DFA nagpauwi ng 158 distressed OFW mula sa UAE, at nagbabala kontra human trafficking

Share this:
oumwa 2
Source: https://dfa.gov.ph

DFA nagpauwi ng 158 distressed OFW mula sa UAE, at nagbabala kontra human trafficking

Oktobre 6, 2019
Manila, Philippines

Malugod na sinalubong ng Department of Foreign Affairs (DFA) – Manila ang pagdating ng 158 distressed OFW mula sa United Arab Emirates (UAE), 74 sa kanila ay nagmula sa Abu Dhabi at 84 naman ay nagmula sa Dubai.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola, na ito ay alinsunod sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektahan ang kapakanan at kagalingan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Karamihan sa 158 distressed OFW ay mga human trafficking victims.

Sinabi naman ng ambassador ng Pilipinas sa UAE na si Hjayceelyn M. Quintana, na ang repatriation ng 158 OFW ay isang joint effort ng ating embahada sa Abu Dhabi at ng ating Konsulado sa Dubai.

Sinabi naman ng consul general ng Pilipinas sa Dubai na si Paul Raymund Cortes, na ang mga workers na napauwi ay umalis ng Pilipinas gamit ang short-term visit visa at napaniwala sa pangako ng mga illegal recruiters na magkaroon sila ng working visa pagdating sa UAE. Karamihan sa kanila ay dumanas ng iba’t-ibang uri ng pang-aabuso.

Nagbabala ulit ang DFA sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa gamit ang tourist o visit visas na, ang mga OFW na walang tamang “employment documents” ay mas “prone” sa pang-aabuso at pagsasamantala ng kanilang magiging employer.

Ang DFA ay nakatanggap din ng mga reports tungkol sa mga iligal na recruiter na gumagamit ng pangatlo o ika-apat na bansa bilang mga jump-off point, karaniwang kung saan hindi kinakailangan ang isang visa para sa mga Pilipino at ilang mga bansa sa Gitnang Silangan, upang maipadala ang mga manggagawang Pilipino sa mga banned countries.

Simula umano noong Enero 2019, mahigit sa 4,800 na mga Pilipinong nasa ibang bansa ang nailipat sa bansa mula sa UAE, at napagastos ang ating pamahalaan ng higit sa 135.34 milyong piso. Samantala sa taon 2018, isang kabuuang 5,842 mga OFW ang napauwi mula sa Dubai at 3,533 mula sa Abu Dhabi, at napagastos ang ating pamahalaan ng 175.21 milyong piso.

Maliban pa dyan, ang DFA ay gumastos din para sa sa maintenance and operating costs ng mga OFW shelters sa Abu Dhabi at Dubai, sa pagproseso ng exit visas, sa mga ticket pauwi ng Manila, maging sa mga ticket pauwi sa kanilang mga probinsiya.

Dagdag pa ni Undersecretary Arriola, na mahigpit na kinondena ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga pang-aabuso na nararanasan ng ating mga OFW sa kamay ng kanilang mga recruiter o employer. Ang DFA ay magpapatuloy sa pakikipagcoordinate sa ibang mga ahensya na miyembro ng Inter-Agency Council Laban sa Trafficking (IACAT), upang maiwasan at sugpuin ang trafficking.

Ito umano ay napakalinaw na pagpapakita ng pagiging seryoso ng ating pamahalaan sa pagtugon laban sa human trafficking, kasama ang DFA, ang lahat ng 11 mga miyembro ng ahensya ng IACAT at apat na mga kinatawan ng non-governmental (NGO).

Ang IACAT ay ang “central coordinating body” na nagsubaybay at nangangasiwa sa pagpapatupad ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act. Ito ay ipinag-uutos upang maitaguyod ang kailangang sistemang institusyonal para sa proteksyon at suporta ng mga taong biktima ng human trafficking.

oumwa 3
Source: https://dfa.gov.ph

Source: https://dfa.gov.ph

Share this: