sabay silang umuwi

hayz

Share this: