DFA-OUMWA USec Arriola nakipagpulong sa UAE-MoFAIC para sa bilateral relations ng Pilipinas at UAE

Share this:
Image Soure: https://www.mofaic.gov.ae

DFA-OUMWA USec Arriola nakipagpulong sa UAE-MoFAIC para sa bilateral relations ng Pilipinas at UAE

Abu Dhabi, UAE
Miyerkules 27/11/2019

Malugod na tinanggap nina Sheikh Khalid Abdullah Humaid Belhoul, Under-Secretary ng Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation (MoFAIC) ng bansang UAE, si DFA-OUMWA Under Secretary Sarah Lou Y. Arriola upang talakayin ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kanilang pulong, na ginanap sa tanggapan ng MoFAIC sa Abu Dhabi, tinalakay ng dalawang panig ang Memorandum of Understanding na nilagdaan kamakailan, (1.) ang labanan ang human trafficking, (2.) ang mga paraan upang lalong mapapatibay ang ugnayan sa pagitan ng UAE at Pilipinas, (3.) at ang ibang international issues na maituturing na common concerns ng dalawang bansa.

Binigyang diin ni Belhoul ang pagiging masigasig ng pamunuan ng UAE upang maitaguyod ang kooperasyon sa Pilipinas sa lahat ng antas at larangan.

Dumalo din sa pulong ang Ambassador ng Pilipinas sa UAE na si Hjayceelyn M. Quintana, ang Director ng East Asia and Pacific Department ng MoFAIC na si Ahmed Al Hay Al Hameli, at iba pang mga opisyal.

Arabic News Source: https://www.mofaic.gov.ae/ar-ae/mediahub/news/2019/11/27/27-11-2019-uae-philippines

Share this: