Sa Kuwait, Mag-ingat o Huwag magpapalipad ng Remote Controlled (RC) Drones. Dalawang (2) Pinoy na ang nakulong

Share this:
Image Source: clipartwiki.com/

Sa Kuwait, Mag-ingat o Huwag magpapalipad ng Remote Controlled (RC) Drones. Dalawang (2) Pinoy na ang nakulong

Timeline:

September 14, 2019 – Dalawang (2) refineries ng Saudi Aramco sa Abqaiq at Khurais, KSA ay inatake ng mga drones na nagdulot ng sunog at malaking pinsala.

September 15, 2019 – Sa isang official Press Release, inatasan ni Kuwait Prime Minister Sheikh Jaber Al-Mubarak Al-Hamad Al-Sabah, na kailangan mas paigtingin ang seguridad ng kanilang bansa lalo na sa mga vital installations, mula nang may namataan na isang unidentified drone na dumaan sa kanilang coastal area.

September 28, 2019 – Dalawang (2) Pinoy sa Kuwait ay hinuli at kinulong dahil sa pagpalipad ng drone sa vital facilities sa Al-Zour.

Note: Natanong na natin sa DFA at Embahada natin sa Kuwait kung nakalabas na ba ang mga kababayan pero wala pa silang sagot.

October 2, 2019 – Tatlong Kuwaitis naman ang hinuli at kinulong dahil sa pagpalipad ng Remote Controlled Drones.

November 1, 2019 – Pinagbabawal ng pamahalaan ng Kuwait ang pagpapasok ng Remote Controlled Drones sa Kuwait maliban na lamang kung may pahintulot ng Ministry of Interior.

Source Links:

Share this: