Video: Isang sanggol natagpuan sa CR ng isang park sa UAE, Pinay umano ang nanay

Share this:

Disyembre 11, 2019, UAE – Isang ina ang nangiwan ng sanggol sa CR ng isang public park sa UAE. Swerte namang nakita at nailigtas ang baby ng isang pamilyang Emirati.

Naidokumento ng pamilya ang pagkasagip nila sa sanggol, na sa tsansa nila ay ilang araw pa lamang mula pagkasilang. Sa video, maririnig na sinabi ng mga miyembro ng pamilya, na ang ina ng baby ay isang Filipina.

Sa social media, umani ng pagkondena mula sa mga Arabic netizens ang hindi makatao na ginawa ng nanay ng bata. Marami ang nagsabi na ang insidente ay nangyari sa Al Jahili Park sa Al Ain, UAE.

Videos

astafirulloh… ada yg buang bayi di hadikah jahli😭😭#alain manusia biadab…

Posted by Tea Mmhna on Wednesday, December 11, 2019

Patnubay Reaction:

Maaring nasabi ng Emirati na Pinay ang nanay ng sanggol dahil noong nakaraang Nobyembre lamang, may dalawang Pinay na napabalitang nakakulong at nakasohan sa Dubai dahil nagpatapon ng sanggol sa basurahan. Heto ang link ng balita na yon

Link: https://gulfnews.com/uae/crime/mother-in-court-after-dead-baby-found-in-dubai-garbage-bin-1.67824364
Share this: