MAKISAWSAW NA RIN – REAL TALK LANG

Share this:

Fan ako ni Raffy Tulfo dahil tumutulong naman talaga sya.

Mas fan ako sa mga teachers dahil teacher ang nanay ko.

Pinaka-fan ako sa mga bata dahil may mga anak ako.

Kaya, kung may mananakit sa mga anak ko, physically, psychologically or emotionally, mapa-teacher man o kahit sino na malaki ang agwat sa kanilang edad, gaganti ako nang higit pa sa ginawa nila, kahit ano pa ang pagkakamali ng mga anak ko. Dahil, mga bata yan na dapat iintindihin ng mas mga nakakatanda pa sa kanila. at higit sa lahat mga anak ko sila.

Subukan nyong pagalitan, hahatakin ko ang mga dila ninyo. Subukan nyong ipahiya sa maraming tao, ipapahiya ko kayo sa harap ng mga pamilya ninyo. Subukan nyong pagbuhatan ng kamay, babalian ko kayo ng mga buto.

Kaya mga anak, magpakabait kayo, dahil handa akong papatay at mamatay para sa inyo.

Masanay kayo sa mundong ito, mahilig sa power trip, kung sinong malaki ang katawan, sinong may impluwensya, kung sino ang tingin sa sarili na makapangyarihan at kung sino ang marami, sila ang kinakampihan, sila ang sinasamba. Kaya laging nangyayari na binubully ang nangbubully, sa bully.

Pero ‘wag kayong gumaya sa kanila mga anak, mga duwag ang mga yan. Ang hiling lang ni papang ay magpapakabait lang kayo para may kabulohan ang pakipaglaban ko para sa inyo. Kahit ilang bully pa sila!

Pahabol: para sa mga guro na nagsasabi na okay lang paluin ang kamay o ulo, ipa-squat o ipahiya ang estudyante bilang pagdidisiplina.. doon kayo magturo sa kulongan ng mga kriminal o sa military school. Huwag sa mga bata, dahil ang pagtuturo sa mga bata ay kailangan ng mahabang pasensya.

Para sa mga magulang na nagsasabi na pwede lang saktan ang anak nila dahil disiplina.. Ang pagkukulang ay nasa inyo at napakasakit yan para sa mga anak ninyo na hindi ninyo sila kinampihan. Dadalhin nila yan hanggang sa kanilang paglaki.

Para sa mga nagsasabi na naging matino sila dahil sa disiplina ng mga guro. Siguro natakot kayong madisiplina kaya tumino kayo. Pero ang katotohanan, subukan nyong balikan sa inyong mga ala-ala, yong mga kaklase nyo noon na napagalitan, nasaktan, napahiya. marami sa kanila ang hindi nakatapos sa pag-aaral, hindi umasenso sa buhay, may mga naging kriminal pa siguro o may nagbigti ba, dahil sa murang edad pinaramdam na sa kanila na sila ay masama o bobo, o walang pag-asa. Maliban na lamang kung ipinaglaban sila ng kanilang mga magulang.

As posted in https://www.facebook.com/PatnubaydotCom/posts/10217697001590204

The Best Discipline

The best discipline there is, is for the adults to set as good examples in patience and in love… not in hate, not in humiliation.

Let us show to our children what love for oneself is, and love for others also.. give each child the feeling of belonging and importance..

If you believe that the children are our future then that vicious cycle in our educational system should be stopped. it could be good to some .. but the reality is no.. it did not help. it does not help. and it wont help.

Look at us now.. kahit sa social media. full of hatred.. full of shaming.. the more educated we think we are.. the more barbaric we become..

As posted in https://www.facebook.com/PatnubaydotCom/posts/10217708423795752

Real talk once more

Real talk ulit – Kung gagawing regulasyon ng DEPED na sa pag-enroll ng bata ay magbigay ng waiver yong mga magulang na gustong disiplinahin ang mga anak nila sa school – ewan ko lang kung ilan sa inyo ang magbibigay. 

As posted in https://www.facebook.com/PatnubaydotCom/posts/10217703452911483

Share this: