1100 undocumented OFW sa Jordan naitama ang kanilang kundisyon dahil sa amnesty

Share this:
Arabic News and Image Source: https://www.alwakeelnews.com

1100 undocumented OFW sa Jordan naitama ang kanilang kundisyon dahil sa amnesty

1100 undocumented OFW sa Jordan ang naitama ang kanilang mga kundisyon dahil sa amnesty na nag-umpisa noong Setyembre 22, 2019. May mga OFW na narenew ang iqama at work permit, at may mga nabigyan ng exit visas at nakauwi.

Sa kanilang press release na pinalabas noong Enero 6, 2020, nagpapasalamat ang Embahada ng Pilipinas sa Amman sa tagumpay ng programa ng pamahalaan ng Jordan para sa mga dayuhang manggagawa na nais iwasto ang kanilang mga papeles at sa mga gustong umuwi.

Dagdag pa ng ating embahada, na ang pag-extend ng amnesty hanggang sa katapusan ng Enero ay malaking kaluwagan para sa mga OFW na nais iwasto ang kanilang kondisyon, ay nagpapaatibay sa mabuting relasyon at pakikipagtulungan sa pagitan ng dalawang magkaibigan na bansa.

Arabic News and Image Source: https://www.alwakeelnews.com

Share this: