University of Sharjah ng UAE at Mindanao State University – Gensan ng Pilipinas, lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU)

Share this:

Sharjah, UAE
Disyembre 24, 2019

Ang University of Sharjah sa bansang United Arab Emirates at ang Mindanao State University – General Santos ng Pilipinas ay lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) para magtutulongan sa larangan ng research, education at mga training programs.

Ang MOU ay nilagdaan nina Dr. Hamid Mujul Al Nuaimi, ang Director ng University of Sharjah at Dr. Anshari Ali ng Mindanao State University.

Ipinahayag ni Dr Al Nuaimi ang kanilang pagyakap sa MOU at pagbabahagi sa mga “scientific programs” na inaalok ng kanilang unibersidad katulad ng “research institutes” , “centers of excellence”, “medical complex”, at ang mga mag-aaral at graduates, na mga dahilan kung bakit sila ay isa sa mga pinakamahusay na unibersidad sa UAE.

Ibinahagi naman ni Dr. Anshari ang overview tungkol sa Mindanao State University at ang mga programa nito para sa mga mag-aaral.

Arabic News Source: https://www.arabstoday.net

Share this: