Dalawang Pinay inaresto sa Japan dahil sa pagpuslit ng stimulants

Share this:

Enero 16, 2019 – Japan

Dalawang Pinay sa Gifu Prefecture, Japan ay arestado dahil sa pagpuslit ng stimulants. Nakilala ang isa sa mga nahuling pinay na si Ozeki Roxan Ramos, 36 anyos, walang trabaho at naninirahan sa Kakamigahara City, Gifu Prefecture.

Ayon sa pulisya, pinaghihinalaan si Roxan sa paglabag ng Stimulant Drugs Control Law noong Oktubre 2019 nang tinangka niyang itago ang mga stimulants sa mga machinery parts ng international courier cargo sa Kansai Airport para subukan maipuslit ang mga ito.

Ang mga stimulants ay nasa 28 grams, at ang halaga ng mga ito ay nasa 1.68 million yen. Ayon sa police na nag-imbestiga, ito ay maituturing na smuggling na ang pakay ay may kikitain sa pagbebenta sa produkto.

Source

News Source: https://hicbc.com/news/article/?id=0004CB81
Share this: