POLO-Amman nagsagawa ng Financial Literacy Seminar para sa Filipino Community sa Jordan

Share this:

Amman, Jordan -Nagsagawa ang ating Philippine Overseas Labor Office ng Financial Literacy Seminar na pinangunahan ni Labor Attaché Atty.Jainal T. Rasul at ang kanyang mga staff kabilang sina Assistant Labor attaché Catherine A. Duladol, Welfare Officer Harry B. Borres, at Berna P. Del Castillo at buong POLO Jordan. Kasama din sina Consul Ferdinand P. Flores, Mr. Julius DE Guzman, at ibang staff ng Philippine Embassy.

Ang Financial Literacy Seminar ay ginanap sa ating Embahada sa Amman, Jordan noong nakaraang Biyernes, Setyembre 13.

May 52 ka grupo mula sa Filipino Community ang mga umaatend sa naturang seminar kabilang dito ang Allied Migrants Workers, Aimers, Guardians, FilOrg ,FEFAA, UFO at iba pang mga grup at indibidyuwal.

Binuksan ang Seminar nina ALA Catherine A. Duladol at ni Consul Ferinand P FLores sa pamagitan ng patalakay ng buhay ng OFW at ang mga kadahilanan kung bakit tayo nangingibangbang bansa. Halos pareho ang mga dahilan ng karamihan, ang gustong makatulong sa pamilya at miaahon sa kahirapan ng buhay.

Sinundan naman ito ng overview kung bakit kailangan ang Finacial Literacy nang nagsalita si Labor Attache Jainal T. Rasul,Jr.

Maliwanag at nagbukas ng isipan ng karamihan na ang hangarin ng seminar ay upang mamulat ang lahat ng mga Filipino kung paano ang tama na pagamit ng kanilang pera, una ay sa pag iipon, pangalawa ay sa pagastos ng tama at sa pag invest sa tama ng hindi ma scam.

Karamihan sa umuuwi na OFW’s ay walang ipon dahil ang lahat ng pera ay pinadala sa pamilya sa Pilpinas at kadalasan ay hindi alam kong paano hawakan ng wasto ang pera. Kaya kung biglang napauwi o umuuwi dahil sa health problem ang isang OFW ay wala itong pera.

Kaya, mahalaga na malalaman ng bawat OFW at lalo na ng kanyang mga pamily, ang kahalagahan ng pinaghirapang pera ng OFW at ang kaalaman hinggil sa maayos na paghawak ng pera.

Ibinahagi naman ni Welfare Officer Harry Borres ang tungkol sa kanyang buhay kong paano siya naahon mula sa kahirapan at dahil natutunan niyang kong paano gamitin ng tama ang pera ang nagkaroon siya ng Finacial Freedom. Isa umano sa kanyang hilig ay ang pag invest ng real state at nagiging inspirasyon ito sa mga dumalo na mga OFW’s.

Dagdag pa niya ay ang kahalagahan ng Financial Planning. Ito ay ang pinakaunang hakbang sa pagkamit ng Financial Freedom, ang mag-umpisa sa pagplano, sa pagiipon, at mamuhunan ng tama. Mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili katulad ng Earnings minus Savings equals Expenses. Ang kadalasan daw na nangyayari ay kung may kinita, inuuna ang gastos sa pagbabawas at saka na ang ipon. Ito umano lagi ang dahilan kaya laging short ang budget at walang ipon ang tao.

Binigyan din ng pagkakataon ang isang Officer ng Banco de Oro na si Randy upang magpaliwanag kung paano makapag-impok ng pera sa BDO at kung ano ang benepisyo nito.

si Welfare Officer Berna P. Del Castillo banab ang nagtalakay tungkol sa re-integration program ng OWWA

Mr. Jullius De Guzman ay nagpapaliwanag naman hinggil sa Security Updates at tungkol sa mga contingency plan kung sakaling may kaguluhan na mangyari sa bansa.

Naliwanagan ang mga Filipino na dumalo sa seminars dahil nabuksan ang kanilang isipan sa kanilang mga natutunan. Busog din sila sa pagkain na naihanda pagkatapos ng Seminar.

Event Videos and Photos

Share this: