18 Distressed OFW sa Jordan, nakauwi na sa Pilipinas!

Share this:

Amman, Jordan
Disyembre 3,2019

Hindi maipinta ang saya sa mga mukha ng labingwalong (18) OFW wards sa shelter ng POLO-OWWA sa Jordan. Ito ang ating natunghayan bago ang kanilang flight kaninang madaling araw sa Queen Alia International Airport sa Amman.

Darating sila sa Pilipinas mamayang madaling araw ng Miyerkules, Disyembre 4, 2019 via Cathay Pacific flight 939 mula Hong Kong. Kamakailan lang noong Nobyembre 17, may tatlong (3) wards ang naunang napauwi.

Napakalaking bagay para sa mga distressed OFW na makakasama ang kanilang mga pamilya sa Araw ng Pasko at Bagong Taon. Kaya, patuloy na sinisikap ng ating Embahada at POLO-OWWA na bago matapos ang taong 2019 ay “Zero Ward” na sa OFW Shelter ng Jordan.

Hindi imposible na mangyayari yan dahil sa ngayon ay nasa 19 OFW na lang ang natira sa shelter at sa Disyembre 7 ay may anim (6) na naman ang pauwi sa Pilipinas.

Kasama sa labingwalo (18) na napauwi kanina ay si OFW Antonieta Abarquez na naka-confine noon sa hospital dahil sa stroke sanhi ng high-blood pressure. Ayon sa kanyang attending physician, stable na ang kalagayan ni OFW Abarquez at maari na siyang makapag-travel.

Kaya, kinuha sya ng ng POLO-OWWA mula sa hospital. Nakipag ugnayan na rin ang POLO at embahada sa kanyang pamilya sa Dogmanon, San Isidro Davao Oriental. Nakahandang mag-assist naman ang OWWA Manila sa kanyang pag-uwi mula Manila hanggang sa kanilang bahay sa Mindanao.

Ang PATNUBAY ay lubos na nagpapasalamat sa ating Embahda at sa POLO-OWWA Jordan lalo na kay Labor Attaché Jainal T. Rasul, Jr at kay Welfare Officer Harry Borres, na sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod-kapwa, ay nangyayari na napakaliit na lamang ang bilang ng mga wards sa ating shelter sa Jordan. Saksi po tayo na sa mga nagdaaang mga taon bago pa dumating sina Labatt Jun at Welof Harry ay laging hindi bababa sa 100 distressed OFW ang nakatira sa ating shelter sa Jordan.

Maraming salamat din kay Ambasador Akmad Sakkam, Congen Agnes Cervantes at Consul Ferdinand Flores ng ating embahada sa Jordan sa kanilang parehong dedikasyon sa pagsiserbisyo sa kapwa at sa laging pagtupad ng One Country Team Approachsa paghawak ng mga kaso ng mga OFW kasama ang POLO-OWWA.

Photo Documentation

Welof Harry Borres with OFW Antonieta Abarquez
The 18 OFW before their flight at Queen Alia Airport in Jordan
Share this: