Jeddah, KSA – dalawang (2) Pinoy patay at isa (1) pang malubha ang lagay dahil sa mainitang pagtatalo na humantong sa patayan

Share this:

Jeddah, KSA – dalawang (2) Pinoy patay at isa (1) pang malubha ang lagay dahil sa mainitang pagtatalo na humantong sa patayan

Ayon sa balita ng Sada News Online noong Oktobre 10, 2019 – Isang kakila-kilabot na krimen ang naganap noong Oktobre 5, 2019, Sabado, sa Jeddah Province kung saan dalawang Pinoy ang pinatay ng kapwa Pinoy din.

Batay sa imbestigasyon ng Jeddah Police, ang krimen ay nagsimula umano sa mainitang pagtatalo na humantong sa patayan at pagkasawi ng dalawang (2) Pilipino at malubha naman ang lagay ng isa pa.

Patnubay Notes:

Ngayong araw lang natin nalaman ang balita mula nang lumabas ito sa mga Arabic News dalawang linggo na ang nakaraan.

Ipaparating natin ito sa ating Konsulado sa Jeddah para:

  1. kumpirmahin nila ang nakasulat sa balita at makahagilap ng karagdagang impormasyon
  2. maalalayan nila ang mga pamilya ng dalawang nasawi sa pagpauwi ng mga katawan nito at kung ano mang benepisyo na dapat matatanggap ng kanilang mga pamilya mula sa kanilang mga companies.
  3. matututokan nila ang pangatlong Pinoy na sinasabing malubha ang lagay at mabigyan siya ng representation kung may investigations at hearings.

Payo sa mga kapwa OFW:

Nag-abroad tayo para sa ating mga pamilya sa Pilipinas, hindi para makipagtalo at makipag-away.

Kung mahal natin ang ating mga pamilya, habaan ang pasensya. Umiwas sa pakikipagtalo at pakikipag-away

Arabic News Source:

Arabic News Source: Sada News Online
Share this: