DFA Usec Sarah Lou Y. Arriola bumisita kay KSA – HRC President Dr. Awwad bin Saleh Al-Awwad

Share this:
DFA Usec Sarah Lou Y. Arriola at KSA HRC President Dr. Awwad bin Saleh Al-Awwad sa kanilang pagpulong sa Human Rights Commission Main Office sa Riyadh noong Disyembre 23, 2019

Disyembre 23, 2019
Riyadh, KSA

Nagkaroon ng pulong sa pagitan nina DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Y. Arriola at KSA Human Rights Commission (HRC) President na si Dr. Awwad bin Saleh Al-Awwad noong Disyembre 23, 2019 sa Riyadh.

Sa kanilang pulong na naganap sa tanggapan ni Dr. Al-Awwad sa HRC Main Office, tinalakay ang mga aspeto ng magkakasamang pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at Kaharian ng Saudi Arabia lalo na patungkol sa mga karapatang pantao.

Binigyan diin ni Dr. Al-Awwad ang mga pagsisikap ng Kaharian sa pamumuno ni King Salman at Crown Prince Muhammad bin Salman bin Abdulaziz, Crown Prince – sa pagsuporta sa karapatang pantao.

Binigyang diin din ng pangulo ng HRC ang mga pag-unlad na nagaganap sa Kaharian at ang mga hakbang na kinakailangan upang makamit ang tuloy-tuloy na kaunlaran na naaayon sa Vision 2030, na naglalayong makamit ang komprehensibong pag-unlad para sa isang mas mahusay na hinaharap para sa Kaharian.

Source

Saudi Press Agency
December 23, 2019
Link: https://www.spa.gov.sa/2014314?

Share this: