Kuwaiti diplomat: Pagtalakay sa final version ng Philippine labor contracts sa buwan ng Hulyo – KUNA

Share this:

Kuwait News Agency (KUNA)
20/06/2019

KUWAIT, June 20 (KUNA) – Inihayag ni Kuwaiti Assistant Foreign Minister for Asia na si Ali Al-Saeed ang tungkol sa paparating na delegasyon mula Pilipinas para tatalakayin ang final version ng labor contracts ng Filipino workers, umpisa sa buwan ng Hulyo.

Ito ay inihayag ni Al-Saeed sa mga reporters na dumalo din sa ating Embahada sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas .

Kinumpirma ni Al-Saeed ang pagiging masigasig ng magkabilang panig upang makakagawa ng standard contract. Ito ay isang paraan para mapapanatili ang mga karapatan sa partido ng mga Kuwaiti at sa mga partido ng mga Pilipino

Tinukoy niya na may isa pang delegasyon ng Pilipinas na magsasagawa naman ng political consultation na pagsasalihan ng mga Foreign Ministries ng dalawang bansa na gaganapin sa parehong panahon. At para na rin sa paghahanda sa pagbibisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait.

Dagdag pa ni Al-Saeed na umaasa ang bansang Kuwait na matutuloy ang pagbisita ni Pangulong Duterte at ito ay pagsisikapan at pagtutulungan umano ng dalawang bansa.

Tungkol sa pagpili ng bagong Ambassador ng Pilipinas para sa Kuwait, sinabi ni Al-Saeed ay maliban sa proseso na sinusunod wala ng iba pang handlang para magkakaroon ng bagong ambassador ang Pilipinas sa kanilang bansa.

Kinumpirma ni Al-Saeed na ang relasyon ng mga Kuwaiti-Pilipinas ay sumusulong nang maayos. Pinupuri nya ang mga ginagampanan ng mga officials ng parehong bansa at patuloy ang pag-aabante tungo sa maayos na relasyon ng Kuwait at Pilipinas.

Hinggil naman sa mga hindi umano tama na balita ng Philippine media tungkol sa pagkamatay ng isang Filipina na domestic worker (Constancia Dayag) noong nakaraang Mayo, sinabi ni Al-Saeed na hindi nila ugali na magsasalita habang hindi pa kompirmado ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Kaya, pinuri nya ang pagsisikap ng Ministry of Interior at Ministry of Foreign Affairs ng kanilang bansa, sa tuwid, sapat at kumpleto na report tungkol sa namatay na worker at ibinigay nila ito sa kinaukulan ng Pilipinas na magsasagawa din ng sariling imbestigasyon.

Nakumpirma ang katapatan at mabuting pakipagrelasyon ng Kuwait sa atin nang lumabas ang parehong resulta sa imbestigasyon ng Pilipinas sa ulat na nagmula sa panig ng Kuwait.

Arabic News Source: Kuwait News Agency (KUNA)

Share this: