The Marilou Reyes Story – Milan

Share this:
image source: milano.repubblica.it

Ito ay kwento tungkol sa 54 anyos na OFW sa Milan Italy na napabalitang nahulog mula sa isang gusali noong August 13, 2019. Siya si Marilou Reyes

Nahulog siya mula sa pang-apat na palapag ng isang gusali at bumagsak sa kalye n Via Private Cesari Battisti, malapit sa Court of Milan.

Ayon sa mga nakakita, bandang alas 10 ng umaga, naglinis umano si Marilou ng bintana nang madulas sa hagdanan na kanyang pinapatungan. Dumating naman ang mga police at 118 medical personnel at nakumpirma na patay na si Marilou.

Inimbistaghan naman kaagad ng public prosecutor ang insidente kung may kasalanan ba ang employer sa kanyang pagkamatay. Nabura lahat ng duda nang mapag-alaman na ang mga amo ay nagbakasyon sa bansang Greece. Isa sa mga teoriya ng dahilan ng pagkahulog ay walang safety shoes si Marilou

image source: milano.corriere.it

Napag-alaman na pauwi na sana sa Nobyembre ngayong taon si Marilou at mayroon na siyang ticket. Balak sana nyang ipasyal ang kanyang buong pamilya sa Disneyland sa Hongkong. Ito sana ang kanyang surpisa sa kanyang apo na si Raffa.

Si Marilou ay isang 54 anyos na kasambahay sa Milan sa loob ng sampung 10 taon. Nakarating ng Italy sa tulong ng kanyang kaibigan an si Mary Flor Felisilda.

Si Marilou ay isang dating manager sa isang electrical company at kanyang asawa ay isang OFW sa Taiwan. Nagkaroon ng crisis at sa takot na mawala ang bahay na naipundar ng mag-asawa, at higit sa lahat sa kagustohan na makpag-aral ang kanyang pangalawa at pangatlong anak sa mga maaayos na eskwelahan.

image source: milano.corriere.it

Dahil sa kanyang kaibigan na si Mary flor, nakapagtrabaho si Marilou sa Cortemilia, at bilang kasambahay sa Alba, Italy. Dahil sa lungkot at sa pagka-ulila sa pamilya lumipat si Marilou sa Milan kung saan maraming Pilipino.

Sa Milan naging masigla sa trabaho si Marilou at ang kanyang sahod ay pinadala niya sa kanyang pamilya. Hindi nabigo si Marilou, at nasuklian naman ito ng kanyang mga anak sa pag-aaral ng mabuti. Ang bunso na si Russel (17) ay mahilig magbasketball. Ang pangalawang anak na si Rojan (19) ay magpapari at nasa second year na sa San Carlos Seminary sa makati.

At ang panganay na si Ralph, 30 ay mula nang makagraduate sa San Beda ay nakafocus sa car dealership business. Siya ang tatay ni Raffa na apo ni Marilou

Kaya masakit para sa kaibigang si Mary Flor Felisilda, ang biglaan na pagpanaw ni Marilou.

August 19, 2019 – Dumating sa Milan ang panganay na anak na si Ralph at naglagay ng bulaklak sa lugar na pinbagsaka ng knayang nanay. Unang nalaman nio Ralph ang nangyari sa kanyang nanay mula sa mga kaibigan sa Milan na tumawag sa kanila via messenger. Sobrang lungkot ang nararamdaman ng kanilang pamilya lalo na at pauwi na sana si marlioy. ang plano sana ng kanyang nanay ay babalik pa sa milan at magtratrabaho pa sana ng insang taon.

image source: milano.corriere.it

Hindi nakasama ni ralph ang kanilang tatay na si henry dahil expired ang passport nito. Dumiritso si ralph sa konsualda

Ipinarating Gabriele Minniti, abugado ng amo ni Marilou sa konsulada sa milan, na maliban sa sa sasagutin ng employer ang gastos sa pagpauwi ng katawan ni Marilou sa Pilipinas, ay tutulong din umano sila sa pagpappatuloy na pag-aaral ni Russel at ni Rojan.

“My clients are afflicted by the death of Marilou, who has lived with them for more than ten years — so they intend to support her family in achieving the I dream of educating my children, and they have always considered it part of the familyand put in the best conditions to carry out his work with dignity”

Nagkakaisa ang filipino community sa milan sa pagdadalamhati sa pamilya at sila ang umaalalay kay ralph. at kasama dumalo din sa misa na

Noong August 25, 2019 – Nagkaroon din ng misa alay kay Marilou sa simbahan Santo Stefano, sa pamumno ng pari na si Don Gino Rigoldi.

Ayon kay Don gino rigoldi, My anonymous na Milanese family na nagdonate ng 10thousand Euros para tulong sa pamilya ni Marilou.

Kami po sa Patnubay ay nakikiramay sa pamilya ni Marilou na ating kapwa OFW. Sanay na tayo sa mga kwento na mga ganito, pero hindi po tayo naging manghid. Sa halip, lalo tayong naging maramdamin kung makakarinig ng kwento ng kabayanihan ng OFW at ng kanyang pagmamahal sa Pamilya hanggang sa huling hininga.

References

https://milano.corriere.it/notizie/cronaca/19_agosto_13/precipita-iv-piano-pulendo-vetri-muore-domestica-54-anni-37ae5148-bdaf-11e9-88cc-58d8f24ec1cd.shtml

https://milano.corriere.it/notizie/cronaca/19_agosto_21/mary-morta-pulendo-vetri-l-ex-manager-diventata-colf-8c8a2a72-c36b-11e9-a7af-46fd3e83594f.shtml

https://milano.repubblica.it/cronaca/2019/08/24/news/milano_donna_precipitata_mentre_puliva_i_vetri_marilou_reyes_donazione_don_gino_rigoldi-234242802/

https://milano.corriere.it/notizie/cronaca/19_agosto_22/marilou-figlio-colf-filippina-morta-milano-sacrificata-noi-7a1c3c2a-c516-11e9-a891-3b686b89b135.shtml

https://www.open.online/2019/08/22/milano-morta-mentre-puliva-i-vetri-lex-manager-che-faceva-la-colf-per-far-studiare-i-figli/

Share this: