Successful One Country Team Approach para sa isang Human Trafficking Victim sa Saudi Arabia

Share this:

Nobyembre 20, 2019, limang araw mula nang mabuo ang One Country Team, kasama ang inyong lingkod, si Dir Iric Cruz Arribas ng DFA OUMWA at si Admin Hans Cacdac ng OWWA, nasarado ang kaso ng isang HUMAN TRAFFICKING na isang taon na naghihintay ng tulong.

Si OFW Evalyn Tolentino Domingo, 27 taong gulang, mula Vigan City Ilocos Sur, ay dumating dito sa Houtat Sudayr, Saudi Arabia noong January 2018 sa pangangalaga ng kanyang unang employer at nagtrabaho siya bilang isang kasambahay.

Lumipas ang sampung buwan, ang kanyang employer ay nagbakasyon ng dalawang linggo at iniwan si Evalyn sa pinsan ng amo. Halos dalawang linggo na nanatili si Evalyn sa bahay ng pinsan ng amo.

Gaya ng inaasahan, siya ay nagtrabaho bilang kasambahay, yaya ng apat na bata, isang all around kasambahay , mas mabigat konti ang trabaho kesa sa dating amo. Pagkalipas ng dalawang linggo bumalik ang totoong amo para sabihin na tapos na ang papeles nilang pamilya at mag for-good na sila ng Canada.

Sa halip na ibalik si Evalyn sa agency dito sa Saudi para maiproseso ang pagkakaroon ng panibago at legal na amo, at para magkaroon din ng bagong kontrata. Hindi iyon ginawa bagkus ay ibenenta si Evalyn sa pinsan ng amo ng walang pagsang-ayon kay Evalyn at walang legal na paglipat at kontrata.

Bilang isang bagong salta dito sa Saudi Arabia hindi alam ni Evalyn na may mali sa nangyayari sa kanyang kapaligiran yun nga ay mali na ilipat siya sa ibang amo na wala nman pinirmahan na kontrata. Pero dahil sa unang dalawang linggo ay maganda naman ang pinakita sa kanya ng bagong amo kaya hindi siya nagreklamo.

Nagsimula siyang nagtrabaho sa bagong amo around November 17,2018. Pagkatapos ng dalawang linggo doon na nagsimula na lumabas ang tunay na kulay ng pamilya. Ang among lalaki ay naka-limang beses siyang tangkang pagsamantalahan pero dahil umangal at nanlaban ay walang nagawa ang among lalaki. Hindi nagtagumpay sa maitim na balak ang amo pero hindi pa din nakaligtas si Evalyn ng ilang beses na panghihipo at panghahalik sa kanya.

Ang mga kabastusan na ginawa ng among lalaki ay may kasabay na pagbabanta sa kanyang buhay gaya ng papatayin si Evalyn kung tatangkain niyang magsumbong sa amo na babae. Hindi pa diyan nagtapos ang kalbaryo ni Evalyn. Ang mga amo ay nabiyayaan din ng mga anak na sutil, at sinasaktan si Evalyn gaya ng pinapalo sa ulo ng kahit anong bagay na madampot hanggang umabot minsan na ito ay nasugatan, sinasampal , sinasabuyan ng malamig na tubig, iniihian habang tulog.

Sinubukan niyang magsumbong sa kanyang madam pero ang among babae ay denepensahan ang mga anak at sinabi na biro lang daw ang mga gawain na yun. Nagpatuloy ang pagmamaltrato sa knya hindi lng physical, sexual kundi pati na rin mental dahil pagbabayarin din si Evalyn ng 9,000 SR nung sinubukan niyang magpaalam na bigyan siya ng kahit dalawang linggo na bakasyon.

Dahil wala naman ganun kalaking pera si Evalyn hindi niya naipilit ang inaasam na bakasyon . Mula nung nagtrabaho si Evalyn sa mga bagong amo, hindi niya nahawakan ang sahod kase deretso daw ito na pinapadala ng amo sa kanyang asawa sa Pilipinas. Nagpatuloy ang mga pang aabuso gaya ng kulang at hindi wastong pagkain, ( tinapay at saluyot araw araw ) kulang sa tulog ( 3 to 4 hrs ang tulog kada araw ) at sobrang pagtatrabaho kase pati mga anak ng kapitbahay dinadala din minsan sa kanya para kanyang alagaan.

Pagkatapos ng dalawang buwan na pananahimik dahil sa sobrang takot dahil nga sa death threat ng amo, nagkaroon din ng lakas ng loob si Evalyn na magpatulong sa ating embahada nagsimula noong Enero sa taong ito. Sa hindi maintindihang kadahilanan, kung bakit umabot ng halos sampung buwan bago natugunan ang panawagan ng tulong ni Eva, marahil ito ay dahil sa sobrang dami ng maltreatment case at sa dami ng mga humihingi ng tulong ay pwede natabunan ang kaso, marahil ito ay hindi natugunan sa kadahilanang nag iba ang case officer at posibleng umuwi na pabalik ng ating bansa at posibleng nakaligtaang I endorse sa iba.

Madami pwede dahilan pero hindi na iyon ang mahalaga at ang pinaka importante sa ngayun ay dahil sa ginawang intervention / pangingialam ng PATNUBAY , sa agarang action ni Director Iric Arribas at Attorney Hans Cacdac, naging mabilis ang mga pangyayari, agad na nag utos ng mga tao na tumawag kay Evalyn wala pang kalahating oras pagkatapos basahin ang aking sulat at sa kabila ng sobrang pangungulit ko sa kanilang tatlo ni Ka Joseph , Sir Iric, Atty Hans naging mahinahon at pasensiyoso sila sa akin sa kabila ng pangdidisturbo ko sa kanila kahit sa oras ng kanilang pamamahinga.

Ito ay isang HUMAN TRAFFICKING CASE, pero hindi ito self-inflicted katulad ng mga gumamit ng short term visit visa o di kaya yong mga menor de edad na nandaya sa birth certificate at passport. Maituturing na isang HUMAN TRAFFICKING CASE kung (1.) ibinenta at nagtratabaho ang worker sa hindi ligal na amo, (2.) may mga pang-aabuso, (3.) may pananakot ang amo at (4.) may debt bondage, katulad ng pagsabi na pababayarin ang worker sa kanilang ginastos sa pagbili sa kanya.

Sa ngayun, November 25, 2019 , limang araw na action ng ONE COUNTRY TEAM APPROACH FOR EVALYN, halos 1 taon na pagtitiis sa ibang amo , nailigtas po natin ang isang kababayan mula sa isang kaso ng HUMAN TRAFFICKING. Si Evalyn ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng ating embahada sa Riyadh. Inaasahan natin sa pinakamadaling panahon ay makauwi na din sa ating inangbayan si Evalyn at makapiling ang mahal na pamilya.

Maraming salamat din kay Vice Consul Von Ferrera, head ng Assistance to Nationals Section (ANS) ng Philippine Embassy sa Riyadh. Sa kanya naiforward ni Dir Iric Arribas ang kaso ni Evelyn. At kay Labor Attaché Nasser Mustafa ng POLO Riyadh, sa kanya naman ipinasa ni Admin Hans ang pananawagan ng tulong ni Evalyn.

ALHAMDULILAH !

Lia Grey / Romella Bayatin
for PATNUBAY – Dammam

Share this: