The Curious Case of OFW Ramos, 64 years old – Repatriated

Share this:

From: Joseph Henry Espiritu 
Date: Mon, Nov 4, 2019 at 11:57 AM
Subject: Re: Request for Urgent Repatriation: Domingo Ramos – 64 years old Riyadh Welfare Case

OFW Domingo Ramos nasa Pilpinas na, Thanks to Labatt Nasser Mustafa and POLO Riyadh

Dear  Ambassador Adnan, Labatt Nasser, Congen Aro,  Sec Bello, Usec Arreola, Admin Hans and Dir Iric.  

Alhamdulillahi Rabbil Alamin! 

Nakauwi na po si OFW Ramos noong November 1, 2019. ito po yong youtube video ng pagsundo nina Welof Zandro Almendrala sa kanya sa bahay ng mag-asawang Noel at Susan Bocafigura na nag-alaga sa kanya.

Maraming salamat din sa mga kasamahan sa Patnubay sa pagbili ng ticket kay ate Susan Bocafigura para may kasama si Tatay Domeng sa paguwi at sa pagpacheckup sa Pilipinas. Ang ticket ni Tatay Domeng lang kasi ang sinagot ng OWWA.. Many thanks T2 Vennie Legaspi, Ka Romy Tangbawan, 

T2 Nelson and Tita Jocelyn Quintanilla, Ka Isagani Bayaca, T2 Garry and Tita Anne Espiritu, Kuya Pat Mabanta, Bro Joel Quiaoit, Bro Kayzer Wenceslao, Ka Isagani Bayaca, Ka Aris and Ka Fat Quinto Bro Anwar,  Inshera and Kuya Bhong Fincalero.

ito po yong ticket para kay ate susan

Maraming salamat din kay ka Rey Villanueva sa pabaon para kay tatay Domeng.

Sa muli, Maraming salamat kay Labatt Nasser S. Mustafa, Mr. Anwar Salisipan at Mr. Zandro Almendrala ng POLO Riyadh. 

Hanggang dito na lang at maraming salamat po sa lahat ng tumulong kay Tatay Domeng.  

Group photo with OFW Ramos and Bocafigura Couple

Gumagalang,
joseph 

On Fri, Oct 25, 2019 at 7:21 AM Joseph Henry Espiritu wrote:

May Final Exit Visa na Si tatay Domingo, Thanks to Labatt Nasser of POLO Riyadh. 

Dear  Ambassador Adnan, Labatt Nasser, Congen Aro,  Sec Bello, Usec Arreola, Admin Hans and Dir Iric.  

Alhamdulillahi Rabbil Alamin. 

Maraming salamat kay Labatt Nasser Mustafa, sa kanyang recommendation letter to the Dir of Jawasat. Kay Mr. Anwar Salisipan sa pagprocess ng Exit papers sa Jawasat at pagsama kay Tatay Domingo sa tatlong beses na kailangan ang presence nya sa Jawasat. 

Maraming salamat din sa mag-asawang Kuya Noel at Ate Susan Bocafigura na nag-alaga kay Tatay Domingo. Sa grupong Yes to Love, No to Hate ng Patnubay para sa food and financial asistance. Pasasalamat din kay Mr. Zandro na sumama kay Labatt Nasser nang bumisita ang POLO kay Tatay Domingo.

Thursday, October 24, 2019, nakuha ni Tatay Domingo ang Final exit Visa.  Now, one way ticket is need for tatay domingo and one round trip ticket for Ate Susan who volunteered to accompany him sa pag-uwi.

As a short summary, it took us a total of 7 weeks mula nang na-hit and run si Tatay Domeng, kasama na doon ang dalawang linggo na walang nangyari sa ANS dahil puro lang lip service at masakit pa na salita. Kaya lumapit sa Patnubay si OFW Domeng. Noong September 17, 2019 –  inirequest namin sa POLO Riyadh.na sila na ang humawak ng case at after ilang balik sa Jawasat, at hanggang sa recommedation letter ni Labatt Nasser, nakuha ni OFW Domengo Ramos ang Final exit visa sa loob ng limang (5) linggo with POLO.

Full documentations to follow.. for the time being let this email be focused sa pasasalamat.. Nasa baba ang mga photos at nasa baba ang previous email para sa backgrounder ng case na ito.

the final exit visa na dapat maialis na kaagad
POLO Riyadh’s Mohammad Anwar Salisipan with Tatay Domeng and ate Susan
Labatt Nasser Mustafa ‘s letter to the director of Jawasat
POLO Riyadh’s Visit kay Tatay Domeng
Yes to Love, No to Hate Delivers blessings for tatay domeng
Tatay Domeng receives shared blessings from Yes to Love No to Hate

ito lang po muna at maraming salamat,
joseph

On Tue, Sep 17, 2019 at 8:00 PM Joseph Henry Espiritu  wrote:

Dear  Ambassador Adnan, Labatt Nasser, Congen Aro,  Sec Bello, Usec Arreola, Admin Hans and Dir Iric.

Salam, kami po ay humiling ng Country Team Approach para sa urgent repatriation kay OFW Domingo Ramos (0508171836), isang 64 year old OFW sa Riyadh na nabundol ng sasakyan at may injury sa ulo pero hindi maooperahan dahil wala siyang iqama at medical insurance. 

Kahilingan ni OFW Ramos na matulongan siya ng ating gobyerno na makauwi kaagad at doon na magpapaopera sa Pilipinas kasama ng kanyang pamilya.

Si OFW Ramos ay mayroon nang Final Exit Visa 10 years ago, pero hindi niya ito naiuwi at naabutan ng expiration. Ayon kay OFW Ramos hindi pinaalaam ng kanyang employer na kinuhaan siya ng final exit visa. Kaya nagpatuloy pa daw siya sa pagwowork for 5 years sa company na yon. 

Isa pang concern ay last week ay may Saudi daw na tumawag kay OFW Ramos at nagsabi na mayroon siyang babayaran sa rent – a – car sa kotse na naarkila noong early 2000s.

Last week, September 8 and 9,  lumapit si OFW Ramos sa ANS ng ating Embahada, nagkaroon ng Travel Document at sinabihan na magrequest  for repatriation fund sa DFA OUMWA para sa penalty at sa rent a car na rin. Ang case officer ay si Mr. Ariel at pinabalik sina OFW Ramos para ifinalized ang request. Kaya nagkaroon sila ng pag-asa.

Pero noong bumalik sila noong Linggo (September 13, 2019), ay wala si Mr. Ariel at iba ang nakausap nila na tao at iba na daw ang sinasabi.  Hindi daw pananagutan ng gobyerno natin ang kanyang pagpauwi lalo na sa rent a car. Dapat bayaran nya daw ito. Hindi alam kung anong pangalan ng taga-embahada, pero ang description nina OFW Ramos ay medyo kalbo daw.  (Naka-attached po dito yong SMS ni OFW Ramos sa amin tungkol sa pagpunta nila sa embassy noong Linggo.)

Marami na po tayong mga ganitong special cases in the past, at sa mga ganitong kalagayan ng OFW ay tinutulongan ng DFA OUMWA na mairelease ang repatriation fund para sa penalty sa iqama, hospital bills, kahit rent-a car, or ano mang monetary obligations ng OFW may ganitong kritikal na karamdaman.

Salam sirs, maams, nakarating sa aming ang case na ito sa pamagitan ng pamilya ni OFW Ramos. Nabisita namin siya last Saturday sa bahay ng mag-asawang noel at susan , kanyang mga kaibigan na nag-aalaga sa kanya mula nang siya ay mastroke, hanggang sa nakarecover hanggang sa nangyaring akidente hanggang sa ngayon. 

Nakita po namin ang kanyang kalagayan at nabasa namin ang medical report, na may namuo po na dugo sa kanyang utak. Nagtanong-tanong ako sa mga kasamhan na nasa medical field, isa lang sinabi nila. Kailangan itong maoperahan kaagad at kung gusto ng ofw na umuwi dapat pauwiin na siya kaagad. 

Kaya nag-initiate na rin kami ng parallel move, at lumapit kami kay Labatt Nasser Mustafa ng POLO  Riyadh at nakiusap na makakuha si Brother Anwar Salisipan ng printout sa Jawasat.

Alhamdulillah, nakakuha kaagad tayo ng printout sa Jawasat, at sa printout, walang police case na nag-appear. Maaring walang nakasampa ng reklamo sa rent a car. or Maaring lalabas lang ito kung magfingerprint na si OFW Ramos. Pero positive pa rin tayo na walang police case na lalabas dahil at the time na nagkaroon ng final exit visa si OFW Ramos ay hinid pa implemented ang mandatory fingerprinting para sa iqama.

Nakattached din dito ang copy ng printout na nakuha ni Bro Anwar ng POLO.  Humiling na rin kami kay Labatt Nasser Mustafa na maisama si OFW Ramos sa Jawast for fingerprinting.

Hopefully, ang kailangan lang mabayaran ni OFW Ramos ay ang penalty lamang sa iqama at sa expired final exit visa. In Sha Allah. 

Dapat yan sana ang unang ginawa ng ating taga-ANS, alamin kung may penalty sa iqama at final exit visa, o sa rent a car bago sila mangako at magbigay ng false hope na magrequest ng repatriation fund sa Manila pero sa pagbalik naman ng OFW ay padidismayain naman. 

Ito po sana ang mga steps na dapat gagawin sa one country team approach.

  1. get a printout from jawasat and ask for the amount sa penalty sa expired iqama at expired final exit visa kung may police case or wala. (naumpisahan na ito ng POLO)
  2. second, (we suggest ANS ang maglakad nito). pumunta sa hospital kung saan siya nadala at unang nagamot. Inquire kung pwede ba siyang makapagtravel pauwi sa Pilipinas  note may bill pa doon na di nabayaran, at kawawa naman yong ofw nagpirma sa paglabas ni OFW Ramos kung siya ang pasasagutin nito. In the past, maraming cases na rin na DFA OUMWA ang nagshoulder sa expenses ng hospital bills. at wala namang problema.
  3. If may makitang police case sa jawasat, tungkol  sa sinabing rent-a-car, puntahan ang police, or prosecutor or court na nakasulat sa printout at alamin  kung magkano ang bayarin sa rent-a-car. (hopefully walang police case)
  4. Once makuha na nag buong info sa mga steps sa taas at malaman natin ang mga babayarin, we request na ANS ang magrequest ng repatriation fund sa DFA OUMWA . 
  5. We hope that DFA OUMWA will approve the repatriation fund asap po dahil sa may blood clot na namumuo sa ulo ni OFW Ramos. 
  6. Prayers for OFW Ramos and all.

Nasa baba po at nakaattached din po ang mga sinasabi namin na documents (medical report at jawsat printout ) at sms messages.

Maraming salamat and May Allah bless us and protect us always,
joseph

Attachments

Medical Report
SMS of OFW Ramos
SMS of OFW Ramos
Jawazat Print for OFW Ramos
Share this: