Mga Pinoy sa Italy, biktima din ng rasismo ng mga napraning sa corona virus. Mayor ng Bologna at ng Florence, nananawagan na tigilan ang diskriminasyon!

Share this:

Italy: Mga Pinoy biktima din ng rasismo ng mga napraning sa corona virus.

Parma, Italy – Isang Filipino-Italian ay nilapitan ng isang pangkat ng mga kabataan at pinagsabihan na “Umalis ka dito, nagdala ka ng virus!”. Nasundan pa ito ng pisikal na pananakit. Dumulog na ang biktima sa isang abugado.

Source: http://www.parmatoday.it

Cagliari, Italy – Isang Pinoy waiter ay nabugbog ng mga kabataan sa loob ng isang bus dahil napagkamalan umanong Chinese. Dinala ang biktima sa Brotzu Hospital. Nagtamo ang biktima ng facial trauma na may 30-day prognosis.

Source: https://www.globalist.it

Mayor ng Bologna at Mayor ng Florence, nananawagan na tigilan ang diskriminasyon!

Bologna, Italy – Sa kayang post sa Facebook, inulat ng Mayor ng Bologna na si Virginio Merola, na isang 11 anyos na Italian-Chinese ay biktima ng “racist attack”.

This is not about coronavirus , it’s about civilization. My sincere solidarity with the child and his family. I ask all our fellow citizens not to keep silent in front of others, any, abuses resulting from the climate of hatred that a crude and irresponsible policy has been fueling for some time. This time – he argues – it is the virus, another anti-Semitism or other forms of racism. Let’s oppose, let’s stop this spiral. I am ready, if you wish, to meet this child’s family. Just as I intend to go where it will be appropriate. – (Translated from Italian)

Source: https://www.open.online

Florence, Italy – Upang mapigilan ang “panic attack” at kagulohan sanhi ng corona virus, ang Mayor ng Florence na si Dario Nardella ay naglunsad ng inisyatibo para mapiligan ang diskriminasyon. Sa kanyang Facebook account, siya ay nagpost ng isang video na may hashtag na #Abbracciauncinese.

Source: https://www.open.online

Share this: