Pinay sa Jordan nahatulan ng 20 taon na pagkakakulong dahil sa pagpatay sa kapwa Pinay noong 2018

Share this:

Disyembre 2, 2019
Amman, Jordan

Nahatulan ng Grand Criminal Court sa Amman Jordan ang isang 50 taong gulang na Pinay – ng dalawampung (20) taon na pagkakabilanggo at temporary hard labor dahil sa pagpatay sa kapwa Pinay para maisagawa ang pagnanakaw.

Ayon sa ulat, pinatay ang 69 taong gulang na biktima noong Agosto 2018. Nangyari ang krimen sa bahay mismo ng biktima sa Jabal, ِAmman mahigit isang taon na ang nakaraan.

Ang nahatulan, ay nagpunta sa bahay ng biktima para makahiram ng JD 100. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa, at kumuha umano ng kutsilyo sa kusina ang nahatulan at tinapos ang buhay ng matandang Pinay.

Pagkatapos nangyari ang insidente, ang nahatulan ay dumulog sa Embahada ng Pilipinas sa Amman, at sinabi niya sa mga tauhan ng embahada na ang asawang Jordanian ng biktima ay ang responsable sa pagpatay sa sariling asawa.

Nang isinuko na siya ng embahada sa pulisya, inamin umano ng nahatulan ang krimeng nagawa.

Arabic News Source: www.almadenahnews.com
Related Story 2018: 69 anyos na Pinay sa Jordan pinatay. Ang suspek ay isang 49 anyos, na Pinay din

Patnubay Reactions:

Palaisipan sa atin kung bakit ganito ang naging hatol. Napakahaba ng jail term na 20 years. Nasa 70 taon gulang na si kabayan sa pagkatapos ng kanyang sentensiya.

Samantalang kung murder ang kaso, then dapat ang punishment para sa public action ay kamatayan. Pero kung may kapatawaran naman sa pamilya ng biktima ay maliligtas ang nahatulan sa bitay at makakalaya na siya kung mababayaran ang private rights.

Yan pa ang isang palaisipan, paano yong private rights ng pamilya ng biktima? Wala na ba silang right para humiling ng bloodmoney at magbigay ng forgiveness (tanazul)? O baka, nagkaroon ng hatol na ganyan dahil walang nag-file ng private right of action sa side ng pamilya ng biktima.

Kung ang hatol naman ay tungkol sa kasong theft, ay napakahaba pa rin ng 20 years.

Ang malaking posibilidad ay maaring hindi kumbinsido ang korte na si kabayan ang pumatay. Kundi dahil lamang sa statement na naibigay niya sa police investigation kung saan may nilagdaan siyang pag-amin na siya ang pumatay.

Maaring gagamitin sa kanyang apela na kaya siya pumirma ay dahil wala siyang translator during the investigation. Maaring may ginawa sa kanya sa investigation para sapilitan siyang akoin ang kasalanan.

Kaya, dapat maiapela ito ng embahada na pababaan ang sentensya o mapawalang sala.

Share this: