KSA: Pagdinig ng korte sa kasong terorismo laban sa 45 na akusado kabilang ang isang Pilipina, inumpisahan na

Share this:

Kaharian ng Saudi Arabia – Oktobre 3, 2019

Sinimulan na ng Specialised Criminal Court (SCC) ang paglilitis sa 45 na akusado sa kasong terorismo, kaugnay sa pagpatay kay General Ketab Al Hammadi noong 2016 at pagbomba ng mga masjid sa Abha, Najran at Al Ahsa noong 2015.

Ayon sa Al-Akhbariya (Saudi TV), kasama sa 45 na nasasakdal ay isang (1) babaeng Saudi at isang (1) Pilipina.

Arabic News Reference: https://sabq.org/83jPL4

Arabic News Reference: https://sabq.org/83jPL4
Share this: