Kahit may Travel Ban sa Iraq, mga illegal recruiters at human traffickers, patuloy pa rin sa pambibiktima!

Share this:

From Philippine Embassy in Iraq FB Page

Nakakagulat naman. Sa kabila po ng mga kasalukuyang pangyayari, mayroon pa din kaming mga natatanggap na mga mensahe mula sa mga Filipino tungkol sa kanilang first time na biyahe to Baghdad NEXT WEEK, para maging kasambahay o guro. Nagtatanong kung ok ba ang sweldo, o may day-off, at saan makakabili ng kanin.

Pakiusap naman, manood po ng tv o mag Google. Simula 2014, may deployment ban for new hires, direct or indirect, lalo na household service workers.

Grabe walang awa talaga mga ilegal recruiter sa Pilipinas, wala silang pakialam sa kababayan nila magka komisyon lang. Wala man lang sila ceasefire sa pagdedeploy ng Pilipino as tourists, dadaan muna sa KL, Thailand o Dubai, pero trabaho as kasambahay naman pala ang pakay.

Nakakagulat naman. Sa kabila po ng mga kasalukuyang pangyayari, mayroon pa din kaming mga natatanggap na mga mensahe…

Posted by Philippine Embassy in Iraq on Saturday, January 4, 2020
Share this: