Another News Video tungkol sa Pinay Organ Donor na nakapagligtas ng pitong (7) pasyente sa KSA noong buwan ng Oktobre 2019

Share this:

Noong nakaraang buwan, Nobyembre 9, 2019 – nagkaroon tayo ng isang Article tungkol sa isang Pinay organ donor na nakapagligtas ng pitong pasyente na Saudi.

Naishare natin ito sa ating FB Page. Sari-saring mga reaksyon at mga komento ang ating nababasa.

Marami ang magagandang komento at marami din ang mga katanungan at haka-haka. Maging ang POLO-ERO ay nagtanong din sa atin ng mga karagdagang impormasyon.

Hindi natin kailangan sagutin ang lahat ng mga katanungan at hindi rin natin kailangang magbibigay ng mga paliwanag. Dahil napakalinaw naman na tayo ay nagpaparating lamang ng balita tungkol sa TV interview kay Dr. Mohammed Al-Ghunaim, ang Director General of the Saudi Center for Organ Transplantation.

Napakalinaw din na kinuha lang natin ang buod ng TV interview sa wikang arabic at isinalin lang natin ito sa salitang Tagalog para maiparating natin ang kwento sa ating mga taga-subaybay.

Pero nagsaliksik pa rin tayo para masagot ang mga katanungan at mas mabigyang linaw ang kwento.

Nitong nakaraang araw nakahanap tayo ng isa pang video mula sa MBC News Channel tungkol sa parehong kwento. Heto ang Video at ang kasunod nito ay ang ating pagbibigay ng buod ng kanilang balita, sa wikang Tagalog.


MBC News Channel
October 27, 2019

Walong (8) operasyon para sa organ transplantation na tumagal ng 24 na oras – isang Filipina ang donor at nakapagligtas ng 7 Saudis.

Naibroadcast sa MBC satellite ang ulat mula sa loob ng operating room ng King Fahd Specialist Hospital sa Dammam, ang matagumpay na “organ transplant operation” mula sa isang “brain dead patient” na donor para sa pitong ( 7) Saudis.

Kinumpirma ni Dr. Tawfiq Al-Rabia, ang Minister of Health ng Kaharian, na naganap sa King Fahd Hospital sa Dammam ang unang pagkakataon na ang atay ay ibinahagi para sa dalawang (2) magkaka-ibang tao, sa tuloy-tuloy na proseso sa loob ng 24 na oras.

Ipinaliwanag ni Al-Rabia na ang liver ay hinati sa dalawang bahagi at nilinang (cultivate) para sa dalawang mga pasyente, ang kidney at pancreas para sa pangatlong pasyente, ang lungs ay nahihiwalay para sa pang-apat at pang-limang pasyente, at ang heart ay nailipat sa pang-anim na pasyente, at ang pangalawang kidney ay nailipat sa ika-pitong ‘pasyente.

Ayon kay Dr, Muhammad Al-Qahtani na siyang head ng medical team na nagsagawa sa walong (8) operasyon, ang donor ay isang brain dead na Filipina at nakapagligtas ng buhay ng pitong (7) pasyenteng Saudis, na may edad na 5 hanggang 40 taong gulang.

Ang matagumpay na walong (8) operasyon na naganap noong nakaraang Biyernes (Oktobre 25, 2019), sa King Fahd Specialists Hospital sa Dammam at sa King Faisal Specialist sa Riyadh.

Para sa mga gustong magsasaliksik pa tungkol sa proseso ng organ donation sa Saudi Arabia ito po ang website ng Saudi Center for Organ Transplantation (SCOT). Ang default view ay sa.wikang Arabic, iclick nyo ang button na English para maintindihan ninyo.

Link: http://www.scot.gov.sa/

Sa mga nagsasabi na lahat ng patay sa KSA ay tinanggalan ng mga laman-loob. I-click nyo sa menu ang Organ Donation Regulation at basahin ninyo isa-isa ang mga requirements at mga proseso.

(Note: Kung mayroon mang patay na nawalan ng laman-loob pagdating sa Pilipinas, ito ay sanhi ng embalming na kailangang gagawin dahil sa tagal na pananatili ng katawan sa freezer o sa layo ng travel pauwi sa kanyang bansa. Mayroon din dumaan sa autopsy dahil hindi natural cause of death).

Malinaw sa regulations ng SCOT, na sinisiguro na brain dead ang pasyente wala nang pag-asa na mabuhay pa, at malinaw na hindi yong patay na. Malinaw din na kailangan ang pagpayag ng pamilya ng donor.

This image has an empty alt attribute; its file name is 7cYc6lyQipWTsfa82XVfSEk5RXEIU7tKOm8zxXeKiG1mmEPjj4QHP6s-vee7YEtMiqYlULn0mhZez5xmml516hK4QtRlOSruoDlKirc-8wK2IhHT7oMjnMvghERnASBUEQglNVWz
ORGAN DONATION REGULATIONS

Sa mga nagsasabi na bawal organ donation sa Islam, basahin nyo rin ang lahat ng nakasulat sa Religious Fatwas.


RELIGIOUS FATWAS

Ito man ang mga forms na kailangan magfill-upan at mareview bago maisasagawa ang organ donation.

FORMS FOR ORGAN DONATION

Sana sa pamamagitan ng Article na ito nasagot na ang lahat ng mga katanungan, nawala na yong mga haka-haka at nabigyan na ng linaw ang kwento ng kabayanihan ni kabayan na nakapagligtas ng pitong (7) buhay.

Share this: