Disaster Prevention Awareness Seminar para sa mga Pilipino sa Japan

Share this:

Noong Setyembre 28, 2019 – nagsagawa ang Hamamatsu City Government ng isang Disaster Prevention Awareness Seminar para sa mga Pilipino sa kanilang siyudad at ito ay ginanap sa “City Multicultural Center”.

Si Ambassador Jose Castillo Laurel V ng Philippine Embassy sa Tokyo ay ang guest speaker sa naturang seminar na dinaluhan ng tatlumpung tao.

Sinabi ni Ambassador Laurel na ang Japan ay may sistema para sa Disaster Prevention, kaya dapat gamitin ito sa panahon ng kalamidad.

Halimbawa na lamang ay ang pagtawag sa hotline number na 171 para sa pagkumpirma sa kaligtasan ng mga pamilya sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. At kailangan din na laging nakahanda ang checklist sa mga dapat gawin at mga bagay na dapat dalhin sa oras na may kalamidad.

Ito ang pinaka-unang Disaster Prevention Awareness Seminar na naganap sa loob ng pitong (7) taon. Nagpasya ang City Government kailangan nang magkakaroon ng Disaster Prevention Seminar sa mga Pilipino dahil mas dumadami ang kanilang bilang sa Japan lalo na sa lugar ng Higashi Ward at Hamakita Ward.

Japanese News Source: chunichi.co.jp

Share this: