Isang kababayan na-hold sa Amman Airport – sinaklolohan ng POLO-Jordan

Share this:

Novembre 24, 2019,
Amman, Jordan.

Isang kababayan na inihatid ng employer sa Amman Aiport ay hindi natuloy ang pag-uwi sa Pilipinas dahil hindi pala confirmed ang kanyang ticket. Naharang pa ito sa immigration at ayaw palabasin ng mga police sa airport.

Kaya humingi sya ng saklolo sa POLO OWWA Jordan sa pamamagitan ng FB mesenger. Kinausap ng POLO ang immigration officers para makalabas sa Airport si kabayan.

Mag-alas tres na ng madaling araw nang dumating sina kabayan sa ating embahada. Kinontak kaagad ni POLO OWWA Welfare Officer Harry Bores agency ni Kabayan sa Jordan upang mai-rebook ang Ticket. Tumugon naman ang kanyang agency.

Sa kanyang confirmed flight schedule, si Welfare Officer Harry na mismo ang naghatid kay kabayan sa airport upang masigurado na hindi na mapalya ulit ang kanyang flight.

Nakarating na ng Pilipinas si Kabayan Marilyn Pascua Roble Rabanal via Saudi Airlines at masaya nang kapiling ang kanyang pamilya.

Samantala, may tatlo pang ward mula sa POLO-OWWA Shelter ang nakauwi na rin ng Pilipinas kahapon. Ito ay bunga ng pagsusumikap sa ating embahada at POLO- OWWA na makamit ang kanilang target na, “Zero Stranded OFW sa shelter”.

Tuloy-tuloy ang repatriation para sa mga distressed at undocumented OFW habang may amnesty pa. Sa kasalukuyan, nasa 36 lang ang wards sa shelter. Maraming salamat sa kasipagan ng mga tauhan sa POLO- OWWA sa pamumuno ni Labor Attaché Jainal ‘Jun’ Rasul.

Share this: