Pag-uwi ng labi ni OFW Maribel Racoma Patubo – kasambahay sa Saudi

Share this:

Sobrang pagdadalamhati ng pamilya ni yumaong Maribel Racoma Patubo na sumalubong sa kanyang labi kaninang alas-10 ng gabi sa Laoag International Airport.

Si Maribel Racoma Patubo, 27 na taon, may asawa at dalawang anak na babae , isang 9 y/o at 6 y/o ay taga Quimmarayan Bantay Ilocos Sur. Siya ay nagtrabaho bilang isang kasambahay sa Buraidah al Qassim . Dumating siya sa Saudi Arabia noong September 18, 2018.

Noong October 12, 2019 , bigla na lang syang nahilo habang nagtatrabaho kaya itinakbo siya sa Al Ras General Hospital Qassim . Ang diagnosis batay sa Medical Certificate ay intracerebral hemorrhage.

Kinailangan nyang maoperahan agad kaya tinawagan ang asawa na si Joseph Patubo para makakuha ng consent. Pagkatapos ng operation, siya ay isang comatose at nanatili sa ICU hanggang siya ay nagka cardiac arrest noong October 16, 2019 bandang 9:50 PM . Ang rason ng pagkamatay batay sa Death Certificate ay Brain Hemorrhage.

Humingi ng tulong ang asawa ni Maribel thru Lia Grey, isang OFW nurse sa Dammam Saudi Arabia at thru the guidance of Patnubay, nabigyan ng instructions ang asawa kung pano ang gawin na hakbang nila sa Pilipinas para sa pagtanggap sa labi ng nasawing asawa.

Lia Grey with the help of Patnubay sought the help / assistance of Director Iric Cruz Arribas and Atty Hans Cacdac for the repatriation of the remains.

Director Iric gave 2 person na kontakin ni Joseph Patubo, sa DFA OUMWA sa pinas. Additional actions taken gaya ng pagtawag sa Philippine embassy Riyadh to ff up on the case, kinausap ang case officer na si Mr. Nour Hussein, at tumawag din siya sa employer ng nasawi nating kababayan na si Mr Ahmed para makiusap na kumuha na ng NOC sa ating embahada para maumpisahan na ang pagpapauwi ng labi ni kabayan.

Sa mabilis na action ng patnubay kaya napabilis din ang pag asikaso sa labi ni Maribel .

Ang labi ay napauwi kahapon, November 13, 2019 at 7 pm at nakarating kanina sa Pilipinass ng umaga na ng November 14 at kalahating araw na I-tsek ng quarantine bureau bago ibiniyahe ang labi alas 7 ng gabi/

Bandang alas -10 ng gabi dumating sa Laoag International Airport ang labi ni yumaong OFW Maribel na sinalubong ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Drafted by : Romella Bayatin
Patnubay – Dammam

Note: Kami ay lubos na nakikiramay sa naiwang pamilya ni OFW Maribel. Gagabayan natin sila para sa OWWA Death Benefits & burial assistance at sa Death benefits din mula sa compulsory insurance (RA10022).

Excerpts from Group Chat Conversation with DFA OUMWA and OWWA

Photos – Arrival of Remains of the late OFW Maribel Patubo at Laoag International Airport

Share this: