Patuloy na kilos Protesta sa Iraq, nakakabahala

Share this:

Napabalita sa mga online news na naging madugo ang resulta sa patuloy na pagpoprotesta sa Iraq.

Putol lahat ang internet connection kahit naka-VPN pa. Kaya, hirap tayong makakuha ng agarang impormasyon tungkol sa mga pangyayari.

Kahapon, nagpatupad ng curfew ang pamahalaan ng Iraq pero hindi pa rin napigil ang pagpoprotesta ng mga Iraqi civilian. Sa halip, ay lalo pa itong lumalakas at dumarami.

Alhamdulillah, at nagkaroon sandali ng internet connection kaninang umaga at nalaman natin na nasa maayos na kalagayan ang limang (5) magigiting na tauhan ng ating embahada, at patuloy silang nagmonitor at pakipagcoordinate sa Filipino Community doon.

Ipagdasal natin ang kapayapaan sa Iraq at naway laging ligtas ang mga kababayan natin doon.

Share this: