MAHIGIT 2 MILYON PESOS ANG PANALO NI ENGR-MR

Share this:

ALHAMDULILLAH! PANALO NA NAMAN ANG OFW!

MAHIGIT 2 MILYON PESOS ANG PANALO NI ENGR-MR, ISANG OFW MULA SA AL KHOBAR – SAUDI ARABIA; LABAN SA KANYANG AGENCY.

AUG 17TH, 6:31PM
ENGR-MR wrote
maaung gabei sir joseph..daug ko sa kaso sir (magandang gabi sir joseph, panalo ako sa kaso ko sir)

tabangan ko nila ug yawyaw sir. (pinagtulongan nila ako at nagpuputak sila sir)
tulo jud xla sir.. (tatlo pa talaga sila sir)
matapobre pjus kau (sobrang matapobre pa)
ako ra usa..g.tubag nku mau oi.. (ako lang mag-isa, nilabanan at sinagot ko sila ng maayos sir)
tnx God jud kau (thanks God talaga ng sobra)

ANG PANALO NI OFW ENGR-MR AY PANALO NG LAHAT NG OFW!

SINA OFW ENGR-MR AT ENGR-LK AY DALAWANG ENGINEERS NA NAGKAPROBLEMA SA SAUDI NOONG 2016. ANG MGA PROBLEMA AY CONTRACT SUBSTITUTION, WALANG IQAMA, WALANG MEDICAL INSURANCE, APAT NA BUWAN NA WALANG SAHOD AT PROBLEMA SA ACCOMODATION.

UNA SILANG HUMINGI NG SAKLOLO SA KANILANG AGENCY PERO WALA ITONG TUGON.

NAGSUMBONG SILA SA POEA AT SAKA LAMANG SUMAGOT ANG AGENCY.

SA EMAIL EXCHANGES NG DALAWANG WORKERS AT NG AGENCY NA NAKA-CC ANG PATNUBAY, ANG PHILIPPINE GOVERNMENT AGENCIES FOR OFWS, ANG IBANG NGO GROUPS AT OFW ADVOCATES, UMASA KAMI NA MAGPAKITA MAN LANG NG KAUNTING CONCERN ANG AGENCY AT KAMPIHAN ANG MGA WORKERS. ANG PROBLEMA AY SA HALIP NA TUMULONG AY PINALABAS PA NG TAGA-AGENCY NA SINUNGALING ANG MGA WORKERS NA GUSTO LAMANG DAW PAGPERAHAN ANG AGENCY NILA.

MULA NAMAN SA PHL GOVERNMENT OFFICES, ANG MGA SUMAGOT SA EMAILS AY SINA ATTY. Edwin Bael NG OPA OFW (TANGGAPAN NI SEC. DABS MAMAO), DIR. OBET LARGA (RIP) AT ATTY. Anna Patricia Jacobo NG POEA.

HINDI NAKIALAM ANG PATNUBAY SA EMAIL EXCHANGES NG AGENCY AT NG WORKERS. ISA LANG ANG INASAHAN NAMIN SA TIME NA YON ANG TUTULONG AT DADAMAY ANG AGENCY AT MAIANGAT ANG MORALE NG DALAWANG WORKERS. .

PATNUBAY AT MGA KAIBIGANG OFWS ANG NAGPROVIDE NG PAGKAIN SA DALAWANG WORKERS PARA SILA AY MAKASURVIVE, MULA NANG MAG-UMPISA ANG KANILANG PROBLEMA AT HABANG IPINAGLABAN NILA ANG KANILANG MGA KARAPATAN GAMIT ANG BATAS NG PILIPINAS AT BATAS NG SAUDI ARABIA.

KUNG CONCERN LAMANG ANG AGENCY, DAPAT AUTOMATIC NILANG NAIIPROCESS KAAGAD ANG SUBSISTENCE ALLOWANCE NG NAGKAPROBLEMANG WORKERS.

SI YUMAONG POEA DIR. OBET LARGA, ANG TUMULONG PARA MAKADIREKTA ANG DALAWANG WORKERS SA INSURANCE PROVIDER AT MAKUHA NILA ANG KABUOHANG TIG-600USD NA SUBSISTENCE ALLOWANCE.

PATNUBAY VOLUNTEER DIN ANG NAGING TRANSLATOR PARA SA DALAWANG WORKERS SA HALOS LAHAT NG HEARINGS NILA SA MINISTRY OF LABOR.

HANGGANG SA DUMATING ANG PUNTO NA PINA-ALIS NA ANG DALAWANG WORKERS SA KANILANG ACCOMODATION. NAG-EMAIL SILA SA AGENCY, NAKA-CC ANG GOVERNMENT OFFICES FOR OFWS, IBANG NGO GROUPS AT OFW ADVOCATES.

PATNUBAY VOLUNTEER ANG GUMAWA NG PARAAN PARA MALIPAT SILA KAAGAD NG COMPANY AT MAKAALIS SA ACCOMODATION.

MADALING NATRANSFER SA IBANG COMPANY ANG DALAWANG WORKERS DAHIL TOTOO LAHAT ANG VIOLATIONS NA INIREKLAMO NILA. KAYA SA LOOB NG TATLONG ARAW AY NAIPALIPAT SILA SA BAGO NA COMPANY NA HINDI KAILANGAN IPAALAM SA UNANG COMPANY.

MARAMING SALAMAT SA MGA KASAMAHAN SA PATNUBAY – DAMMAM & AL KHOBAR; KAY BRO Mel Laynesa (LEAD CASE ACTION OFFICER), KAY BRO YUSOF Tanglaw Buhay SISON (TRANSLATOR), KAY BRO Tommy Forcado Gabayno (TUMULONG PARA SA TRANSFER OF SPONSORSHIP), KAY BRO Neil Umapas, T2 Manny Deama, BRO Arvin Manalang, KA Fidel Aragon PARA SA FOOD AND FINANCIAL SUPPORT AT SA MGA KASAMA NA NAKATUTOK DIN SA KASO NA ITO NOON, BRO Ali Hussein Labasan, BRO Ka Ben Delfina AND MR & MRS Laila Khalid Al Ghamdi

ANG MGA OFWS GAANO MAN ANG PAGHIHIRAP NILA SA ABROAD AY HINDI YAN MAGKAKASO LABAN SA AGENCY, KUNG ANG AGENCY AY MAGPAKITA LAMANG NG CONCERN AT PAG-ALAGA SA DEPLOYED WORKERS NILA. MALIBAN NA LAMANG KUNG OFW NA MISMO ANG SADYANG GUMAWA NG PARAAN NA MAGKAPROBLEMA PARA MAKAUWI AT MAGKASO LABAN SA AGENCY. KUNG MAYROON MAN NA GANYAN, HINDI YAN MANANALO. HINDI RIN YAN ITOLERATE NG PATNUBAY.

SINA OFW ENGR-MR AT ENGR-LK , ANG DALAWANG EMPOWERED ENGINEERS NG AL KHOBAR AY NAPAKABAIT AT NAPAKATINO NA MGA BATA. WALA SA ISIP NILA ANG MAGKASO LABAN SA AGENCY. ANG KAILANGAN NILA SA ORAS NA YON AY SAKLOLO. ANG AGENCY ANG NAGSABI NA KUNG UUWI ANG DALAWANG WORKERS AY KAKASOHAN LANG NILA AGENCY AT PEPERAHAN.

DOON NAGKAMALI ANG AGENCY. DAHIL SA TAKOT NA MAKASOHAN SILA KUNG MAKAUWI ANG MGA WORKERS, HESITANT SILANG TUMULONG. DAPAT SANA NAISIP NILA NA KAHIT ALAM PA NG WORKERS ANG KANILANG KARAPATAN,, AY HINDI SILA MAGKAKASO KUNG ANG AGENCY AY TUMULONG OR KAHIT NAGPAKITA LAMANG NG PAG-AALALA SA MGA WORKERS.

SA KASO NA ITO, ANG PUSO NAMIN AY NASA DALAWANG WORKERS. KAHIT NGAYON RAMDAM PA RIN NAMIN ANG PAGHIHIRAP NILA NOON. KUNG KAMI NA UMALALAY LAMANG AY MAY MALAKING HINANAKIT SA NANGYARI. ANG MGA WORKERS PA KAYA?

HIND PERA ANG MAHALAGA DITO KUNDI HUSTISYA. SA KATUNAYAN, HINILING NOON NG DALAWANG WORKERS SA POEA NA IPASUSPENDE O IPASARA ANG AGENCY. PERO WALANG NANGYARI KAHIT WARNING OR ULTIMATUM MAN LANG. ANG HINAHANAP NG DALAWANG WORKERS AY KATARUNGAN SA PAGHIHIRAP NA DINANAS NILA SA ABROAD. KAYA NANG MAKAUWI SI ENGR-MR, NAGSAMPA SYA NG KASO LABAN SA AGENCY AT NANALO.

ATING IPAGDASAL NA MANANALO DIN SI ENGR-LK, ANG ISA PANG WORKER.

IPAGDASAL DIN NATIN NA HINDI NA MABALIGTAD ANG DESISYON SA PAGKAPANALO NI ENGR-MR GAWA NG APELA NG AGENCY.

LA HAWLA WA LA QUWATTA ILA BILLAH. THERE IS NO POWER AND NO MIGHT EXCEPT IN OUR CREATOR.

Also posted in

ALHAMDULILLAH! PANALO NA NAMAN ANG OFW! MAHIGIT 2 MILYON PESOS ANG PANALO NI ENGR-MR, ISANG OFW MULA SA AL KHOBAR -…

Posted by Patnubay Online on Saturday, August 25, 2018

Related Link

Share this: